Chapter 47

10 2 0
                                    

HAPPY 800 READS!



Thalia's

I am here right now at my office, making myself busy while waiting for my meeting later afternoon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa biglang pagkakaroon ni Andre ng emergency.

Ayokong maging OA pero parang masama ang kutob ko doon. Wala naman sanang masama ang mangyari. Ang sabi niya naman ay tungkol lang sa negosyo't trabaho. Upang mabawasan ang masyadong pag-aalala ko ay nagsend nalang ako ng text sa kaniya. Na magingat siya palagi.

Napabuntong hininga nalang ako. Muli akong tumungo sa sketch pad ko upang pagtuunan ng pansin ang mga ideyang lumalabas sa utak ko. Para naman mamaya ay may mairecommend ako sa batang magdedebut ng sa gayon hindi na ako mahihirapang mag isip ng panibagong design kung sakaling may magustuhan siya.

Natuwa na ako ng bahagya dahil maganda ang kinalabasan ng naisip kong design pero agad akong napasimangot ng magvibrate ng saglit ang cellphone ko. I read the text message from unknown number.

You better keep yourself away from Andre. Because you wouldn't like it if I take you away from him by myself. Lahat nalang ng gusto ko inaagaw mo! 

Huh?

Ipagwawalang bahala ko nalang sana pero bigla akong ginapangan ng bahagyang kaba ng maalala kong hindi ito ang unang beses na may nang ganito sa akin, dahil nung nakaraan ay may tawag pa.

Ayokong mag freak out dahil baka may mga tao lang na walang magawang matino sa buhay at masyadong bored na bored kaya nilaliman ko ang pagbuntong hininga upang mailabas sa katawan ko ang namumuong kaba.

Ipinilig ko ng ilang beses ang aking ulo at muling nagtuon ng pansin sa trabaho ko, ngunit ibig ibig ko ng sabunutan ang sarili ko ng ilang minuto na akong nakatitig lang sa papel pero walang maiguhit ni isa.

Argh!!

Tumayo ako at nag unat-unat baka sakaling mawala ang kaba ko! Dyos ko po! Wala nakong ibang ginawa kung hindi mag isip kung pano mawawala ang kaba ko. Una dahil kay Andre sumunod naman ay dahil sa unknown number na baka nantitrip lang!

Mabilis akong napabalik sa mesa ko upang abutin ang cellphone ko dahil tumunog ito at laking pasasalamat ng makitang galing ang text kay Andre.

I'll try to arranged everything here to make it later. We'll have a dinner. Take care always. Love you

Kinilig pa ako ng bahagya tsk!

Ganun lang ay nawalang lahat ang kaba at pag aalinlangan ko. Agad akong umupo at nag tipa upang replyan siya habang kinikilig pa pero napahinto ako sa pagkislot sa upuan ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, just to remind you. You will have a meeting later after 30 minutes"

"Okay, thanks Marj" sagot ko lang. I just fixed myself and quickly go out to my office. I am heading to the company's parking lot ng bigla akong kabahan, pakiramdam ko ay may sumusunod o di kaya't nag mamatyag sa akin.

Inapura ko nalang ang lakad ko at kabod sumakay sa kotse ng marating ko ito. Agad ko itong pinaandar, akmang makalalabas na ako sa parking lot ng may isang mabili na puting van na dumaan sa harap ko!

"Fuck!" I shouted because it was just an inch away before I was about to hit the van!

Fudge! Napahawak ako sa noo ko dahil sumakit ang ulo ko!

"Tangina mo!" hindi ko nakontrol ang sarili ko at napamura nalang dahil sa sobrang takot ko.

Hindi manlang bumagal o ano yung van kaya ang tanging nagawa ko nalang ay sundan ito ng masamang tingin.

When Love Did Its All Duties (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon