Chapter 7

29 2 1
                                    







Thalia's POV


Diko na alam kung ano ang gagawin ko kaya nag tatakbo ako palabas ng kwarto'ng iyon at pilit iniisip na bakit naisipan ni tito Threvoir na mag desisiyon sa kabila ng alam niyang may relasiyon kami ng anak niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nakita ko si Tyrone. "Ty alam mo ba ito?" naiiyak na tanong ko sa kaniya. "Sorry" yun lang ang sinabi niya at yumuko kaya naman dumoble ang sakit na nararamdaman ko mag mula pa kanina. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo hanggang marating ko ang mapunong bahagi ng retreat area namin.

Umiiyak ako habang nag lalakad at pinipilit balikan ang mga masasayang pagkakataon na kasama ko si Tyrone. Hindi ko alam kung paano ba ako mag rereact sa sinabi niya kanina dahil sa pagkakaintindi ko ay wala siyang gustong gawin sa mga nangyayari.


"Bakit ang kulit mo? Ilang beses ko na bang sinabi sayong wag ka pupunta dito?" sa narinig ko ay alam ko na agad kung sino ang nag salita, palagi namang siya.

Napatingin nalang ako sa kaniya habang lumuluha at hindi ko nakontrol yung sarili ko na mapayakap sa kaniya.

Hindi naman siya kumilos at hinayaan akong yumakapa sa kaniya. Hindi rin siya nag sasalita kaya naman kumalas ako sa yakap at ako na ang bumasag ng katahimikan kahit medyo nakakahiya dahil ni hindi ko pa nga alam ang pngalan niya ay yumakap pa ako at isa pa ay hindi ko alam kung masama o mabuti ba siyang tao. hayssss.... bakit ba kasi nang yayari to!!!


"Sorry" nahihiyang sambit ko at yumuko nalang.

"Punasan mo yang luha mo" walang ganang  sabi niya sabay abot ng panyo.

Wala sa sariling inabot ko nalang iyon at pinunasan ang luha ko.


"Isama mo narin yung sipon, tumutulo na" mapangasar na sabi niya. nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa kaniya.

Tinakip  ko yung panyo sa ilong ko at pinakiramdaman kung totoo ba na merong sipon.

"Wala naman ah" sigaw ko sa kaniya, nakakabwiset!

"Sige na umalis ka na rito dahil hindi ka ligtas dito, bago ka pa makita ng mga multo" sabi niya sabay talikod. Dahil sa sinabi niya'ng yon ay napakapit ako sa likuran niya.

Pagabi na rin kasi at hindi ko rin natatandaan kung saan ba ako dumaan kaya ganon nalang ang takot ko.

"Oh bakit ka pa kasi pumunta dito?" naiiritang sabi niya.

"Ehhh basta! Pero pwede mo ba akong ihatid pabalik? Please! Babayaran nalang kita!" nag mamakaawang sabi ko at pinaglapat pa ang kamay.

"Hindi ko kailangan ng pera" huh? Di niya pala kailangan bakit nag tatrabaho siya sa restaurant?

"Kaya ako waiter dahil inutusan ako ng Tatay ko para matuto pa ako kung paano imamanage tong hotel namin" Biglang sabi niya, nabasa niya ba nasa isip ko?

"Ahhhhh.... pero pwede mo ba akong ihatid?" nahihiyang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot dahil nag lakad nalang siya bigla kaya sumunod nalang ako.

Nang marating namin ang lobby ng hotel ay wala ng kahit sinong tao. Tinignan ko ang relo ko, alas nuebe na palaaa halaa baka naiwan na ako ng bus!

Tumakbo ako papunta sa kwarto kung saan naganap ang meeting kanina at kaagad kong binuksan ang pinto nang makarating ako duon pero naestatwa ako nang makita kong lahat ng tao ay nakatingin sakin. Sinara ko ulit yun at nag lakad muli pababa sa kung saan ko iniwan yung lalake, tekaa... hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya.


Binilisan ko ang lakad ko dahil baka hindi ko na siya maabutan. Pagkababa ko sa lobby ay nakita ko siyang nag lalakad na paalis kaya tumakbo ako dahil hindi pa ako nag papasalamat sa kaniya.

"Huuuy!" tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumilingon. Mas binilisan ko ang pag lalakad hanggang sa tumatakbo na ako kaya naabutan ko siya.

"Thank you!" hinihingal na sambit ko at napatukod ang kamay ko sa tuhid ko sa pagod.

"For what?" nag tatakang tanong niya.

"Basta" pagkasabi ko non ay naglakad nanaman siya paalis kaya hinablot ko siya sa kamay.

"Kinakausap pa kita, wait... anoong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingala dahil sobrang tangkad niya pala.

"I'll tell when we meet again" walang emosyong sabi niya at tumalikod na.

HIndi ko na siya hinabol at naglakad na pabalik.

-------------

"Hello" walang ganang sagot ko sa kabilang linya.

"Hello Thalia, alam mong hindi ko ginusto yun" bungad niya agad sa akin na nakapag pataas ng galit ko. "Hindi mo nga ba ginusto?" matigas na sabi ko.

"......."

"See? Wag mo na kong kakausapin kahit kailan, unless hindi kana mag aasawa ng iba" galit na sabi ko sabay baba ng tawag.

Nagpunas lang ako ng luha at tumingin sa cellphone ko. "Hello Kim? Free ka ba today?" tanong ko kay Kim dahil balak kong mag mall pampawala ng stress. "Sorry be may lakad kami ni John eh"

"Ganon ba? Sige sige, I'll hang up now. Ingat" pinatay ko ang tawag at sinunod ko naman si Marie. "Hello Marie? Free ka?"

"Ayyy hindi, may pupuntahan kami ni Tristan. Bye bye na aalis na kami" pinatay niya rin agad. Balak kong tawagan si Kylie pero nakita ko lang sa newsfeed ko sa laptop na may 1 min ago siyang post sa instagram sa isang restaurant, kaya diko nalang tinuloy.

No choice ako ngayon kundi gumala mag isa kaya naligo nalang ako agad. "Mom, Dad. Mag mall lang po ako" Paalam ko sa kanila. "Ingat!" Masiglang sabi nila at pinagpatuloy ang panonood ng tv.

Pumunta ako sa garage at sinakyan ang kotse ko. Pinagbuksan lang ako ng gate ni Mang Bert at nag drive nako paalis...


Dumeretso ako sa Forever 21 para bumili ng mga damit dahil ngayon ko nalang ulit to gagawin.

Matapos kong mamili at lumabas ako agad para kumain dahil matulin ako magutom! Dalawang paper bag ang dala ko habang nag lalakad, mayron akong nakitang life size teddy bear at sobrang nacutan ako dun kaya habang nag lalakad ay nakatingin ako sa kulay blue na teddy bear.

"Ouch!" napasigaw ako dahil nabunggo ako ng isang lalake na nakacap, hindi ako pinansin nito kahit nalalaglag ang mga dala ko.

"Hoy!" inis na sigaw ko sa kaniya, lumingon ito at medyo nagulat ang reaksyon niya. Naglakad siya pabalik sa dereksiyon ko at sinabing.

"Andre Thaddeus Clemonte"

When Love Did Its All Duties (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon