Chapter 29

37 2 0
                                    







Thalia's POV


Mlinaw na malinaw sa pandinig ko... tumalikod ako sa kanya ng higa dahil baka hindi ako makapag pigil ay tumayo ako at ako mismo ang yumakap sa lalaking 'to. Isang araw palang... isang araw palang uhh hindi ilang oras palang ay ganito na ang kaya nyang gawin sa akin. Ilang oras palang ay ganito na ang kaya niyang iparamdam sa akin. Siguro nga ay dapat ko nang kalimutan ang masakit na nakaraan ang yakapin ang nag mamahal sakin ngayon na napaka gwapong nilalang.


Sa ngayon siguro ay hindi kopa masasabing mahal ko siya dahil hindi pa naman kami nagkakasama ng matagal pero naniniwala akong hindi lilipas ang matagal na panahon ay lalala itong nararamdaman kong pagkagusto sa kaniya... balang araw Andre ay mamahalin rin kita. KONTING ORAS PA.


Nakatulog ako nang may ngiti sa aking mga labi at walang ibang iniisip na problema dahil tila ba nang pumayag ako sa kaniyang alok ay ang lahat nang masakit na nakaraan ay sa isang saglit ay napawi.





---


Nagising ako dahil sa sinag ng araw at napadilat ako o should I say sinag ng flashlight?! What the fuck? marahas akong bumangon at tinabig ang kamay ng kapreng maninilaw!


"What the heck is you're doing Cleomonte? Wha'ts with the flashlight?" iritado na ako dahil nakita kong wala pa naman palang araw, madaling araw pa ba?


Natawa siya nang mahina at pinatay ang flashlight na kaniyang hawak. Bakit andilim ng paligid?


"There's no power because of the typhoon" what? Bakit wala ba'ng genarator ang hotel na ito?Itatanong ko palang ay agad niya nang sinagot.


"Nasira daw ang generator nila noong nakaraang araw pa bago pa tayo dumating dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin napapaayos" tsk, malas! Mabuti nalang at hindi mainit at hindi rin naman malamok kaya pepwede pang matulog.


"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko matandaan kung saan ko ibinaba ang cellphone ko para makita ang oras.


"It's three in the morning" nang marinig ko ang sagot niya ay agad akong nahigang muli para bumalik sa pagkakatulog dahil apat na oras palang ang naitutulog ko.


"You should get up baby, maaga ang meeting natin kahit walang kuryente dahil lilipat tayo ng lugar kung saan may generator para maidiscuss ng maayos ang agreement" Bakit naman napaka aga? At saka bakit kasi hindi naipaayos ang generator? Hindi ba at mayaman sila bakit ang simpleng generator lang ay hindi nila magawang maayos kaagad? WTH?!


Hindi ko siya pinansin at pumikit nalang ako dahil talaga namang antok na antok pa ako, kahit busy ako sa trabaho ay sinisiguro kong sapat palagi ang nagiging tulog ko kaya hindi ako sanay mapuyat.


"Hey, Thalia" hindi ko siya pinansing muli.

Nanlaki ang mata ko nung maramdamang kong umangat ako mula sa kam! Shit! Did he judt lift me up? "hoooy kapre ibaba mo ako!! " nag pupumiglas ako pero hindi naman na ako umaasang makakawala ako dahil napaka lakas niya at napaka laking tao.


Buhat niya ako gaya ng bagong kasal, pero hindi naman kami kasal kaya nag protesta pa rin ako!


"Bakit ba kasi napaka aga? Antok na antok pa ako eh!" pag mamaktol ko sa kaniya.


"Hindi naman kita pinuyat ah?" Bakit parang double meaning ang pagkakasabi niya?
Pinag hahampas ko siya pero natawa lang siya sa sunod kong sinabi. "Napaka bastos mo!"


"What? Why are you accusing me like that?" natatawa pa rin na nakapag papula ng pisngi ko, laking pasasalamat ko nalang na walang ilaw at hindi makikita ang mukha ko.


"Ibaba mo nako! sinasabi ko sayo Andre lagot ka sa akin!" dahan dahan ko namang naramdaman ang pag baba ko sa sahig. Mabuti naman at nakukuha pa siya sa mga salita at pagbabanta. Papaano nlang ang gagawin ko kung hindi na? hay buhay.


"Maligo kana, susunod ako mamaya" usal niya habang inaayos ang pinag higaan ko. Wow ah, sanay mag ligpit. Hindi kagaya ko na kung ano ang itsura ng pinaghigaan ko kapag bumangon ako ay ganon nalang siya hanggang humiga nalang ulit ako. kaya palagi akong napapagalitan ako ni mommy eh kaya good thing na nag condo ako.


"At bakit ka susunod?!" natawa nanaman siya.


"Bakit ka tumatawa?!" angil ko.


"Bakit ganyan ang nasa isip mo? Susunod ako syempre pagkatapos mong maligo. Bakit gusto mo bang sumunod kaagad ako at mag sabay nalang tayo? Pwede rin naman" abat?! nababaliw na siya!


"Napaka manyak mo naman!" nagpapadyak na ako sa sobrang bwiset ko sa kaniya! Hindi ba siya naiilang sa mga sinasabi niya? hindi ba at ang gawain na yun ay pangmag asawa lang?


"Baby, ikaw ang unang nag isip nang ganyang ideya? Bakit ako pa ngayon ang manyak?" pagmamangmaangan niya.


"Hwag mo akong matatawag na baby dahil hindi ako sanggol! Tabi diyan at kukuha na ako ng damit ko!" halos maubos ang hininga ko sa pag sigaw ko sa kaniya.


"Woah easy, but what do you want me to call you?"


"May pangalan ako! Thalia ang itawag mo sa kin che!" nang gigigil na ako ah!


Nag martsa na ako papunta sa dresser ko at kumuha ng pants ang polo shirt, I'm comfortable with this. Ayoko ng suot na kaunting kilos mo lang ay makikitaan kana kaagad.


"Be careful, wag kang ganyan mag lakad baka mamaya ay madapa ka nanaman at hindi na kita hayaang makatayo pa" double meaning again shit!


"You should be careful too dahil kaunti nalang ay baka maputol ko yan!" sigaw ko bago ako pumasok sa cr.


Narinig ko pa siyang humalakhak bago ko tuluyang basain ang katawan ko! but shit! Bakit walang heater?! napatili ako sa lamig na naramdaman ko.


"Baby what happened?!" bakas ang pag aalala sa boses ni Kapre.


"Nothing, I just saw cockroach" sagot ko nalang at pikit mata at nanginginig na naligo ako.


"Okay, Uuhh I forgot to tell you. Walang heater"

"It's okay, I've nothing to do with that" natawa nanaman, bakit ansaya niya? bwiset!


"just hurry, lalamigin ka"

"Okay"


Minadali ko ang pag ligo dahil nangangatal ako sa lamig! Agad kong pinahid ang katawan ko ng twalya at agarang nag bihis. Hindi na ako nag lotion dahil hindi ko na kaya. Mukhang masama nga ang panahon dahil nananatiling malamig sa kwarto namin.


Nanginginig akong lumabas sa cr habang yakap ang sarili ko. "Bakit ba kasi walang kuryente dito?" nanginginig na sabi ko.


Sinalubong ako ng yakap ni Andre at hindi na ako nag inarte pa dahil lamig na lamig na ako. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Hindi ako makagalaw, para bang nanigas na ako sa lamig. Naramdaman ko nalang na marahan akong binuhat ni Andre at naupo siya sa kama habang kalong ako. It feels so comfortable between his arms.


"Just stay still until you dont feel cold" marahan akong tumango at mas isiniksik pa ang sarili ko sa kanya. Ilang minuto pa bago niya ako bitawan at pinaupo niya na ako sa kama.


Niyakap niya ang muli at naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko.





"I love you Thalia..."

When Love Did Its All Duties (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon