6.Watching from afar
Maria Calypso's POV
Apat na araw na ang nakalipas mula noong nakalabas ako sa hospital. Akala ko nga, haharapin ko 'to mag-isa. Pero hindi! Lahat sila ay nandyaan parati sa tabi ko para samahan ako at alagaan. Masaya ako, Oo. Pero hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako kapag naiiisip ko na ang batang dinadala ko ay hindi kay Triton. Masakit man isipin pero hindi sya ang ama ng batang dinadala ko kundi sa kapatid nya. Kasi One month na ang nakalipas mula noong gabing 'yon. Tapos ang huling beses na may nangyari sa amin ni Triton ay last last month pa! Hindi naman kami hayok e! Malakas ang pag pipigil ni Triton kasi nga ayaw nyang magkapamilya pa kami lalo na kung hindi pa kami handa. Hindi pa ako handa. Paano na lang kapag nalaman nya na buntis ako? Pagkatapos ko sabihin sa kanya na hindi pa ako handa magkapamilya, malalaman na lang nya na buntis ako? Worst, hindi nga sya ang ama!
"Maria! Ayan ka nanaman! Bad nga daw sa baby ang pagiging stress di ba?" Paalala sa akin ni Paris habang sinusuklayan ang buhok ko. I sighed. Mag iisang linggo na rin kaming hindi nag kikita ni Triton dahil ayoko talaga. Pinag iisipan ko ngang mag resign muna sa work e. Ayoko kasing ma issue ang pag bubuntis ko at kahit wag na malamn ni Thrace.
"Okay lang ba talaga sayo kung mag reresign ako? Paano kung kulangin tayo?"Tanong ko kay Paris. Tumigil sya sa pag susuklay sa akin bago nya ako hinarap.
"Ano ka ba? Magaling akong Doctor, kambal! Nakakalimutan mo na ba? Mataas na katungkulan ko sa Ospital na 'yon kaya, alam mo na! Kaya wag ka na mag alala! Ako bahala! Tsaka pwede ka namang bumalik sa trabaho kapag nanganak ka na." Napag isip isip ko rin ang sinabi nya ay tama kaya tumango tango ako. Bukas na bukas mag sasubmit na ako ng Resignation letter.
Kinagabihan, dumating ang apat. Si Venus, Hebe, Thea at Coring. Ang dami nilang dalang prutas, gulay, Jelly ace atbp! Para pa ngang tuwang tuwa sila sa ginagawa nila. Syempre, ako nag taka bakit andami nilang dala.
"Nagdala kami ng fruits para sa'yo! Specially Mangga! Di ba sa mga movies, kapag buntis mahilig sa maasim?" Lumapit sa akin si Coring na may hawak na Indian Mango pero parang ayoko ng maasim ngayon.
Tinignan ko isa isa ang mga mukha nila at mukha silang mga ninang na. Ang swerte naman ng magiging anak ko kapag nagkataon kasi mag kakaroon sya ng mga maaalagain na Ninangs. Pakiramdam ko naiiyak ako sa mga naiisip ko.
"UY! Ayaw mo ba ng Mangga?" Lumapit na pati si Hebe sa akin.Tinignan ko ulit 'yong Mangga pero parang hindi sya katakam takam tignan. Parang hindi 'yan ang gusto ko e!? Parang gusto ko yung matamis pero mag asim. Yung may thrill ganon! Kaso ano ba 'yon, hindi ko alam.
"Ayoko 'yan e. Gusto ko yung matamis pero maasim...pero ayaw ko ng mangga ah!!" Nagtinginan silang apat na makahulugan.
"Omg, naglilihi ka na talaga Maria! Magiging nanay ka naaa!" Tas bigla akong niyakap ni Coring. Abnormal talaga 'tong babaeng 'to. Sya pa ang parang hindi makapaniwala na buntis ako ah?! Aba'y malupit! Pagkatapos nya ako yakapin ay sumama na rin ang iba pati si Paris.
"Girls, baka maipit si baby.." Pagkasabi ko nun lahat sila lumayo sa akin at nagsab ng 'Ay oo nga pala!' Nakakatawa sila tignan. Pero ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng ganitong kaibigan. Yong walang iwanan, mas kaya ko pang mawala si Triton wag lang sila.
"O sige, ganito na lang! Challenge tayo, hanapin natin 'yong type ni Maria na pag kain tas ipapatikim natin sa kanya. Halimbawa, aking yong nagustuhan ni Maria, edi talo kayo! Tas, illbre nyo ako..." Nag tanguan silang lahat pati si Paris. Ako naman pinapanood lang sila and they look so amusing! "Ano, sinong In?" Dagdag pa ni Venus na parang hinahamon ng tingin ang apat.
"I'm In." Unang sabi ni Paris.
"Ako din!" Nagtatatalong sabi ni Coring.
"I'm also In. Ito lang pala e. No Sweat!" Thea
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
RomanceThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.