Conversation #4

34 5 0
                                    

***Risk Jay Reyes***

I was on my way to our classroom nung humarang si Chase sa aking harapan.

"Bakit pare? " Bigla akong inakbayan ni Chase at sinabayan ako sa paglalakad.

"Wala. " Ngiti-ngiting sabi ni Chase sa akin habang tumitingala.

Ang laki talaga ng pinagbago ni Chase simula nung dumating ang Jenjen na 'yun sa buhay nya. Hindi ko pa nakikita ang itsura ng Jenjen na 'yun pero base sa kinikilos ni Chase, maganda iyun na naging dahilan ng pagbabago ni Chase.

"Anong wala, ano nga 'yun? " Mapang-asar na tanong ko kay Chase.

"Naalala mo si Jenjen? "

"Bakit naman hindi? Eh, sya nga ang palagi mong kasama eh. " Sabi ko sa kanya. "Bakit, ano bang meron sa Jenjen na 'yan, ha? " Tanong ko kay Chase na naging dahilan ng pagbitaw nya sa pag-akbay sa akin at nilagay ang dalawa nyang kamay sa likod ng kanyang ulo .

"Pare..."

"Oh? " May pa-suspense suspense pang nalalaman, eh kung sinabi nya nalang ng deretso 'diba?

"I..."

"Ano? 'Wag mo na rin kasing putulin pare! Ako ang kinakabahan sa sasabihin mo eh! " Sabi ko kay Chase at pagkatapos nun ay huminto kami sa paglalakad.

"Hayysst! I think... I think I like her! " Pagkasabi nun ni Chase ay bigla syang namula at umalis sa aking harapan.

Woah! She like Jenjen?! Weh? 'Di nga?! Hindi ako naniniwala sa kanya dahil ngayon nya palang sinabi sa akin na may nagugustuhan sya.

Huh! Kahit na hindi ako totally na naniniwala kay Chase, I'm still happy for him. At sana lang, hindi sya sasaktan ng Jenjen na 'yun. Ayokong maramdaman ng bestfriend ko na masaktan dahil lang sa taong gusto nya.

Napabuntong hininga ako dahil naalala ko si Jennica. Please, Jennica! Umalis ka na sa utak ko! Pati sa puso ko!

Pumunta nalang ako sa room namin at inantay ang teacher namin at matapos ang ilang minuto, dumating na ito at nagsimula na ang aming klase.

"Class dismiss." Sabi ng aming teacher. "But before you leave, I want to announce to all of you na wala kayong pasok mamayang hapon dahil may faculty meeting ang mga teachers. Goodbye and you may go."

Lumabas na ako ng aming room at dumeretso sa parking lot at sumakay sa aking kotse para makauwi na sa aking condo.

After ng ilang minuto ay nakarating na rin ako. Binuksan ko ang aking T.V. at bumungad kaagad sa akin ang basketball. Pilipinas at Austrilia ang lumalaban. Maya-maya lang, biglang nagkapikunan at nagsuntukan ang magkabilang grupo.

Tangna! Basketball ba 'to o boxing!? Basketball na basketball nagsusuntukan sila, mga gago! Pinatay ko nalang ang T. V. at humilata sa aking sofa.

Maya-maya lang, biglang tumunog ang aking cellphone na nakalagay sa bulsa ng aking pantalon kaya kinuha ko ito.

*********
From: TLCC
Hi
*********

Shit! Nag-text si Jennica! Tangna! Re-reply-an ko ba? Bwisit! Hindi ko alam ang aking gagawin!

Napatingin ulit ako sa aking cellphone at binasa ang text sa akin ni Jennica. 'Hi'.

LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now