CHAPTER 9: TROUBLE

8 0 0
                                    

CHAPTER 9: TROUBLE

"Gwaenchanha?" (Are you alright?) Tanong ni Jimin kaya tumango na lang ako.

Napabuntong hininga na lang sila nang sabay bago ako inalalayan sa pagtayo. Napapitlag naman akong bigla nang maalalang sinabihan ko nga pala si Yoongi ng I love you.  Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kaniya. Partida, nandito pa rin si Jimin. Sana pala hindi na lang ako tumakbo.

"Jinjjayo?" (Really?) Nakangiti niyang tanong.

"Geugoes eun ohae ibnida." (It is a misunderstanding.) Sagot ko. "I love BTS. That's why I love all the members of the group."

Tumango lang siya tapos ay kinindatan ako. Napatingin naman ako kay Jimin na tahimik lang na pinapanood kaming dalawa. Nginitian ko na lang siya nang mapansing tulala lang siya at nakatitig pa sa akin. Swerte ko no? Sana all.

Nang bitawan na ako ni Yoongi ay bumalik na lang ako sa funeral dahil uuwi na ako. Syempre magpapaalam muna ako kay Jin kasi baka isipin niyang kaladkaring babae ang pinakasalan niya. Choss.

Umiiyak siya nang makarating ako doon kaya nagdalawang isip akong lapitan siya. Isa pa, hindi naman kami gaanong close kaya baka isipin niya pang feeling close ako di ba? Dumiretso na lang ako sa pinto at balak nang lumabas nang tawagin niya ako.

Ngumiti muna ako ng todo bago humarap sa kaniya. Napawi naman ang ngiti ko nang makita ang namumugto niyang mata dahil sa kaiiyak.

"You can get through this. Di man tayo close pero pipilitin kong bigyan ka ng panibagong dahilan para mabuhay. I mean, kami palang mga ARMYs. We will inspire you para naman makabangon ka ulit." Nakangiti kong sinabi kahit alam kong hindi niya naiintindihan ang mga iyon. Alam kong mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Pero mas mahirap iyong mabuhay ng walang inspirasyon at walang dahilan. Masakit sa pakiramdam na gumigising ka araw-araw at iisipin mong may nagmamahal pa kaya sa kin? May dahilan pa ba para bumangon ako ngayong araw?

Although feel mong ikaw na lang mag-isa ngayon, who knows na maraming nagmamahal sayo di ba? We're all loved kaya gusto kong intindihin niyo rin na hindi tayo nag-iisa. Laban lang ng laban. Kaya pa naman siguro eh. Pero kung hindi na talaga kaya, tiwala lang naman kay God ang kailangan.

Amen. Mukha na tuloy akong pastora ngayon. Ngumiti na lang ako kay Jin na nakangiti rin sa akin kahit di naman talaga niya naintindihan kung anong sinabi ko.

"Jusyeoseo gamsahabnida." (Thanks for coming.) Sabi niya kaya tumango na lang ako. Tatalikod na sana ako kaso may tumawag na naman ng pangalan ko. Napapikit na lang ako kasi parang ayaw nila akong pauwuin. Sinabi pa naman nina Anna na sa bahay sila matutulog ngayon dahil ang saya daw pala kasama ni Marie. Baka magtaka na sila kung saan ako nagpunta lalo pa't hindi naman ako pumasok sa trabaho ngayon.

"There will be a Prom Party at exactly our Anniversary. We'd like to see you there." Si Jungkook habang nakangiting inaabot ang ticket para sa nasabing party. Agad ko namang kinuha iyon syempre.

"Gomawoyo." (Thanks.) Sagot ko bago tuluyan ng umalis doon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala na ulit tumawag sa pangalan ko. Ang problema ko na lang ngayon ay kung paano tatakasan ang mga matang lawin ng mga ARMY na naririto sa labas. Jusko!

Habang naglalakad ay todo tabon ako sa mukha ko gamit ang hood ng jacket na suot ko ngayon. Mahirap na, kagaya nung nasali ako sa chatroom, baka kuyugin ako ng mga sasaeng fans. Teka, kamusta na nga ba ang chatroom? Namimiss ko na yun ah. After all, nararanasan ko lang naman lahat ng kaswertehan ko sa buhay ngayon dahil sa chatroom na yun.

Pero sa ngayon, kailangan ko na munang takasan ang mga co-ARMYs ko. Dali-dali akong nagtatakbo papalabas ng gate habang hindi pa gaanong nakatuon ang pansin nila kaya ligtas at walang sugat akong nakarating sa bus stop at agad na nakasakay ng bus na saktong dumating nang dumating ako. Oha. Sa sobrang ganda ko kasi, pati lahat ng bagay umaayon na sa kagustuhan at pangangailangan ko.

Nakabuntong-hininga na ako nang makaupo ako sa bus. Inilabas ko na lang ang phone ko at isinalpak ang earphones sa tenga ko tapos ay pumikit. Gusto ko lang sanang magrelax. Ni hindi ko na matake ang lahat ng mga nangyayari sa kin lately. Parang ang bilis ng mga pangyayari at hindi ako sanay sa ganun Maning Author! Nasa line pa ba to ng story mo oh baka napapalayo ka na masyado ha? Napapagod din ako kaya!

Naalimpungatan na lang ako nang may biglang humila ng earphones ko dahilan para tumilapon iyon kasama na rin ang phone ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil tatlong babae sila at sa tingin ko ay high school students sila dahil sa suot nilang uniform. Nakapamewang ang nasa gitna kaya napangisi ako. Tumayo ako kahit umaandar ang bus, sanay naman ako eh.

"Haksaengdeul eun?" (Students?) Nakangisi ko pa ring sinabi tapos ay tiningnan sila mula ulo mukhang paa. Ay este hanggang paa. Nagflip muna ako mg hair ko na kumikintab pa tapos ay muli silang tiningnan na ngayon ay parang mga natatawa dahil sa mga ginagawa ko. "Give me my phone now while I'm still being nice."

Imbes na matakot ay lalo pa silang nagtawanan kaya naman nanlilisik ang mata ko silang tiningnan. "Ayaw niyo?!" Mariin kong sigaw dahilan para magulat ang lahat ng nakasakay sa bus ngayon. Napatigil sila sa pagtawa at seryosong tumingin din sa akin.

"You might expect us to be idiot right? You think we can't understand English?" Mataray na sinabi naman ng nasa kanan na mukha namang isda. This time, it's my turn naman para matawa. Inisip ko ba yun? Eh mga loko palang kausap to eh. Kahot ayoko, napilitan akong talikuran sila at kuhain na lang yung cellphone ko kesa naman gumawa pa ako ng gulo rito, mas matanda pa naman ako sa kanila.

"Omo!" Sigaw ko nang patirin ako nung nasa kaliwa. Napatama ang mukha ko sa bangko kaya naman napuruhan ako sa labi at nagdugo iyon. Napamura na lang ako dahil talagang sinusubukan ako ng mga batang to! Kinuha ko muna ang phone ko at nilagay iyon sa dala kong bag tapos ay dali-daling tumayo at hinarap ang tatlong babaeng iyon. Mas lalo pa rin akong nainis nang nagtatawanan rin pala lahat ng sakay ng bus.

Kahit medyo umiikot ang paligid ay pinilit kong labanan sila. Ngumisi lang ako at idinura ang dugo na walang tigil na umaagos sa labi ko. Ikinuyom ko ng kamao ko at walang-awang sinuntok sa mukha ang babaeng pumatid sa akin kaya naman napatigil na sa pagtawa lahat ng manonood. Yeah, at ako ang bida na malaki ang chance na makulong dahil sa ginawa ko ngayon.

Susuntok pa sana ako sa dalawa niya pang kasama pero bigla na lang silang umiyak at lumuhod habang nagmamakaawang huwag ko silang saktan. Lumuhod rin naman ako at iniangat ang ulo nila parehas at sinampal silang parehas. Matapos iyon ay agad na akong bumaba ng bus kaya nabangga ako. Charot syempre pumara ako saka bumaba.

Nang makaalis ako sa lugar na iyon ay saka ko naramdaman ang sakit ng ulo ko. Napahawak pa akong bigla sa babaeng dumaan ng unti-unting umikot ang paningin ko. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid ko pero ramdam ko pa rin nung bumagsak ako sa semento. Hindi ko nga alam baka pag nakabangon ako ay paralisado na pala ako. Partida pero nakabangon daw.

Sa sobrang sakit, ni hindi ko na binigyang pansin ang mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Bukid roon, ni hindi ko na rin mapakinggan ang sinasabi nila.

After nun, wala na akong naalala kundi ang unti-unting pagpikit ng mata ko.

To be continued...

magnuxxi: Anyways, gusto ko lang bumati ngayon, Happy Fathers Day po sa lahat ng Tatay! At sana magustuhan niyo pa rin ang story ko kahit medyo di ko na rin alam kung san to patungo. Hahahaha. Vote and Comment will be highly appreciated. Kamsa at nakarating ka pa sa part na to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Chatroom StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon