10. What Is This?

29 3 0
                                    

10.What Is This?

Maria's POV

After that little talk with Triton, hindi na ulit sya nagparamdam sa akin. Takot na takot ako that time! Malamang sa mga oras na 'to, alam na ni Triton king sino ang ama ni Artemis. Coz like what I said, malaki ang similarities ni Thrace at Artemis! Sana nga hindi na mukhaan ni Triton. Pero hindi naman sya ganoon katanga para hindi mapansin di ba? Pero sana talaga!!

"Don't be so worried, kambal! Malay mo hindi maniwala si Thrace di ba?" Sagot sa akin ni Paris sa tawag. Minsan lang kami nagkikita at madalas na tawagan lang. Lalo na ngayon, namiss ko sya that's why I called her kahit mag-hahating gabi na.

"Hindi tanga si Triton para hindi mag conclude! It's so frustrating! Bakit ba kasi naging kamukha pa ng baby ko yung tatay nya?!" Frustrated kong sigaw habang sinusulyapan ang natutulog kong anghel. Hindi naman sa ayaw ko na kamukha nya tatay nya, pero ayoko nga. Pero bumagay naman sa kanya!

Tumawa ng bahagya si Paris, "Mahina ata genes natin, e! Anyways, okay lang 'yon. Artemis is perfectly wonderful. Bagay na bagay sa kanya yung Facial features nya kaya okay lang 'yan. Just look at the bright, bright side!"

Tumango na lang ako at niyakap ang baby ko. Gustong gusto ko ang amoy nya na amoy baby, syempre.

"Ikaw, kailan ka ba magkaka-baby, ha? May laman na ba 'yan?"

"Basta this year, sana magkaanak na kami! Buti ka pa nga,e! Nako, isang gabi lang, naka-shoot agad? Aba magaling!" Sinundan nya pa 'yon ng tawa. Napasimangot naman ako sa sinabi nyang 'yon at medyo naawkward.

"Nako!Matulog na nga tayo, may pasok pa tayo bukas,e. I miss you and I Love you, Marie Europa!" Bati ko sa kanya. Seriously, miss na miss ko na itong kambal ko. I miss out twin moments pati yung pagtatabi namin matulog. Sana lang, mangyari ulit 'yon.

"I love you too, Maria Calypso! And also to my favorite niece!" Umirap ako at binaba na ang tawag.

Favorite niece? Wala naman na syang ibang choice dahil nagiisa lang naman ang niece nya! I looked at my little angel at hinaplos ang malambot nitong mukha. Ano kaya naging itsura nya kung ako naging kamukha nya? Mabuti na rin siguro iyong ang naging kamukha nya ay yung tatay nya para mas maganda ang lahi!

Super lucky ko talaga na ibinigay sya sa akin. She's my stress reliever. Makikita ko lang syang naka-suot ng kanyang Bunny ears headband at pumupindot pindot sa Piano, napapangiti na ako,e.

Nakapikit na ako noon nang may maamoy ako na parang usok. Kinunot ko ang noo ko bago binuksan ang mata ko. I looked around at medyo mausol na sa paligid. O my gosh?!

Kinarga ko agad si Artemis bago sinilip sa baba kung bakit mausok and there's already a fire! It's blocking the stairs! Naalarma ako kaya kumatok agad ako sa kwarto nila Minos at Atlas para alarmahin din sila. Medyo kinakain na rin ng apoy ang hagdanan at hindi ko malaman kung saan dadaan.

"Minos!Atlas! Buksan nyo ang pinto! May sunog!" Nilakasan ko pa ang katok ko at agad naman na naglabasan ang mga kapatid ko. Ubo ako ng ubo pati na rin si Artemis kaya mas lalo pa akong nag-alala.

"Ate, si Artemis!" Inabutan ako ni Minos ng panyo bago naghanap kami ng daan palabas ng unti unting nasusunog naming bahay. Naiiyak na ako kasi ako nga medyo nagihirapan ng huminga dahil sa usok, etong anak ko pa kaya.

"Atlas, buhatin mo muna si baby. Kukuhain ko lang yung wallet ko sa kwarto, dali!!" Binigay ko agad sa kanya si Artemis bago tumakbo ulit sa kwarto namin. Natataranta na nga ako kasi nababalot na ng usok ang paligid at medyo nahihirapan na rin akong huminga. I quickly grabbed my wallet pero napahawak na ako sa dibdib ko dahil di na talaga ako makahinga. Hindi pa naman siguro ako mamamatay di ba?! Paano 'yung anak ko?! Sinubukan ko pang maglakad para makalabas sa kwarto pero napahiga na ako sa sahig at ang huli kong nakita ay apoy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Unexpected NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon