4.Big Bang
Maria Calypso's POV
Pagtapak ko pa lang sa loob ng hotel ay rinig na rinig ko na ang umaalingawngaw na tunog ng Grand Piano. Dati, bwisit na bwisit akong marinig ang tunog ng PIano na 'yan dahil alam kong si Thrace ang tumutugtog. Mahilig kasi mag PIano si Thrace kaya nag palagay sya ng PIano sa Lobby ng hotel, then every morning kapag maaga syang pumapasok, mag Ppiano sya. Yung mga relaxing para sa iba nakakabwisit sa akin. Pero ngayon na rerelax na din ako sa tunog ng pag ppiano ni Thrace.
Dumiretso ako sa lobby para makita syang tumutugtog ng Piano, siguro ang cute cute nya?! Kahapon talaga Cute na cute ako sa Mukha nya dahil bagay sa kanya 'yong Messy ang Hairstyle na buhok! Medyo marami din ang nanonood kay Thrace habang nag ppiano at lahat ng 'yon ay nginingitian nya kapag nag tatama sila ng tingin. Isa din 'yan sa rason kung bakit naiinis ako kay Thrace e. Yung tipong bwisit na bwisit na ako sa kanya pero nginingitian nya pa rin ako o kaya tatawanan. Charm para sa iba pero para sa akin, naaasar ako sa ngiti nya!
Natigil ako sa panonood ng biglang may tumawag sa akin. And it's Thriton.
"Yes Honey?" Sagot ko. Sinabi nya lang sa akin na susunduin nya daw ako mamaya kasi maaga ang labas nya. Pumayag naman ako kasi bonding na rin. Naisip ko kasi na baka masarap kurutin 'yong pisngi nya! Nang gigil tuloy ako bigla!
Umalis na ako doon sa lobby at dumeretso na sa office ko. Nakita kong nandoon na si Venus at mukhang hinihintay talaga ako. Bakit kaya?
"Oy Bru! Ba't ka naandito?" Pinag taasan nya lang ako ng kilay.
"Wala lang. Boring doon sa pwesto ko e."Nag kwentuhan kami tungkol sa manliligaw nyang bansot. Naiinis daw sya kasi mukha naman daw walang maipagmamalaki pero ang kapal ng mukha para manligaw doon pa sa bahay nila. "Naaasar nga ako! Ang liit liit nga nya, mas malaki pa ako sa kanya! Saan nya kaya kinuha kapal ng mukha nya?!" Iritado nyang sabi habang natatawa ako sa mga Facial Expression nyang pinapakita.
Maya maya ay biglang dumating si Hebe at may dala pang Brownies!! "O my G! Brownies!!" Dumakot agad ako at hindi ko namalayan na naparami na pala ang kain ko.
"Timawa lang ang peg, Maria? Aba, hati hati kaya tayong lima dito!" Sermon sa akin ni Hebe habang sinasarado ang box ng Brownies.
"Kapag ako bumili nyan, hindi kita bibigyan!" Bumelat lang sya sa akin at muli kaming nag kwentuhan. Bigla kong naalala si Ceres sa kanya habang tumatawa si Hebe, magkamukha talaga sila!
"Hebe, ba't ayaw mo kay Ceres? Mukhang mabait naman sya." Out of the blue kong tanong. Nagbago bigla ang masaya nyang Facial Expression, na curious lang naman kasi ako.
"Mukha lang 'yon. Ayoko nga doon, plastic 'yon eh." Nanlaki ang mata namin ni Venus sa sinabi ni Hebe. "Ayoko rin doon kasi Bratinella 'yon. Nasa loob ang kulo, pakitang tao chu chu chu!!" Nanggigigil nyang sabi.
"Paano mo naman nasabi?" Tumango ako sa tanong ni Venus.
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
Storie d'amoreThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.