A - 6

9.6K 321 12
                                    

Cloe's P.O.V

"Wifey?"

"Hhmmm?"

"Na miss mo ba ako?"

"Hindi."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Siguradong sigurado?"

"100% sure"

"Bakit d'mo na miss ang wifey mo?"

"Di siya ang na miss ko."

"Ah ganun? Kanina ka pa huh! Bakit d'mo ako na miss? at may iba ka pa palang na mimiss?" Kaya bago pa ako mapalo ng isa ay tumakbo na ako palayo sa kanya pa puntang soccer field. Kahapon pa ako dumating pero para siyang sirang plaka na bakit diko daw siya miss. Hahaha ang ganda niya kasi lalo pagnapipikon.

"Diko na miss ang wifey ko! Sigaw ko. Only my amazona lang ang na miss ko ng sobra!" Sigaw ko ulit sa kanya ng lumingon ako. Mas mabilis kasi akong tumakbo kaya malayo agwat namin.

"Wow! Ang sweet naman." Pang-aasar sa akin ni Zaya. "Hoy babae baka nakakalimutan mo iyang nilalandi mo ay gf ng bff mong lalaki." Bigla ako napaharap sa kanya. Tinaasan lang ako ng kilay. "Alam kong kauri kita Cloe kaya sa akin ka na lang." Ng akmang lalapitan niya ako ay may isang tao ang humila sa akin at hinapit ako sa katawan nito.

"Adrian." I whispered. Kilan pa siya nakabalik? Tanong ko sa isip. Twin brother siya ni Andrea. He's my ex at sa lahat ng naging ex ko siya ang tumagal at muntik na akong ma fall dahil halos lahat ng good qualities nasa kanya na. Siya din ang team captain ng basketball. Kaya di din ako na fall ng tuluyan dahil opposite ko pala siya. Hahaha pero kabaro.

"Bitiwan mo siya!" Sabay na sabi ng dalawang boses. Si Zaya at Yuu. Sumunod naman ang isa.

"Kilan kapa bumalik?" Tanong ko sa kanya dahil diko naman nabalitaan iyon. Tumitig ako sa mukha niya at ganun pa din. Ang guapo niya at ang katawan niya ay mas naging yummy. Diko namamalayan na nahagod ko ang buo niyang mukha pababa ng pababa.

"Do you like it?" Tanong niya na habang naka ngiti pa din ng malapad. Alam ko tinutukoy niya. Wag niyang sabihin tuwid na ito kundi mababatukan ko at ipapalibing ko ng buhay.

Pero ang nagawa ko ay isang tango lang. Paano ba naman ang bruha ay ang macho at ganda ng katawan. Kaya wala sa sariling napahawak ako sa tiyan niya. Naramdaman ko na nadagdagan ang abs niya sa katawan. Kung dati 4pax ay 6pax na. Tapos dipa ako na kuntinto at nilibot ko siya na parang sinusuri ng maayos. D'mo talaga kakikitaan ng ka baklaan itong isa. Ako pa lang kasi sinasabihan niya na gay siya. Natatakot kasi sa tatay niyang general ng airforce of USA.

"Cloe!" Sabay ulit na bigkas ng dalawang babae na andito pa pala.

Biglang bumulong sa akin ang bruho. "Aba girl mas humaba pala ang hair mo dito." Ay nakalimutan ko pala na alam din pala ang tungkol sa pagiging femme ko. "Lalong lalo na iyong hindi cheerleader na kung makatingin ay kulang na lang patayin ako."

Nilingon ko mga tinutukoy niya lalo na ang isa. Tama siya para silang dragon pa nga na anytime bubuga ng apoy.

"Hay salamat dito pa pala kayo." Hingal na hingal na sabi ni Jessica. "May pool party bukas sa bahay at invited kayo guys. Kaya wag na pakipot kundi makakatikim sino man ang di sumulpot."

Tumango kaming dalawa ni Adrian pero ang dalawa nag walkout.

"Ano ngyari sa dalawa na iyon?" Turo niya sa dalawa na parang nag-aaway pa sa daan.

Kibit balikat lang ang isinagot ko.

Biglang may nagtext sa phone ko.

Galing sa amazona ko.

My Amazona: "di ako uuwi ng dorm now. Kaya mag-isa ka doon."

Me: "subukan mo di doon matulog now sa dorm. Wala ka ng kiss na mapapala mula sa pisngi ko."

Isang warning na text ko sa kanya. Sinundan ko ito ng isa pa na text.

Me: "bumalik ka dito sa field kung ayaw mong matulog sa kabilang kama."

Sa akin kasi siya tumatabi now. Alam ko din kahinaan ng isa na iyan.

Ibinalik ko phone ko sa bulsa ng jacket ko.

1......

4.....

5.......

8.....mga count ko kaya dipa nakakaabot ng 10 counts nakita ko na ang bruha.

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagsasabing wag mo akong subukan ng makalapit na siya.

Subukan niyang di doon umuwi kundi maghahalo ang hindi dapat maghalo.

Damn! Marami pa naman nakakapansin na simula ng dumating siya nabawasan katarayan ko sa campus.

Ng makalapit siya ay pinulupot ko agad ang bewang niya at ihapit sa tabi ko.

"Adrian," pukaw ko sa isa na kausap si Jessica. "meet Yuu and Yuu si Adrian twin ni Andrea."

"Nice to meet" inilahad niya kamay niya pero ang isa ay irap ang ibinigay.

"Mukhang amazona." Bulong ulit sa akin ng isa. "Under ka nuh?" Kindat ang isinagot ko sa kanya. Napahagikhik naman ang bruha.

Iyong kamay ko nais sana alisin ng amazona ay mas hinigpitan ko pagkakahawak.

"Ok Jessica, darating kami nina Yuu." Sabi ko.

"Ok verygood." Aalis sana pero lumingon ito sa aming tatlo lalo na sa akin. "Diba mapuputol katawan ni Yuu?" Sabay turo kay Yuu. Kasi kung makahapit ka parang may aagaw sa amazona mo." Pinamulahan ako dahil tama siya. Hapit na hapit ko pala ang katawan ng amazona ko. Tapos ang isa nakatingin lang sa grass field sa may paaanan niya.

Tapos umangat din mukha niya na pulang pula. "O-ok!" Ngumiti na si Yuu . "Sige Jess, darating kami." Si Yuu na parang biglang sumaya. Ahay napaka bipolar talaga niya.




******

Nicolette0810

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon