Ang lakas ng dagundong ng puso ko. Nauna pa ata ako sa tilaok ng manok gumising dahil sadyang wala pala akong tulog. Kailangan ko nang ipagtapat ang aking nararamdaman. Sasabog na ito anumang oras.
Yayain ko siyang lumabas. Total, Sabado naman ngayon.
Nilingon ko siya sa kanyang kama.
"Bakit may maleta siyang nakaimpake?" tanong ko sa aking isipan.
"Kaya mo 'yan, girl. Ikaw pa na may malakas na fighting spirit," bulong sa akin ni Lee, pinapalakas ang loob ko.
Ngayon na ako magtatapat sa kaibigan namin.
"Kinakabahan ako, eh," sabi ko sa kanya. "Hindi pa siya lumalabas ng CR." Kabado pa rin akong nagsalita ulit.
Kanina pa kami nagbubulungan tungkol sa kanya.
"Sige, iiwan muna kita dahil magjo-jogging pa ako. Basta kaya mo 'yan!" Huling bulong niya at muli akong pinalakas ng loob bago siya umalis.
Sa wakas, lumabas na rin siya ng banyo.
Napahinga ako nang malalim nang makita ko siyang nakatapis lamang ng tuwalya.
Damn! Ang sexy talaga niya.
Bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mga mata. Nakatitig lang ako sa kanya na para bang anumang oras ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.
Nakatitig pa rin ako sa kanya nang bigla siyang ngumiti sa akin.
Para akong ewan na natataranta.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
"Ahm... yeah! Very much."
Humiga ulit ako sa aking kama dahil hindi ko alam kung paano magsisimula.
Nakapagbihis na siya nang bigla niyang hilahin ang maleta.
"Hey!" tawag ko para makuha ang atensyon niya. "Saan ka pupunta? Bakit may dala-dala kang maleta? Hindi pa naman bakasyon, ah. Next week pa ang summer break natin!"
Sunod-sunod kong tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kirot akong naramdaman sa puso ko.
"Ahm... mabuti at nandito ka," sabi niya, alanganin ang ngiti-iyong tipong parang ngiwi pa nga.
"Bakit?" tanong ko.
"P-pasama s-sana ako sa'yo."
Guni-guni ko ba 'yon, o sadyang nakitaan ko siya ng kalungkutan sa mga mata?
Bakit parang kinakabahan siya?
"Why?" tanong ko ulit dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang maiiyak siya.
"Just help me," garalgal niyang sabi.
Dahil sa mabait ako at mahal ko siya bilang kaibigan, tutulungan ko siya kahit hindi ko pa alam kung ano ang dahilan niya.
Siguro naman, makakapaghintay ang pagtatapat ko.
Huminga ulit ako nang malalim.
"Okay."
---
Gabi na nang bumalik sa dorm namin si Lee.
Wala akong ginawa buong araw kundi tumulala.
"Hey, girl. Usta? Nasabi mo na sa kanya?" tanong nito habang nakangiti, ngunit bigla ring nawala ang ngiti niya nang makita ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi.
Maliban sa pagiging tulala ko, hindi ko rin mapigilang tumangis na para bang namatayan.
Actually, my heart died just a while ago.
"What happened? Saan siya?" May pag-aalala na sa tono niya dahil hindi ko mapigilan ang rumaragasang luha mula sa aking mga mata.
"I'm such an idiot!"
"Hey! You're not. Come on, tell me. What happened?" sabi pa rin niya, ngunit tulala pa rin ako hanggang ngayon.
"I helped her," garalgal kong sabi.
"Helped her for what?" nalilitong tanong niya.
"I just helped her elope with someone!" bulalas ko.
"Whaaaat?!"
*****
- Nicolette08
BINABASA MO ANG
"My Amazona" (COMPLETED)
RomansaDi ka naman boyish or crossdresser at mahigpit kang nagtatago sa isang makapal na closet pero kung iturin ka ng mga girls ay one of the boys. ~ Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo? ~ Babe, sandal ko natanggal ang takong. ~ Mylabs, alalayan...
