Risk #10

35 7 0
                                    

***Risk Jay Reyes***

Matapos kong pakinggan ang pinag-usapan ni Jennica at ni Chase, bumalik ako sa pwesto ko kanina pero this time, sa sahig nalang ako pumwesto. Umupo muna ako saglit sa sahig habang ang ulo ko ay nakasandig sa dalawa kong tuhod at hindi ko namalayang unti-unti nang bumabagsak ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.

"P*tangina naman oh!!" Sigaw ko sa hangin habang nakatingala sa hangin.

P*cha! Ang bakla ko! Ngayon lang ako umiyak dahil sa isang babae! Sa babae na hindi naman ako mahal! Dahil ang mahal nya ay ang 'Bestfriendko! Ang bestfriend ko na mahal rin sya!

T*ngina!

"Ayoko na!" Sigaw ko ulit sa hangin at biglang napahiga sa sahig at napapikit nalang habang patuloy na dumadaloy ang aking mga luha sa aking pisnge. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking mga bisig saka ko minulat ang aking mga mata at laking gulat ko dahil sa tao na nasa harapan ko kaya naman agad akong napa-upo mula sa pagkahiga. 'Si Jennica'

"A-anong.... Anong ginagawa mo d-dito? " Tanong ko kay Jennica habang pasimpleng pinupunasan ang aking mga luha.

"Eh ikaw,  ano rin ang ginagawa mo dito? At bakit ka umiiyak?" Malumanay na tanong sa akin ni Jennica at makikita mo sa kanyang itsura na concern sya.

'Umiiyak ako dahil sayo Jennica'

Gusto ko man 'yang sabihin Kay Jennica pero hindi pwede.  Dahil huli na para sabihin ko pa sa kanya ang dahilan ng mga luha ko. 

"U-uhm... Nagpapahangin lang.  Kaya s-siguro ako lumuluha d-dahil sa sikat ng araw.  T-tama,  dahil sa sikat ng araw,  n-nakakasilaw 'yun 'diba? Kaya naluha ako. " T*ngina, naman oh!  Bakit ka nauutal Risk?!  Ha?!  At sa harap pa talaga ni Jennica ikaw nautal!

"Ayy!  Oo nga noh?  Nakakasilaw talaga 'yan ang sikat ng araw. " Habang sinasabi 'yun ni Jennica ay dahan-dahan syang umupo sa tabi ko.  "Pa-upo ha? " Sh*t!  Nagdikit ang mga balat namin!  Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin!

"S-sige... " Utal pa rin na sabi ko.

Hindi ako makatingin kay Jennica kahit na gusto ko syang tingnan.  Ewan ko,  natatakot kasi ako na baka mahalata nya ang way ng pagtingin ko sa kanya.  I mean,  ang mahalata nya na may gusto ako sa kanya.  At baka masira lang ang friendship namin dahil doon.  OK lang kahit na hindi maging kami,  makasama at makita ko lang sya araw-araw,  kuntento na ako don.

Saglit kaming natahimik ni Jennica pero naputol din ito nung biglang tumunog ang shutter ng camera ng kanyang cellphone.

Sh*t!  Nagpi-picture pala sya?!  P*cha!  'Di ako ready!

"Smile Risk! " Masayang saad ni Jennica habang fino-form nya ang kanyang daliri in to peace sign. Kaya naman ngumiti nalang din ako na naging dahilan ng paglabas ng dimples ko.

*CLICK! *     -shutter ng camera ng cellphone 'yan.

"Isa pa Risk!" Sabi ni Jennica sala sya dumikit sa akin at Hinawakan ako sa balikat at nag-pout sya.

P*tangina!  Hindi ako makagalaw!  Sahalip na tumingin ako sa camera at ngumiti,  Kay Jennica ako nakatingin!

"Yey!  May picture na rin tayo together! " Masayang sigaw ni Jennica saka sya bumitaw sa aking balikat.  'No! '

LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now