Conversation #2

53 4 0
                                    

**Risk Jay Reyes**

Katatapos nga lang pala ng klase namin kaya nandito muna kami sa canteen ng barkada at ng mga pinsan ko para makapag-miryenda at para na rin makahanap ng magandang chic! 

Yeah!  Hindi talaga mawawala sa akin ang pagiging chic boy kahit na may gusto na ako.  Pero hindi ko pa naman sya nakikita at nakilala sa personal kaya,  ok lang siguro para sa akin ang mambabae. At isa pa,  wala namang kami 'diba? Sigh.

Habang kumakain sa canteen,  may isang grupo ng mga babae ang dumating.  Mga taga-engineering ata.  Lumapit ang isa sa kanila sa amin at kinausap si Chase.

"Uy Chase! " Bati ng babae kay Chase at kumaway ito.  Sumipol ang pinsan kong si Brandon sa babae nung makalapit na ito kay Chase.

"Oy!  Hannah!  What's up? " Tanong ni Chase sa babae na I think Hannah ang pangalan base sa narinig kong tawag ni Chase sa babae.

"Uhm. Gusto ko lang sana magpa-reserve ng VIP room sa bar mo.  Birthday ko kasi at gusto ng barkada ko na doon sa bar mo gaganapin ang party.  Lalo na 'yung friend ko na si Jenjen. " Sabi ng Hannah kay Chase at tinuro ang babaeng nasa table nila na may nakatakip na bag sa mukha kaya hindi mo makita ang mukha nito.

"Oh!  Haha!  Sure! Kelan ba 'yan? " Tanong ni Chase kay Hannah habang tinitingnan pa rin ang babaeng may nakatakip na bag sa mukha.

"Ah eh mamaya na 'yun eh! Ok lang ba?  Kung gusto mo,  pumunta na rin kayo sa party ko.  Isama mo mga friends mo. " Sabi ni Hannah kay Chase na naging dahilan ng pag-ingay ng mga kasama namin.

"Alright! " Tyler

"'Yown naman pala eh! " Triv

"Payag ka na pre! " Miguel

Tumawa nalang si Chase at tumango nalang kay Hannah.

"O sige! " Sagot ni Chase sa tanong ni Hannah.

"Alright! The party will start at seven.  Hihintayin ka namin dun Chase!  At ang mga friends mo. " Bago magpaalam si Hannah sa amin ay tiningnan nya muna si Brandon at kinindatan.

Mukhang type ata ng Hannah na 'yun ang pinsan ko ah!

"So,  ano mga bro?  Game kayo para mamaya? " Tanong sa amin ni Chase ng may malapad na ngiti.

"Oo naman! " Pagsasang-ayon ng kapatid ko.

"Bakit naman hindi?  Madami kayang chic sa bar mo bro! " Pagkasabi nyn ni Kyle ay nag-apir sila ng kambal nya.

"Tama ka dyan bro! " Pagsa-sang-ayon ni Tyler sa kambal nya.

Ako naman,  siguro hindi nalang ako pupunta?  Hindi ko alam kung bakit ayaw kong pumunta kahit na gusto kong mambabae pero hindi ko magawa-gawa dahil sa kung anong rason na bumabagabag sa isip ko.

"Ikaw bro? " Tanong sa akin ni Chase.

"Pass na muna ako, bro." Sagot ko sa tanong nya.

"Oh!  Himala bro ah.  Ikaw kaya ang pinakamatinik pagdating sa mga chic tapos aayaw ka ngayon? " Tanong sa akin ni Triv sabay halakhak.

Umiling nalang ako kay Triv at ininom ang softdrinks na nasa harapan ko.

"Dude,  akin 'yan," Dren.

Umuwi na nga pala ako sa aking condo pagkatapos naming mag-miryenda sa canteen ng school namin kanina.  Nagbihis na ako kaagad at kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa aking bag then humiga sa kama.

Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Jennica?  Busy kaya sya? Mai-text nga.

******

To: TLCC
Hey!

LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now