A - 2

15.7K 384 10
                                        

Cloe's P.O.V

*****

Mabilis lumipas ang mga araw ay naging malapit sa akin si Yuu.

"Alalayan mo ako Cloe. Baka madulas ako". Pagpapacute sa akin ni Jessica dahil kung may mas maarte pa sa mas maarte na award ay siya na ang nanalo.

"Ingat kasi dahil di tatakbo iyang talon na sa baba". Napapailing ko na lang na sabi. Nag out of town kasi kaming magkakaklase sa isang private resort na pag-aari nina Emir. May talon sa paanan ng bundok sa likod ng resort kaya papunta kami doon. Hindi naman lahat nakasama. Sa palagay ko nga mga fifteen pababa lang kami.

Si Emir ay itinurin niya akong bestfriend. Kumpara sa aming lahat ay ako ang mas nakakakilala sa damuho na ito. Mula sa pamilya niya hanggang sa pagiging playboy nito. Kilala sa buong campus na madami dami na din siyang naging gf pero walang tumatagal dahil walang effort sa mga nagiging gf.

Inalalayan ko si Jessica pababa at may tao din sa unahan ko upang umalalay sa mga girls dahil medyo madulas ang daan papunta sa mismong falls.

Ng nasa kalagitnaan na kami ni Jessica dahil tumutulong din ako umalalay sa ibang girls kanina ay natapat kami kay Javier na umaalay sa mga girls. Inabot niya kamay ni Jessica upang maihatid ng tuluyan. Lumingon siya sa akin upang alalayan sana tapos biglang binawi ang kamay at sinabing "huh! Lalaki ka man kaya muna iyan".

"Iyong totoo Javier kailan pa naging lalaki ang magandang tulad ko". Nakasimangot kong sabi. Tapos nagsegunda din iba naming mga kasama.

Kaya ko naman sarili ko dahil athlete ako ng volleyball at alaga ng gym katawan. Ganyan lang talaga sila sa akin.

Umuusad ako pababa ng may biglang sumigaw sa taas kasama ni Emir ng "wifey! Jan ka lang alalayan kita". Tapos dumaudos ito ng mabilis pababa. "i got you" sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso mabilis na niya akong hinila pababa.

"Sandali madudulas tayo Yuu kaya hinay hinay lang". Ang bruha imbes na maghinay hinay ay sinamaan lang ako ng tingin. Hala bakit kaya? Tapos napa snap ako sa isip ko. "A-ah eh, hinay hinay lang kasi WIFEY madulas tayo sayang ang mga dyosang gaya natin". Binigyan ko ng diin ang wifey dahil alam ko kaya niya ako binigyan ng matalim na tingin ay dahil tinawag ko siya sa name niya. Ng dahil doon natawa na siya.

"Hahaha, hindi uy! Tiwala lang. Hahaha mahulog ka man sasaluhin kita". Tawa lang siya ng tawa tapos nag wink pa.

"Ewan ko sayo". Sabi ko na lang na napapailing. Wala nga pala si Lee dahil mawawala siya ng three months para sa short course na kinukuha niya sa Paris na Arts and Design na kahiligan niya. Ganyan iyan siya. Babalik tapos aalis. Buti kaya niya pagsabayin ang business course niya sa arts and design niya.

Nakababa naman kaming lahat ng biglang tumabi sa akin si Emir. "Ano man Sissy? Bagay ba sa akin si Yuu?" Bulong ng damuho.

Pinaningkitan ko siya ng mata at sinabing....

"hindi!"

"Ikaw ang hindi bagay sa kanya!" Totoo naman dahil kahit ibang classmate namin ay ayaw sa kanya para kay Yuu dahil sa reputasyon nito. Kaya lumalapit itong isa sa akin upang magpatulong manligaw. Guapo naman siya sabi nila pero sadyang diko makita saan banda. Tsk!

Ika nga sabi ng ex niya na friend ko din. Ang kaguwapuhan nito ay pang boyfriend display lang daw dahil kulang sa effort sa buhay.

"Alam mo kasi probs sayo kulang ka sa efforts". May diin na hayag ko sa kanya.

"This time sissy mag eeffort na ako. At feeling ko parang siya na ang para sa akin". Nagde-daydream pa na sabi nito.

"Bahala ka dahil hindi kita ilalakad sa kanya. Kaibigan ko din iyon kaya ayaw ko masaktan at itulad mo sa mga naging babae mo". Napapailing na lang ako dahil diko maiisip na magiging sila ni Yuu. Crush ko kasi iyong isa tapos itong isa tinuturing bff ako na diko alam na ganun pala kami.

"Ikaw na nga lang kaibigan ko na matino tapos ayaw mo pa akong tulungan". Nagtatampong sabi niya.

"Iyon na nga ee. Kaibigan mo ako kaya kilala ko ang ligaw ng bituka mo. At baka nakakalimutan mo na kaibigan ko din siya at higit sa lahat bff iyan ng bff ko na si Lee". Depensa ko pero may mas malalim pa ako na dahilan kaya ayaw ko.

"Sabihin mo nagseselos ka lang". Bara niya sa depensa ko.

"Huh? Ako? Nagseselos? Kanino naman?" Nalilitong turan ko.

"Sa akin! Sa tagal na natin pagiging magkaibigan wala ka pang naipapakilalang bf mo. Siguro hindi hotdog ang gusto mo kundi monay". Tatawa-tawang sabi niya at bago ko pa mahambalos ng kung anong bagay na pwede kong ihampas dito ay nakatakbo na ito.

"Hoy! Bumalik ka dito! Sigaw ko sa bwesit na damuho na iyon. Bastos ng bibig kalalaki mong tao! Palibhasa bakla!" Ooopppssss.... napahinto siya dahil lahat ng mga kasamahan namin ay sa amin nakatingin na dalawa. Tapos bigla kaming nagtawanan dahil kahit sila ay binubully nila siyang bakla. Baka daw pang display lang daw niya ang mga nagiging gf upang di masabing bakla. Ee kasi ba naman sabi nila pag guapo at babaero daw ang isang tao ay may tinatago daw iyan. Isang berdugo iyong berde ang kulay. Hahaha nakakatawa diba? Saan nila iyon napulot.

Sinamaan niya kami ng tingin. Tapos nahinto ako sa kakatawan ng may taong biglang yumakap sa akin mula sa likod. "Pa kiss nga wifey".

*tsup!

At hayon nahalikan na naman niya........

ang kawawa kong pisngi. Pisngi lang naman kaya wag kayong ano jan. Pero ang sista, kung makagawa ng ganitong karumaldumal na krimen sa pisngi ay hindi aware na kung lalaki lang ako kanina na ako tinatayuan.........

At itong babae na ito kung tuko makayakap ay parang instant celebrity sa school simula ng mag transfered dahil sa taglay niyang bait, sexy, ganda at ang pagiging.............

AMAZONA! Hahaha isa siyang amazona para sa akin kasi bigla siyang tatawa na ang lakas ng boses nakakasira ng eardrum pero hindi iyon nakakasira ng ganda dahil kahit malakas tumawa ang bruha ay maganda pa din ang boses. Saan ang hustisya dun? Tsk! Tapos magaling din siyang kumanta at sumayaw. Siya na magaling dyan dahil ng magbigay si lord ng talent sa pagkanta at pagsayaw ay natutulog ata nanay ko ng ipinaglilihi niya ako.

Tapos di lang iyon ang patunay ng pagiging amazona niya. Minsan kausap ko si Lucas ay bigla kaming napalingon sa may pinto sa sobrang lakas ng tunog na narinig namin.

Alam niyo ba ano iyon? Diyos ko girl sinuntok lang naman ni wifey ang pintuan kaya hayon nagamot ko ang kamay niya dahil pulang pula ito. Tinatanong ko naman siya ano ang dahilan pero ang sinasagot lang niya ako ng erap.

Simula din sa araw na iyon napapansin ko na naging malapit sila ni Emir sa isa't isa.

******

-Nicolette0810




"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon