7.After 3 years
"Bye po Ms Maria."
"Thank you po." Ngiti at tango na lang ang sinukli ko sa kanila. Katatapos ko lang magturo para sa mga house keepers ng mga do's and dont's tuwing naglilinis sa isang suite.
"Maria! Tara lunch na tayo, hindi ka ba nagugutom?" Aya sa akin ni Hebe habang daladala yung bag namin pareho.
"Aba syempre, nagugutom! Saan tayo kakain?" Niyaya nya ako kumain sa isang japanese restaurant. Although medyo mahal pumayag na rin ako kasi masarap naman ang mga pagkain dito!
Hebe is smiling but I know deep inside she's hurting. Kakagaling lang kasi ni Hebe sa isang major major heart break. Si Hebe ang pinakapihikan sa Group namin, 3 years ago she fell in love but 2 weeks ago he broke her fragile heart. I sighed heavily noong nakita kong naluluha nanaman si Hebe habang sunod sunod ang subo sa ramen. Alam ko naman na kaya nya ako inaya kumain dito sa Japanese restaurant kasi dito sila madalas kumain ng Ex- nyang gago. How dare him hurt my friends fragile heart? Samantalang walang ibang inisip at inatupag si Hebe kundi sya!
Hinawakan ko ang isang kamay ni Hebe na nakapatong sa la mesa. Yun lang ang ginawa ko kaya lalo syang humagulgol at napatungo na lang sya sa table. Me, as the good friend, rubbed her back and gave her water. Wala akong pakealam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa restaurant. Ano bang pakealam nila? Ikaw kaya iwan ng boyfriend mo at sabihin sa'yong 'Nagsawa na ako sa'yo'? Hindi ka kaya masasaktan?
"Hebe, my dear friend. Don't be sad na nga! Isa lang sya sa bilyong bilyong lalaki na maaari mo pang mahalin! Okay? Baka hindi sya si Mr. Right mo! That asshole!" She's still crying habang tumatango tango. Hindi ako sanay na nakikitang ganito si Hebe. Sa grupo, si Hebe lagi 'yong may evil plan at may evil smile. Sya lagi 'yong parang kayangkaya makipagsagupaan. Pero sa nakikita ko ngayon, she look powerless.
Kinausap na namin 'yong lalaki last week. His name was Arturo. At malakas talaga ang hangin nya! Habang kinakausap namin sya, lahat kami ay nanggagalaiti sa galit pero si Arturo, pacool lang na naka-upo habang sumisipol pa. Para bang wala syang pake kasi sinaktan nya si Hebe! Sa sobrang bwisit namin, isa isa namin syang binuhusan ng isang baso ng tubig bago umalis. Serves him right. That Jackass.
"Hindi ko kasi maintindihan," She said in between sobs. "Paanong biglang nawala? Paano 'yun? Bakit kanya, nawala agad pagmamahal nya sa akin? Pero yung pagmamahal ko sa kanya nag uumapaw!" Then she slammed the table.
"Makaka move-on ka rin sa kanya. He's not worth of your tears! Mawawala din 'yan." I assured to her. Like duuh, nalagpasan ko na yang mamatay-na-ata-ako stage pati yang sobra-ko-syang-minahal-pero-iniwan nya-lang-ako stage. Wala na sa akin 'yan. Akin nga 7 years 'yong nabasura e, kanya 3 years? Nako, matatapos din yan!
Lahat ng words na alam kong magpapacomfort or magpapakalma sa kanya ay sinabi ko na. Ayoko talagang umiiyak si Hebe. Lahat aa ng Words of Wisdom sinabi ko na sa kanya. She's trying her best to calm herself pero bigla na lang syang may maaalala tas magngangangawa na lang sya.
"You know, Hebe. On the First place, dapat kasi hindi ka na pumupunta dito, di ba? Kasi lagi mo lang sya maaalala at lagi ka lang masasaktan! Why don't you find a different restaurant na talagang swak sa taste mo?" Hebe is not really fond of eating Japanese foods. Mas type nyan yung American or Italian restaurants. Impluwensya lang naman noong Ex- nyang yon an pagkain ni Hebe sa Japanese restaurants.
Makalipas ang ilang oras, tuluyan na nyang kinalma ang sarili nya. Nagpowder lang sya at lip gloss bago ako nginitian. Kung hindi pang namamaga ang mata nya iisipin kong okay sya. She's good at hiding her true feelings. I hugged her tight.
"Basta Hebe, kung may problema ka, tawagan mo lang ako! Or si Venus, Coring o si Thea. Nandito lang kami parati." Kumalas sya sa yakap bago ako hinagkan sa pisngi at tumango tango.
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
RomanceThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.