CHAPTER 6: I LOVE YOU BOY

30 0 0
                                    

CHAPTER 6

Tinatamad na lumabas ako ng café dahil sa pagod na rin kanina. Pero sulit naman dahil nakita ko na ang BTS ng personal ng walang kahirap-hirap.

Kaso ang hindi ko inaasahan ay ang makita pa silang naghihintay sa labas ng café. Kaya naman hindi ko na napigilan pang mapangiti habang nag-aayos ng sarili dahil haharap na naman ako sa kanila.

Sigurado naman ako na ang pinakamagandang Amy Rodriguez ang hinihintay nila. Sa ganda ko ba namang to!

Kakaway na sana ako nang malapit na ako sa pwesto nila ngunit laking gulat ko nang may babaeng sumulpot sa likuran ko at nilapitan sila. Napasimangot akong bigla thinking na assuming lang pala ako.

Pinili ko na lang na maglakad palayo sa kanila kesa naman sa mapansin pa nila ako. Nakakahiya kaya! Hindi man lang ako ready na makikita ko pala sila ngayon.

"Amy!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses kaya napapikit ako ng mariin at nagkunwari na lang na walang narinig. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko at mas binilisan pa para hindi ako maabutan at makaalis na sa lugar na ito.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko naman talaga silang lapitan at dumugin pero sa sitwasyon ko, hindi pwede. Baka mapansin pa ng ibang tao at mas lalo nilang malaman na nandito ang BTS. I respect their privacy anyways.

Gusto kong maenjoy nila ang araw na to ng walang sumisingit at fans na nanghahabol. Yung para lang silang mga normal na taong naglalakad in public. Alam ko namang busy sila last week dahil sa mga comeback shows kaya siguro sinusulit lang nila ang araw na to.

"Ay kabayo!" Malakas kong naisigaw nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako papunta sa kung saan. Nang tingnan ko kung sino iyon ay napairap na lang ako kasi si Jimin na naman iyon. Ano bang trip niya at hilig niya ang hilahin ako sa braso?

"Waseo uliwa hamkke!" (Come and join us.) Ang masaya niyang sinabi tapos ay hinila ako papalapit sa iba pa niyang kasama.

"Oh Amy's here. Let's go." Ang sinabi naman ni RM nang makita niya kaming papalapit na sa kanila.

Sumama na lang ako kesa naman magpabebe pa ako di ba? Tahimik na naglakad kaming lahat patungo kung saan sila pupunta. Halos lahat na nga ng tao na nadaraanan namin ay tumitingin dahil sa itsura ng BTS.

Mga nakahood kasi sila para hindi mapansin ng tao. Pero kung iisipin, para lang silang mga magnanakaw. Mga gwapong magnanakaw.

Napapangiti na lang ako habang minamasdan sila na parang mga normal at hindi sikat na tao. Minsan naiisip ko tuloy, ano kayang feeling na maging katulad nila na hinahangaan ng nakakarami.

Nakapasok na kaming lahat sa mall nang bigla na lang tumawag si Marie kaya kinailangan ko munang magpaalam sa kanila.

"Oh napatawag ka?" Agad kong sagot dahil ayokong naaabala ako lalo pa't once in a lifetime lang na bigla ka na lang hihilahin ni Jimin at isasama sa lakad nila ng BTS oha. Ako na maganda at swerteng nilalang sa buong mundo. Pero kung iisipin, napakaimposibleng mangyari nito di ba, hayaan mo na, nakatira lang naman ako sa imahinasyon ng author kaya wala akong magagawa kung hindi ang magpahila kay Jimin kahit nananakit na yung braso ko.

"Amy, *sobs* pwede ka bang umuwi na *sobs*?" Ang sinasabi niya habang halatang umiiyak ito. Bigla naman akong nag-alala dahil baka kung ano nang nangyayari sa kaniya ngayon lalo na at naiwan pa siyang mag-isa sa condo.

"Eh Marie may lakad ako ngayon. Importante." Nasabi ko dahil kasama ko na ang BTS ngayon, palalampasin ko pa ba?

"Ganun ba talaga kaimportante yan? Importante din naman ako di ba?" Ang humihikbi pa rin niyang sinabi kaya napamura na lang ako sa isip ko.

My Chatroom StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon