3.Couvade Syndrome
Kanina pang pag kagising ko ay nahihilo na ako at parating nagugutom, what's the problem with me, huh? Nakakainis kaya!
"Oh my God! Ano daw ang sabi?" Nadaanan kong may nag chichismisang mga Servants. I got curious kaya medyo nakinig ako.
"Nag Nose bleed si Sir Thrace! My Sir Thrace! Ano nangyayari sa kanya? Sana ay wala naman syang malalang sakit!!" Sabi ng isang Servant habang nakatapat ang mga kamay sa mukha at malungkot nna malungkot ang mukha.
"Nag nose bleed? Baka dahil sa Kliyente nyang inglisero't inglisera!!" Muntikan na ako mapa hagikgik sa sinabi noong isang Servant. Magaling mag english si Thrace, very fluent. Kaya imposible na dahil doon 'yon! Nag lakad na ulit ako para mag ikot ikot sa Hotel. Pero di nag tagal ay parang mas gusto ko na lang kumain kaya bumaba ako sa Resto. Hindi pa break time at siguradong abala pa sa pag aasikaso ng mga trabaho nila 'yong apat kong kaibigan. Pumasok ako sa isang Japanese Cuisine restaurant kasi parang hindi ko feel ang Italian Cuisine ngayon, kung saan kami lagi kumakain.
Noong pumasok ako sa loob ay parang bangong bango agad ako at agad na nagwala ang mga bulate ko sa tiyan! Nag hanap ako ng seat tas may lumapit sa akin Waiter. Nag abot sya sa akin ng Menu na agad nag tubig ang bibig ko. Ba't ngayon ko lang naisip kumain sa Japanese Cusine na restaurant?
I ordered Sushi, Rice balls, Sashimi,Ramen, Yakisoba at Sukiyaki. Nagulat nga ang waiter dahil napaka dami kong order, pero hindi sya pwede umalma dahil ako ang mag babayad nito! Tsaka ewan ko, nag ccrave kasi ako e, hindi ko mapigilan!
Habang nag hihintay sa order ay may pumasok na Customer, si Thrace. Ano kayang ginagawa nito dito?! Siguro hindi naman nya ako hinahanap kasi deretso sa Counter ang tingin nya. Nag bow ang mga Crew kay Thrace at hinanapan sya ng upuan. Tinakip ko ang Menu sa mga mukha ko dahil ayokong ma badtrip dahil sa lalaking 'yan.
Maya maya lang ay nilapag na ang mga pagkaing inorder ko sa harap ko. The next thing I knew is, kumakain na ako ng Sashimi at Sushi! Ayaw ko noon ng Raw foods kasi diring diri ako e. Masarap naman pala! Ba't hindi ko agad sinubukan noon pa man? Habang lumalapang ako ay lumilinga linga ako sa paligid ko. Ewan ko ba pero napadako ang tingin ko kay Thrace, hindi sadyaang napa tingin ako sa mga pag kain nya at andami ding nakalatag!
Seriously, ano 'to, contest?! Paramihan ng kinakain? Inalis ko na ang tingin sa kanya at binalik muli ang Atensyon ko sa tinitibag kong Sukiyaki at Yakisoba! Syeeeeeet! Ang sarap sarap nakakapang gigil!!
Pagkatapos ko kumain ay busog na busog akong nag bayad. Next time babalik ako dito dahil ang sarap sarap talaga ng pagkain. Lumabas ako sa Restaurant at nag palinga linga, nananakit 'yong likod ko. Gusto kong maupo. Bago pa ako maka upo sa Couch doon sa Waiting Lounge ay may tumawag agad sa akin, si Venus. Tinatanong kung nasaan daw ako at nandoon na sila. Hala ka, break time na?
Agad akong nag punta sa lagi naming tinatambayan. Pagka pasok ko sa Restaurant ay agad humalimuyak ang amoy sa mga ilong ko. Kakakain ko lang pero bakit parang nagugutom ako bigla ulit?! Agad akong lumapit sa Mesa kung saan nag chichismisan nila.
"Kaninong pabango 'yon?" Pambungad kong tanong. Parang ang tapang at nakakasakit ng ulo 'yong amoy, ba't ganon? Napatingin sila sa akin na may mga Question marks sa mukha.
"Pambunga pambungad ganon?" Sabi ni Thea. Ay anuba! Naaamoy ko talaga e, ang sakit sa ulo! Inamoy ko sila Isa isa at nalaman kong kay Venus pala ang amoy na 'yon. Kinunot ko ang ilong ko dahil sa amoy.
"Nag bago ka ba ng pabango mo, Venus? Parang ang sakit sa ulo ng amoy." Inamoy ni Venus ang damit nya at tumingin sa akin na kunot ang noo.
"Ha? Dati ko pa 'tong pabango eh!!" Sigaw nya sa akin. Medyo napa maang ako sa pag sigaw nya sa akin. Ano bang kasalanan ko? Gusto kong maiyak pero pinigilan ko.
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
RomanceThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.