8.Not Yours
Walang pasok ngayon si Venus at Hebe. Ganoon rin ako kaya napag desisyunan naming magkita kita sa bahay para makapag-bonding. Busy pa rin kasi hanggang ngayon si Coring para sa party na gaganapin. Tumawag lang sya para mag-sorry at mangamusta. And Thea, work pa din. Workaholic kas talaga ang babae 'yon dahil naman sa frustrated sya dahil wala syang love life. Sabi ko nga sa kanya, okay lang naman na walang love life. Bakit sa akin kaya ko naman? Sasagutin nya ako parati ng, "E syempre may Artemis na makulit ka naman! Samantalang akin, wala! NGANGA!"
Tawa na lang ang naisasagot namin sa kanya. Aba wala naman kaming magagawa king gustong magpayaman ng kaibigan namin. Tatawag naman iyon kung namimiss nya kami!
"Mama Venus! Bili tayo ganun, o!" Umalingawngaw ang maliit na boses ni Missy habang nagkkwentuhan kami. Tumingin kaming lahat sa tinuturo nyang commercial ng laruan sa TV. Spoiled kasi si Missy pagdating kay Venus.
"Ayan ba ang gusto ni Princess?" Tumango ito bago kumandong kay Venus para paglaruan ang Owl na kwintas ni Venus. "Ayun pala ang gusto ng princess! Bibilhin 'yon ni mama Ven!"
"Yeeeyyy!"
"Eh pero dapat, gusto ni mama ng maraming kiss." Tinuro nya ang pisngi nya kaya binigyan agad ni Missy ng wet kisses si Venus.
"Awww, bakit si mama Hebe walang kiss?" Tila ba nagtatampong sabi ni Hebe na kunwari pa ay yumakap sa akin. "Akin na lang si mimi mo."
Tinignan ko ang reaction ni Missy at kung ano gagawin nya. Nakatingin lang sya sa amin ng matagal. "Okay lang, ano, princess? May mama Ven pa naman sya!" Pagchicheer up ni Venus sa kanya. Tumango lang ng dahan dahan si Missy.
"Eh! Mas maganda si mimi Maria ko! Kiss kita mimi?" Natatawang sabi sa akon ni Hebe. Ganito ba nagagawa ng pagiging broken hearted? "Sige, kiss ako ng baby ko!" Patol ko naman tinignan ko ulit si Missy at medyo mangiyakngiyak na'to habang pababa sa kandungan ni Venus.
"Saan ka pupunta, princess? Ayaw mo na kay mama Ven?" Hindi sya pinansin ni Artemis at hinigit nito ang kabila kong kamay na hindi yakap ni Hebe. Sinusubukan nya ako ilayo kay Hebe dahil pero hindi nya kaya dahil ang liit liit nya.
"Mimi ko sya. Di mo sya mimi! Ako lang lab nya e!" Hinatak nya ulit ako. Mukha na talaga syang maiiyak kaya parang gusto ko na kalasin palayo si Hebe sa akin.
"Eh hindi! Akin sya!" Sabi pa ni Hebe. Naging galit ang expression ni Missy pero sa halip na matakot ka ay makukyutan ka na lang sa kanya! Nilapitan nya si Hebe para itulak ng mahina, pero lumayo na rin si Hebe na kunwari ay natulak sya ng malakas.
"Bad ka, mama Hebe. Niaagaw mo mimi ko.." Bago sya yumakap sa akin ng mahigpit. Awww,my baby.
"Ay sorry na, be! Love ka ni mama Hebe! Joke joke lang 'yon!"
"Tara, alis tayo. Gala! Bibilhan ko na rin si princess ng gusto nya." Ani Venus habang may ka-text.
"Oo nga. Lagi na lang tayo nandito sa bahay nyo, Maria! Punta tayo sa bagong bukas na hotel doon sa Metro!" Reklamo ni Hebe habang sinusuyo pa din ang nakayakap sa aking si Missy.
"E paano 'to?" Wala kasi sila Minos at Atlas, may work. Si Mama at Papa umuwi sa probinsya para kumuha ng mga gamit na naiwan nila doon. And Europa? May asawa na 'yong kambal ko! Pero wala pa syang anak. Ayoko naman istorbohin iyon dahil panigurado nasa ospital 'yon para magtrabaho.
"Isama natin! Pwede naman iyan sa mga hotels. Gusto mo ba sumama princess?" Binalingan ni Venus si Missy. Nag-angat naman ito ng tingin sa mama nya ng may tanong. "Hotel?"
"Opo, baby. Doon nakatira iyong mga princess!" Pumapalakpak na sabi ni Venus.
"Mimi puntya tayo doon?"
BINABASA MO ANG
That Unexpected Night
RomanceThat unexpected night changed my perfectly imperfect life.