9.I Need You
3rd Person's Pov
After Maria left, hindi agad nakagalaw si Triton sa pwesto nya. Nandoon lang sya, nakaupo. Iniintindi kung paanong hindi s'ya ang ama ni Artemis samantalang kitang-kita sa bata ang dugong Thompson nito. Then he remembered their past, na s'ya rin ang nakipaghiwalay dahil sa mga nakita nyang litrato. Litrato kung saan papasok si Maria ng ibang condominium at may umalalay sa kanyang lalaki pataas ng elevator. Less the picture kung saan kita si Thrace. Kumulo agad ang dugo ni Triton noon when he saw that pictures na wala agad syang ibang inisip kundi ang hiwalayan si Maria.
While he was driving pauwi kasama ang mga pamangkin nya, he keep on realizing things. His eyes are on the road but his mind is on the other side of the world.
"Dapat pala pinicturan ko 'yong baby girl kanina! Nakaka-gigil e, napaka-cute!" Marinela said, isa sa mga pamangkin ni Triton na teenagers.
"I know right! Hawig pa nya talaga si tito Thrace! Nakakagigil!" Gatong pa ng isa nya pang pamangkin na si Tika.
Bumilis ang tibok ng puso ni Triton sa kanyang narinig. Kung hindi sya ang ama ni Artemis pero may dugong Thompson ito, sino ang maaari nitong ama? There's only one person left, it could be his only brother, Thrace. Humigpit ang hawak nya sa manibela. Hindi muna agad sya mag-aakusa, mag-iisip pa sya ng mas malalim.
He still love Maria. Kung pwede, hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-babago ang timbang ng kanyang pagmamahal kay Maria. Araw-araw nya itong namimiss at araw-araw syang nanghihina kapag hindi ito nakikita.
"Tito Ton, pakihatid na lang pala kami ni Tika doon sa pad ni Tito Thrace? May naiwan kasi kami doong damit. Kailangan pa naman bukas para sa presentation."
"No prob.Paano kayo uuwi?" He asked worriedly.
"Kay Papa na lang po. Pauwi na raw sya e. Dadaanan nya na lang kami doon." Explanation ni Tika. Pumayag naman si Triton. Habang palapit sila doon sa condominium ni Thrace, at noong nakikita na ang Entrada nito, naalala ni Triton ang mga litrato. Ito 'yun e. Why is he so stupid? Hindi nya agad naalala na sa condo-ng ito nagsstay si Thrace?
Itinigil nya ang kanyang Everest sa tapat nito para pababain ang dalawang pamangkin.
"Bye po, Tito Ton! Thank you po!"
"Sige, Mag-iingat kayo pauwi." Nginitian nya an ma ito hangga't sa makapasok sa sa loob n building. He stared for a while doon sa condominium. Ito kasi talaga iyon e. Hindi sya maaari magkamali.
Nagpatuloy sya sa pagddrive. Mahigpit na mahigpit ang hawak nya sa manibela at pakiramdam nya'y guguho na ang mundo nya. Hindi nya maintindihan, may relasyon ba ang dalawa habang sila ni Maria kaya nagawa nila 'yon? Si Thrace ba na kapatid nya ang lalaki ni Maria? Ito lang ang tanging naiiisip ni Triton. Suddenly, he felt anger towards Thrace. Sa loob-loob nya, paano ito nagawa sa kanya ng sarili nyang kapatid? E ang alam nya ay nililigawan nito si Ceres.
Dumiretso sya sa mansyon, kung saan madalas umuwi si Thrace kasama ang Mommy at Daddy nila. Ang naiiisip nya lang ngayon ay kung paano nya babasagin ang bungo ng kapatid nya. Of all the persons, kapatid pa nya. Naiisip nya.
"Hijo, nasaan iyong dalawa mong pamangkin?" Tanong ng kanilang mayordoma pagkarating nya. Nilagpasan nya ito ng tingin at agad hinanap ng mata nya si Thrace. Sakto namang pababa ito ng hagdanan at naka-suit pa din.
Nilagpasanni Triton ang mayordoma at hinarang si Thrace. Pareho silang matikas. Mas matanda ng isang taon si Triton pero kung tangkad at built ng katawan lang ang pag-uusapan, pantay na pantay sila. Except sa looks. Mas mukhang matured si Triton.
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
RomanceThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.