Risk #4

44 5 0
                                    


***Risk Jay Reyes***

"Kuya Pogi! Laro tayo! " Pagyayaya sa akin ng seven years old na pinsan ko.

Nandito kasi kami sa bahay nila Brandon. Meron kasi kaming family gathering at dito naisipan ng mga magulang namin ganapin sa bahay nila Brandon.

"Wala akong gana Brix, " Pagtatanggi ko sa alok ng pinsan ko na maglaro.

"Sige na kuya pogi! " Pagpipilit pa rin ng pinsan ko. Napakunot nalang ang aking kilay dahil sa pagka-irita. Nasa bad mood na nga ako ngayon dahil kay Jennica, dadagdagan pa ng pinsan ko?

"Ayoko nga Brix, doon ka nalang muna sa iba nating pinsan. "

"Ayaw din kasi nilang makipag-laro kuya pogi! " Hayyst. Napatayo nalang ako mula sa pagkaka-upo at humarap sa aking pinsan.

"Ayoko nga sabing makipag-laro sa'yo! Doon ka nalang nga sabi makipag-laro sa iba nating pinsan! " Sigaw ko sa aking pinsan na dahilan ng pagtulo ng mga luha sa kanyang mukha at dahilan ng pagtingin sa amin ng iba naming kamag-anak.

Lumapit si Tita Sylvia kay Brix at kinarga ang kanyang anak na umiiyak habang tinitingnan ako ng masama at umalis.

Nilapitan din ako ng mama ko ng may pag-alala sa mukha.

"Anak, bakit mo sinigawan si Brix? Bata 'yun kaya bakit mo sinigawan? " Tanong sa akin ng mama ko.

"Niyayaya nya kasi akong makipag-laro sa akin, pero ayoko. Pero sya naman, pinipilit ako kahit na ayoko, kaya 'yun. " Pagpapaliwanag ko sa mama ko habang nakakunot pa rin ang aking noo.

Napansin kong lumapit rin sa amin ang lima kong pinsan at pinakinggan ang pinag-uusapan namin ng mama ko.

"Kahit na! Kahit na sya ang may kasalanan, dapat hindi mo pa rin sya sinigawan! " Napa-hinga nalang ng malalim ang mama ko bago ako kinausap ulit. "Hindi ka naman ganyan anak, may problema ka ba? " Napa-upo ulit ako sa inuupuan ko kanina at napatingala habang nakapikit.

"Si Jennica ba 'yan pare? " Tanong sa akin ni Tyler ng seryoso.

Napaharap ako kay Tyler nung tinanong nya sa akin 'yun at kinunutan sya ng noo.

"Ayoko munang marinig ang pangalan nya, " Sabi ko kay Tyler.

"Sabi ko na nga ba eh!" Sabi ni Tyler ng seryoso pa rin.

"Ano bang nangyare pare?" Tanong rin sa akin ni Dren.

"Oo nga, ano bang nangyare?" Tyler.

Hayysst! Ayoko munang isipin si Jennica ngayon. Lalo na at, mukhang palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong maramdaman 'yun dahil alam kong wala akong pag-asa sa kanya.

Malayo kami sa isa't isa. Hindi namin kilala ang isa't isa. Hindi pa namin nakikita ang isa't isa.

Pero si Fhord, pwede nyang puntahan si Jennica any time. Pwede nyang kilalanin si Jennica anytime. Pwede nyang makita si Jennica anytime.

Eh ako? Hanggang text at tawag nalang sa kanya. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya.

Pero ang daya eh, ako lang ang nakakaramdam ng ganito sa aming dalawa ni Jennica. Pero sabagay, nakita ko na sya kahit saglit lang, pero ako, nakita nya na nga pero sa picture nga lang. Pero wala talagang pag-asa eh, may gusto na nga sya diba?

"Teka, teka, sino ba si Jennica na 'yan? Girlfriend mo anak? " Tanong sa akin ng mama ko.

Sana nga mama girlfriend ko sya, pero mukhang malabo yatang mangyayare 'yan eh.

"Hindi po tita, ka-text mate lang po 'yun ni insan na hindi nya pa nakikita. " Pagpapaliwanag ni Kyle kay mama.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kyle kay mama. Right, ka-text mate ko lang sya na hindi ko pa nakikita, pero mahal ko.

"Ha? Ka-text mate mo anak pero hindi mo pa nakikita? " Tanong ng mama ko sa akin ng may pag-tataka. "Paano nangyare 'yun anak? " Hindi ako nakasagot sa tanong ng mama ko. Hinayaan ko nalang na ang mga pinsan ko ang magpaliwanag.

"Nangyare po 'yun tita nung nadampot ni insan ang calling card ni Jennica. " Pagpapaliwanag ni Brandon.

"Calling card? " Nagtatakang tanong ni mama.

"Opo tita, calling card. " Si Brandon.

Napa-buntong hininga rin si mama at hinawakan ang balikat ko na naging dahilan ng pag-harap ko sa mama ko mula sa pag-tingin da malayo.

"Anak, gusto mo na ba ang Jennica na 'yun kaya ka nagkaka-ganyan? " Ako naman ang napa-buntong hininga sa tanong ng mama ko sa akin. Ba't parang manghuhula si mama sa part na yun? Sigh.

Hindi lang gusto mama, mahal. Mahal ko na si Jennica. Pero hindi ko rin kasi pwedeng sabihin sa'yo mama na mahal ko na sya dahil ang weird lang isipin na, minahal ko ang taong hindi ko pa nakikita.

Tumango nalang ako sa tanong ni mama at yumuko. Hindi ko na kaya 'to. Ayoko ng ganitong feeling! Nababaliw na talaga ako kay Jennica!

"Anak, tutal, hindi mo pa naman sya mahal, kalimutan mo na sya ngayon palang at putulin mo na ang koneksyon mo sa kanya. 'Wag mo nang ipaabot sa sitwasyon na mahal mo na talaga sya, dahil ikaw at ikaw lang din ang masasaktan. " Sabi ng mama ko sa akin.

Mama, huli na ang lahat eh, mahal ko na sya. Sana nga, nagawa ko 'yan bago ko sya minahal, pero ang hirap nyang gawin eh.

Mas lalong mahirap para sa akin ang putulin ang koneksyon naming dalawa lalo na at malalim na ang nararamdaman ko sa kanya at nababaliw na rin ako dahil sa tuwing nag-uusap kami, pinaparamdam nya sa akin na wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Dahil may mahal na syang iba.

"It's up to you anak, " Sabi ng mama ko sa akin bago sya umalis sa kinaroroonan namin.

Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon? Na 'yung tipong nagmamahal ka sa isang stranger? Nagmamahal ka sa taong hindi mo kilala?

Hindi ko ba alam kung bakit ngayon ko lang naisip ito? Na, dapat, hinayaan ko nalang sana ang calling card ni Jennica na nahulog. Hindi na sana ako problemado ngayon.

Pero wala eh, huli na ang lahat. Nagyare na ang nangyare at hindi na ito pwedeng ibalik.

"Pre, ok ka lang? " Tanong sa akin ni Andrew then tinapik ang aking balikat ng marahan.

Tumango lang ako sa tanong ni Andrew sa akin at napa-buntong hininga.

"Sure ka pare? Gusto mo, bar tayo ngayon? " Tumango lang ulit ako sa tanong ni Andrew sa akin.

Kahit ngayong araw, gusto ko muna sang hindi isipin si Jennica. Gusto ko munang kalimutan sya kahit na ngayong araw man lang. Sawa na akong masaktan kakaisip lang sa kanya eh.

Sawa na akong umasa sa taong hindi ko dapat mahalin at hindi ko dapat minahal.



******

Sad! Tama si Risk, nakakasawa ring umasa sa taong hindi mo dapat mahalin. Oh! 'Wag kayo! Hugot 'yun! Haha!

Sana nagustuhan nyo ang chapter na ito! At kung nagustuhan nyo man, please vote and leave a comment, too.

Thank you!!

Saranghae! ❤


LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now