A - 3

12K 347 16
                                        

Cloe's P.O.V




"Sila na?"




"Siguro dahil napapadalas na silang magkasama."

"Ang swerte ng mukong dahil siya ang napansin ni miss Yuu."

"Di sila bagay. Kilala naman natin si Emir na walang efforts sa mga babae niya."

Iyan mga naririnig ko sa kaliwa't kanan.

Kumakain akong mag isa sa cafeteria ng lumapit sa akin sina Micky, Zoe at Jade. Sila ang naging close ni Yuu sa school. Madalas silang lumabas apat. Ako kasi iba ang grupo ko. Sina Averi, Javier, Lucas at Emir. 

Tapos itong isa sa amin ay sila na nga daw ni Yuu ay napapadalas ng kasama ng isang grupo.

Friendly si Yuu kaya madali lang siyang naka adjust. Friend ko din naman ang tatlo. Ako kasi iyong tipo ng tao na pwede sa kahit anong side.

Minsan kasama ako sa grupo nina Jade. Versatile ang pagiging friendly ko daw. Hahaha kaya close pa din kami ni Yuu. Syempre close dahil iisang room lang kami sa dorm. Nasosolo ko siya at sobrang landi dahil kung makayakap ay wagas pagmatutulog na kami. Ang clingy niya pagdating sa akin.

Pero may original akong grupo. Si Lee na bff ko na bff ni Yuu. Oh diba? Si Lee na ang madaming bff dahil may bff pa siya na isa maliban sa amin ni Yuu. Si Kea na pinsan niya. Kung may award din ng Congeniality sa barkada ay siya na.

Hanggang ngayon dipa dumarating si Lee. Pakita lang sa teacher minsan tapos aalis naman. Iba din trip ng babaeng iyon.

"Ano ba iyang bestfriend mo na lalaki. Baka di niya seryusuhin friend namin na si Yuu." Reklamo agad ni Zoe pagkaupo.

"Balita ko nga." Baliwalang sagot ko. "Tinatanong ko naman si Yuu if sila na pero todo tanggi siya na di daw pero si Emir ay oO na daw." Tsismoso kasi ang bruho na iyon na parang babae pa kung makapagkuwento sa akin. Di naman ako bastos kaya nakikinig din ako.

"Pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo na kung di lang seryuso kay Yuu ay wag na niyang ituloy." Reklamo ni Micky.

"Seryuso naman daw siya kay Yuu at buhay na nila iyon." Patuloy pa din akong kumakain dahil kahit crush ko si Yuu ay sino ba ako para pigilan siya. Isa pa itinuturin akong matalik na kaibigan ng isa.

"Wifey! Dito ka lang pala kanina na kita hinahanap." Biglang tili ng isang tao sa may cafeteria.

"Yuu! Nasa harapan mo lang ako. D'mo kailangan sumigaw." Napapailing kong sabi. Iyan na naman tawag niya sa akin.

"Hahaha na miss lang kasi kita eh." Sabi nito sabay lapag sa dalang tray at hinalikan ako sa pisngi.

"Teka, alam kong PG ka pero bakit sobrang dami ata niyan?" Turo ko sa dala niyang tray dahil may dalawang freshmen na umalalay sa kanya na may dala dala din na tray.

"Sa amin ni Emir pero pwede kang kumuha." Nakangiti niyang sagot. "Thank you guys." Tukoy niya sa dalawang freshmen na smile tinugon sa kanya.

Kitang kita ko paano napa eye roll ang mga kasama ko.

"Bakit ikaw may dala niyan?" Exagge na sabi ko. Bigla akong nagalit sa buwesit na damuho na iyon. Speaking of that bitch na lalaki ay paparating.

"Hi Cloe." Bati niya sa akin pero imbes na mag response inapakan ko paa niya sa ilalim ng mesa dahil kaharap ko silang dalawa. Pero ang damuho pangiti-ngiti lang.

*****

"Siguraduhin mo na seryuso ka sa kanya dahil magsisi ka niyan sa huli." Paalala ko sa kanya. "Pero ewan na nga lang din kung iyon ay seryuso din sayo." Napahalakhak ako dahil doon tapos tinaasan ko siya ng kilay. Sa diko din alam kung seryuso din ang isa sa kanya. Ika nga sabi ni Lee playgirl iyon.

"Sa tingin mo ay di iyon seryuso?" Nag-alalang tanong niya.

Diko siya sinagot dahil malay ko ba. Magsasalita pa sana siya ng magring ang bell na hudyat para sa ikalawang subject.

*****

"Ganito kasi iyan." Turo ko kay Averi dahil nagpapaturo siya sa akin sa project niya. Tapos ang bruha wala pa lang martilyo. "Lucas ikaw nga pumukpok nito." Tawag ko sa isa.

"Hala sweetypie! Bakit may martilyo sa bag mo?" Naglalakihang mata na wika ni Lucas.

"Bakit d'mo tanungin si Javier?" Tukoy ko sa isa na ang lakas ng tawa. Nag pokerface na lang ako. Palibhasa siya ang naglagay.

Napailing naman si Lucas dahil alam naman nito ano trip sa buhay ng isa. "Nanira ka na naman ng pintuan ng may pintuan Javier noh? Sino na naman na biktima mo?" Mapang asar na lang niyang sabi rito. Lahat kami alam na mahilig siya pumasok sa pintuan ng may pintuan. Tapos sinisira niya kaya siya din nakakaayos.

"Ahahaha iyong cr kasi sa may dulo ng building natin diko mabuksa.........."

"Kaya sinira mo na lang?" Di makapaniwala na bigkas nina Averi at Lucas. Oo, iyon nadatnan ko kanina na inaayos niya tapos ipinatong ko lang backpack ko ay diko namamalayan doon pala niya isinilid. Kaya pala biglang bumigat bag ko.

"Sorry Cloe, akala ko kasi backpack ko nalagyan ko ng hammer na iyan."

Kukutusan ko sana para makabawi sa kalukuhan niya ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Ano ba iyan wifey kanina pa ako naghahanap sayo tapos dito ka lang pala." Isang malambing na boses ang nagsabi habang yakap ako. Biglang nagtayuan mga balahibo ko sa katawan dahil pabulong pagkakasabi nito.

Hinalikan ko siya sa pisngi dahil paglingon ko nakapout siya sa akin.

"Ayan para dika na magtampo." Sabi ko pero bigla siyang nagtatakbo at parang ang pula pula ng mukha niya. "Hala napaano iyon?" Tanong ko sa mga kasama ko.

"Halaman/plant/numb." Sabay sabay na sabi ng tatlo.

"Ano?" Diko kasi naintindihan dahil parang pabulong lang nilang sinabi. Tapos sabay sabay pa nila akong inikutan ng mata. "Huh?"



******


Nicolette0810

"My Amazona" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon