Risk #9

41 4 0
                                    

***Risk Jay Reyes***

"Hindi naman talaga kita gusto Risk eh... " Huh?  anong h-hindi nya ako gusto?  Eh paano ang panghahabol nya sa akin?

"What do you mean na hindi mo ako gusto? "

"It's just that....." Sigh. " Matagal ko nang a-alam na buntis ako, hindi ko lang nasabi agad because.... I-I'm scared! And about dun sa paghahabol ko sa'yo," Pagkasabi nun ni Shane ay biglang bumuhos ang malalaking patak ng kanyang luha sa kanyang mukha saka humarap sa akin. "K-kaya ko lang naman n-nagawa 'yun dahil kailangan ko ng magiging a-ama nitong aking nasa s-sinapupunan." Nilagay muna ni Shane ang kanyang noodles sa maliit na table na nasa harapan nya saka sya lumapit sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay. "S-sorry Risk! Sorry t-talaga! S-sorry dahil ginamit k-kita! Huhuhu!" Nilapag ko rin muna ang noodles ko sa table saka ako lumapit kay Shane at hinimas ang kanyang likod para kumalma sya.

"Sshh... I-it's ok, n-naiintindihan din n-naman kita Shane eh. Sino ba naman ang isang magulang na hayaan lang ang kanyang magiging anak na hindi magkaroon ng ama diba?" Sabi ko nalang kay Shane then niyakap ko sya habang sya naman ay patuloy lang ang pag-iyak.

"I-I'm sorry talaga R-Risk!" Paghagulgol ni Shane sa aking mga bisig.

"Sshh." Hindi ko alam pero nakaramdam talaga ako ng matinding awa kay Shane.

Nung una, naiirita talaga ako kay Shane dahil ang buong akala ko ay ganun nalang ang pagkagusto nya sa akin kaya nya nagawang habulin ako. Pero ngayong nalaman ko na ang totoong dahilan kung bakit nya ako hinahabol, putangina, gusto kong bugbugin ang lalakeng gumawa nito sa kanya. Nakakaawa talaga si Shane.

Tiyak na pagtatabuyan sya ng kanyang mayor na ama dahil ayaw nitong masira ang kanyang imahe just because sa nangyare kay Shane.

Nag-iisa lang na anak si Shane, wala na rin ang kanyang ina kaya naman wala na syang kakampi sa kanilang bahay kung pagtatabuyan man sya ng kanyang ama.

Nanatili lang akong nakayakap kay Shane at hindi ko namalayang nakatulog na pala sya dahil sa sobrang kakaiyak.

Iginaya ko muna sya sa sofa ng tahimik para naman makatulog sya ng maayos at pagkatapos nun ay niligpit ko muna ang pinagkainan namin at hinugasan ito.

Umakyat muna ako papunta sa aking kwarto para kumuha ng spare blanket dahil napansin kong parang giniginaw na si Shane.

Pagkababa ko papunta sa kinaroroonan ni Shane, nakita kong wala na sya dun kaya hinanap ko sya.

'San pumunta 'yun?'

Tiningnan ko sa kitchen pero wala sya dun, tiningnan ko sa cr pero wala rin sya dun, tiningnan ko sa veranda pero wala parin sya dun.

Asan ba sya pumunta?


Narinig ko na biglang sumarado ang pintuan ng aking condo kaya naman tiningnan ko ito at laking tuwa ko na si Shane lang pala ang dahilan kung bakit sumara ang pintuan.

"Asan ka galing?" Tanong ko kay Shane.

"D-dad called." A-ano? Tumawag ang daddy nya? Yari na naman sya nito! "P-pinapauwi nya na a-ako." Utal na sabi ni Shane sa alin hsbang kinukuha ang kanyang mga gamit na nakalapag sa sofa.

"Bakit naman daw?" 'Wag nyong bigyan ng meaning ang pagiging concern ko kay Shane ha?  As a friend, and her ex, nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"N-nakita na daw ng mga pulis si D-Derick." Si Derick, sya ang matalik na kaibigan ni Shane at ang may kagagawan kung bakit ganito ang pinagdadaanan ngayon ni Shane.

"O-ok, ingat." Sabi ko nalang kay Shane then hinayaan ko nalang syang makaalis kasama ng mga bodyguards nya na nasa labas ng condominoum ko.

LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now