Chapter 3

55 2 0
                                    




Thalia's POV

"Quiet!"

Diko alam kung pano ko pipigilan ang pag iyak dahil sobrang sakit ng noo kong nauntog sa double deck ng kama." Hawak hawak ko lang yung part ng noo kong masakit, habang nanlalabo ang mata kong may luha na nakatingin sa likuran ng lalake.

Nakasilip siya sa pinto na para bang may [inag tataguan. Ano ba Thalia, wag ka ngang tanga syempre may pinag tataguan yan kaya nga nauntog ka eh dahil sa kwarto niyo natyempuhan mag tago ng bwiset na lalake na yan. Sabi naman sakin ni brain, haaay sobrsng sakit na kaya diko na mapigilan yung boses kong kumawala at mag react sa sobrang sakit sa noo ko.

"Ouch..." sa pag sabi ko naman non ay napatingin sakin yung lalake at medyo nabigla siya dahil may nakita siyang dugo sa noo ko, buti nalang at di ako katulad ng ibang babae na takot sa dugo kaya hindi naman ako ganon nag freak out, kaso nga lang ay sobrang sakit na at nahihilo nako.

Lumapit sakin yung lalake at hinawakan nya yung kamay kong nakahawak sa noo ko. "Masakit ba?" tanong niya. Sa bwiset ko ay sinigawan ko siya! " Syempre masaket! napaka saket! dumudugo nga dibaaa?! Ikaw may kasalanan nato eh!" pag katapos ko siyang sigawan ay tinignan ko siya ng masama pero walang emosyong tinignan niya lang ako.

"Meron ka ba d'yang first aid kit?" wala pa ring emosyong sabi niya.

Lumayo ako ng konti sa kaniya at kinuha ko yung kit sa bag ko. Buti nalang at girls scout ako haaay..... "tumingala ka lang, gagamutin ko" sabi niya at sumunod naman ako baka mamaya eh magalit to sakin at patayin ako! grabe pa naman mga tao ngayon.

Matapos niyang gamutin ang sugat ko ay walang paalam na lumabas agad siya. diko na siya pinigilan dahil wala naman akong balak sabihin sa kaniya kahit thank you dahil siya naman may gawa ng sugat ko.

Tinapos ko lang ligpitin yung gamit ko ay lumabas nako papunta sa activity area. iniwan ko na rin yung phone ko dahil siguradong bawala iyon don.

"Oy be anyare sa noo mo? Natanga?" natatawang tanong sakin ni Kylie at nakita ko naman si Kim medyo natawa, apaka babait talaga nila grabe!!!

"Wala" diko nalang sila tinignan at nakinig nalang ako sa nag papaliwanag ng activity.

"Ang first activity niyo ngayon ay Find the Treasure in The Red Box" napaka corny naman ng activity nato... pangalan palang.


"But first, kumain muna kayo ng umagahan nyo sa cater sa Clemonte Restaurant. Mamayang 7 ang start ng first activity nyo"

After 12626372891 hoursss! Ay oras na para sa activity.

Pumunta kami sa lobby dahil may pahabol na instructions.

Matapos ipaliwanag ang instruction ay sabay sabay kaming pumunta kung saan namin dapat hanapin ang sinasabi nilang treasure, buti nalang at magkakagriup ang mag kakaroom mate. Una kaming nag hanap sa unang puno na nakita namin dahil ang clue ay kadalasan ay nasa puno nakalagay ang mga box. mayroong sampong box na kulay pula at ang pito dun ay may laman at ang tatlo naman ay wala. Hindi pwedeng buksan ang box hanggang hindi nakakabalik sa activity area kaya kailangan mo lang manghula kung may laman ba yung box mong nakuha or wala.

sampong minuto na kaming nag lalakad at nag hahanap pero wala pa rin kaming nakikitang box, pinlano naming tatlo na mag hiwalay kami para mas madali. Medyo takot pa naman ako sa dilim pero keri lang basta walang nakakagulat. Habang nag lalakad ako may narinig akong kaluskos sa gawing likuran ko sa may kanan, hindi ko pinansin yon dahil student lang din naman yon na nag aactivity. Nang makaraan at sa talong puno wala pa rin akong nakikitang box pero sa pang apat ay natanaw ko na yon kaya dali dali akong pumunta don at nang akamng dadamputin kona yung box eh may biglang humablot sakin at dinala ako sa gawing madilim.

Sisigaw na dapat ako pero bigla siyang nag salita. "wag ka maingay" tekaaaa! Parang may kaboses to ah... "Sino ka ba kase?!" galit na bulong ko sa kaniya. "Tsaka pwede ka na bumitaw sa bewan ko"

Diko alam kung bakit pumayaga akong maupo nalang sa dilim kasama yung lalake sa kabila ng kailangan ko makuha yungbox kaya naman napag pasyahan kong tumayo nalang ulit at kunin yung box. Di pa man ako tuluyang nakakatayo ay nag salita nanaman yung lalake. "Where do you think you're going?" tsh English paaa!

"Im gonna get the red box in there coz I need to complete my activity kaya kung wala kang magawang maganda at mahilig kang mang istorbo eh diyan ka nlang at wag kana umalis" walang emosyong sabi ko

Kinuha ko na agad yung box at bumalik sa activity area, nakita ko naman sila Kylie at Kim na may hawak ding red box. Sana naman eh may laman to lahat para kung sakali kami ang may mataas na score.

--------

Natapos na yung activity at kami ang may pinakamataas na score dahil may score din sa loob ng bawat box na matataas na score yung nakuha namin dahil mayn laman yung box naming lahat, pinabalik na kami sa mga kwarto namin. Nag text lang ako kay Tyrone ng goodnight tsaka ako naligo.

KINABUKASAN

Sabay sabay kaming nagising nila Kim dahil sa malakas na speaker na nag aannounce na kailangan nang gumising, sabay sabay din kaning nag reklamo pero walang nagawa kaya naligo nalang.

"Ano ba yan, napaka aga pa pala nakaligo na agad tayo" reklamo ni Kylie dahil 5:15 palang at madilim pa sa labas.

Pumunta nalang kami sa restaurant na nirent ng school for a day para sa retreat namin. Pero nakalimutan ko yung watch ko sa side table ko kaya nag paalam muna ko sa dalawa para balikan yun dahil hindi ako sanay ng walang relo tsaka gift din sakin yun ni Tyrone.

Malapit nako makarating sa tapat ng pinto ng room namin pero merong biglang humatak nanaman saken! napaka dalas ko naman mahatak! Punyemas!

" Ikaw nanaman?! Ano nanaman bang problema mo?!" sigaw ko sa kaniya, konti nalang malapit nakong matakot sa lalakeng to ah.

"Wag kana ulit pupunta don" deretsang sabi niya at nag lakad na pakayo

Napaka weird naman ng lalake na yon, bumuntong hininga lang ako at pumasok sa room namin tsaka ko kinuha yung watch ko at dali daling pumunta na ulit sa restaurant baka makasalubong ko nanaman yung lalake  nayon.

When Love Did Its All Duties (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon