CHAPTER 4: SUPERSTAR
"Buti umuwi ka pa?" Sarkastikong sinabi ni Marie nang makarating ako sa condo ko. Tinawanan ko lang naman siya dahil nababaliw na naman ako.
Hindi na nga ako makapaniwala na si Jimin yung nakakuha ng wallet ko tapos ngayon heto siya sa loob ng condo unit ko dala ang napakaraming shopping bags at sandamakmak na grocery bags.
"Anong nakain mo friend?" Ang nakatawa kong tanong tapos ay ibinaba na ang mga dala ko na galing pa kay Ate Rosa.
"Sus! Minsan lang to gaga. Naisip ko lang na ang sama ko palang best driend sayo kaya eto, bumabawi lang." Ang sinabi niya kaya naman todo ngiti ako. Sa wakas ay natauhan na rin ang maarte kong best friend. "Pero ang taray mo ah! Finollow ka pa ng BTS sa Twitter. Ayan tuloy mala-celebrity na ang account mo dai." Dagdag niya habang abala sa pagpapaganda ng kuko niya sa paa.
"Unexpected nga eh. Secret lang to ah, nakasali ako dun sa chatroom nila. So ayun." Tuwang-tuwa kong sinabi. Naghubad na ako at namili ng damit sa closet.
Hindi man halata, si Marie lang talaga ang favorite na tao ko sa mundo. Siya lang kasi ang nakakakilala sa kin ng buo. Kung saan at paano ako nagsimula at nabuo. Kahit naman grabeng panglalait ang ginawa ko sa unang chapter, mabait naman yan. Nagkaboyfriend nga lang kaya ayun.
"Dito nga pala ako matutulog for 1 week. Napansin ko lang din na ang tagal na pala nating hindi nagkakasama." Tumango na lang ako dahil mas gusto ko naman talagang may kasama sa bahay kesa sa nag-iisa ako dito.
"Aayusin ko lang tong mga pinamili namin ni Ate Rosa." Paalam ko tapos ay kinuha na ang mga shopping bags. Iniabot na rin niya sa kin yung mga dala niya at nginitian siya. Ngayon na lang ulit kasi nagkasama ng ganito. Break na kaya sila ng boyfriend niya? "Break na kayo?"
"Uy gaga ka talaga! Hindi. Namiss lang kita!" Tumatawa niyang sinabi tapos ay may pahampas-hampas pa sa hangin na akala mo'y ako ang hinahampas niya.
"Magluto ka. Parusa ko sayo yan dahil muntik mo na kong ipahamak sa twitter." Utos ko kaya naman bigla niya akong hinagisan ng unan pero nailagan ko naman kaya okay lang. Maganda pa rin.
"Uuwi na nga lang ako!" Biro niya pero sa kusina pa rin naman dumiretso bitbit ang mga pagkaing pinamili niya.
Napangiti na lang ako. Lagi namang yun ang reaction ko eh, may bago pa ba? Nang maiayos ko na naman ay sumunod na agad ako sa kaniya dahil delikado na baka masunog oa tong condo unit ko. Eh di mas lalo na akong nahirapan sa buhay nito.
"Oh? Kaya mo pa ba?" Tanong ko kaagad nang madtnan ko siyang hirap na hirap sa pagluluto ng omelet. Like, omelet lang yun!
"Waaah! Ituloy mo na nga lang to, hirap na hirap na ko eh. At isa pa, kanina pa tumatawag ang chocolate ko." Reklamo niya kaya natawa na naman ako. Kadiri naman kasi yung call sign nila. Chocolate at Mallows.
"Sige na. Ako na dito."
Agad naman niyang kinuha ang phone niya at sinagot ang tumatawag niyang boyfie. Halos maduwal naman ako nang masaksihan kung paano sila mag-usap ni Min Ho.
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagluluto habang nakikinig pa rin sa malandi nilang usapan. Nang matapos ko na ay agad kong sinenyasan si Marie na kakain na pero tumango lang siya at itinaas pa ang kanang kamay meaning na wait lang.
BINABASA MO ANG
My Chatroom Story
Fiksi PenggemarKilalanin natin si Amy Rodriguez. Isang simpleng fangirl na nangangarap makita ang BTS ng personal. Ngunit paano na lang kung nagising siya isang araw na nagbago na ang dati niyang simpleng buhay fangirl? Matatanggihan niya pa kaya ang tawag ng tadh...