Risk #8

57 6 0
                                    

***Risk Jay Reyes***

Nung medyo kumalma na si Jennica,  naisipan na muna naming maglibot sa mall pero sa kasamaang palad,  nagkaroon ng emergency sa bar nila Chase kaya pinuntahan nya ito.

(A/N: Remember po 'yung bar na pagmamay-ari ni Chase?  'Yung CK Bar?)

At bago ko lang napagtanto,  na kaming dalawa nalang pala ni Jennica ngayon ang magkasama!  Pucha naman oh!  Kung minamalas ka nga naman!  Wait,  swerte nga pala ako ngayon!  Maso-solo ko rin si Jennica sa wakas!

Naglakad-lakad lang muna kami ni Jennica dito sa loob ng mall dahil hindi pa namin alam kung saan ang una naming pupuntahan.

Pareho kaming tahimik ni Jennica,  walang kumikibo,  walang nagsasalita.  Tanging ang ingay lang ng mga tao na nasa loob ng mall ang naririnig namin.

Maya-maya lang,  naagaw ng aking tingin ang isang Anime store.  Na ngayon ko lang rin napagtanto,  naagaw rin nito ang atensyon ni Jennica.

Tumakbo papalapit si Jennica sa loob ng store ng hindi man lang ako nililingon at nilapitan ang anime stufftoy na si Happy.  Kilala nyo 'yun?  'Yung may pakpak na pusa sa Fairy Tail?  Kung hindi,  search nyo nalang.

Sinundan ko nalang si Jennica sa loob ng store at pinagmasdan lang sya habang pinaglalaruan nya ang stufftoy na nakita nya.

Habang pinagmamasdan ko sya,  kitang-kita ko talaga sa kanyang mukha na gustong-gusto nya ang stufftoy na 'yun.

Napansin kong tiningnan nya ang price nito at biglang lumungkot ang kanyang mukha kaya binaba nya nalang ang stufftoy.

"Halika na Risk." Medyo malungkot na sabi sa akin ni Jennica then tinungo ang pintuan palabas ng store.

Bago ako sumunod kay Jennica palabas ng store,  nilapitan ko muna ang stufftoy na hawak nya kanina at tiningnan ang price nito.

5,000.

Kaya naman pala hindi nya binili!  Ang mahal kasi ng stufftoy eh!  Well,  malaki kasi ang stufftoy na 'yun eh,  kalahati ng laki ng tao ang laki nya.

Tiningnan ko kung may laman pa ang wallet ko at sakto,  may laman itong 7, 000! Alam kong pang-allowance ko pa 'to, pero kung alam kong ang stufftoy na 'yun ay nakakapagpasaya sa taong gusto ko,  handa akong magtiis para lang kay Jennica.

Alam kong korny pero kasi,  kaming mga inlove,  handang gawin ang lahat para lang mapasaya ang taong gusto namin.

Binayaran ko muna sa cashier ang stufftoy na gusto ni Jennica saka ko sya sinundan  sa labas ng store at binigay ang stufftoy.

"Hindi ko alam na otaku ka rin pala?  Oh,  sa'yo na 'to,  binili ko nalang 'to kasi alam kong gusto mo. " Sabi ko kay Jennica ng may ngiti sa mukha.

Napatingin sa akin si Jennica at biglang lumipat ang kanyang paningin sa stufftoy na hawak ko kaya kinuha nya ito kaagad sa akin at niyakap.

"Waah!  Thankyou Risk!  Thank you talaga!" Masayang saad ni Jennica habang niyayakap ang stufftoy. Pwede bang ako nalang ang yakapin mo?

"Risky ang ipangalan mo dyan ha? " Sabi ko kay Jennica.

"Huh?  Eh may pangalan na kasi ito kaagad eh!  Si Happy..." Jennica.

"Basta!  Risky ang ipangalan mo dyan. " Napatingin si Jennica sa stuff toy at kinausap ito.

"Sorry Happy ha?  Risky muna ang name mo ngayon. " Pagkakausap ni Jennica sa stuff toy.  Cute.

Naisipan na nga pala naming umuwi ni Jennica.  At kung sine-swerte ka nga naman oo!  Hinatid ko sya sa bahay nila!  Na-solo ko na nga sya,  nahatid ko pa sya sa bahay nila! 2 points ako dun!

"Uhm,  thank you nga pala sa paghatid Risk,  at dito rin sa stuff toy. " Sabi ni Jennica bago nya binuksan ang pintuan ng kotse ko.  "Thank you rin dahil nag-meet na tayo,  next time ulit!  Bye! " Pagkasabi nun ni Jennica ay bumaba na sya ng kotse ko at pumasok kaagad sa kanilang bahay.

Hindi mawala-wala sa mukha ko ang saya habang nagda-drive patungo sa aking condo hanggang sa makarating ako.

Pucha!  Ang saya-saya ko!  Ang saya-saya ko dahil nagkita na nga kami ni Jennica,  na-solo ko pa sya at nahatid sa kanilang bahay!  Tangina!  Kahit na maliit na bagay lang 'yun,  para sa akin,  mahalaga 'yun!  Si Jennica na ang pinag-uusapan eh.

Pero tangina lang talaga kasi!  Hindi pa rin matanggap ng sarili ko na ang babaeng gusto ko ay gusto rin ng bestfriend ko. Pucha.  Ayoko na.

Naligo muna ako saka ko maisipang magluto ng noodles para may makakain rin naman ako. 

Maya-maya lang,  biglang may nag-door bell kaya naman ay tiningnan ko muna kung sino ang nag-door bell.

"Risk..." Si Shane lang pala.  Pinapasok ko muna si Shane saka ko sya pinaupo sa sofa at tinanong.

"Ok ka lang ba? " Tumango lang si Shane sa akin habang hinihimas ang kanyang tiyan,  na may Baby na ngayon.  Napatingin ako sa tiyan nya na kanyang hinihimas-himas at tinanong ko sya ulit.  "Gaano kana raw katagal na buntis? "

"O-one month and t-two weeks na d-daw. " Matapos sagutin ni Shane ang tanong ko ay bigla syang yumuko at kumawala ang kanyang maliliit na hikbi.  "H-hindi pa a-ako handa R-risk, *huk* Hindi pa ako handa para maging ina!  I-I'm not ready for t-this!  Lalo na at tinakasan ako n-ng magiging a-ama ng magiging b-baby ko. " Humarap si  Shane sa akin at kumawala ng malalakas na hikbi.  "I'm not ready to be a mother Risk! I have a dream that I want to come true!  But it's ruined now!  And I hate it! " Niyakap ko nalang si Shane para naman ay kumalma sya.

Naiinis ako minsan kay Shane dahil habol sya ng habol sa sa'kin.  Pero sa pagkakataong ito,  kailangan mong maawa sa kanya dahil pangarap nya ang nakasalalay dito.  At ang pangalan ng kanyang Mayor na ama.

Tarantado kasi ang kaibigan ni Shane na 'yun eh!  Paano nya nagawa kay Shane ang rape-in sya?  Kaibigan nya 'yun!  Kaibigan nya!  Siraulo lang talaga ang makakayang rape-in ang sariling kaibigan nya.

Iniwan ko muna saglit sa sala si Shane dahil naalala ko na may niluluto pala akong noodles.  Putangina!  Muntik ko na talagang makalimutan na may niluluto ako.

Inahon ko na ito saka ako naglagay sa dalawang maliit na bowl.  Dinalawa ko na,  baka kasi hindi pa nakakain si Shane.  Kawawa naman sya,  at ang batang nasa sinapupunan nya.

"Shane oh, baka di ka pa nakakakain." Pag-aalok ko kay Shane na kumain mg noodles at mabuti ay tinanggap nya ito.

Tahimik kaming kumain ni Shane.  Tanging amg kaonteng ingay lang ng T. V.  ang aming naririnig.  At maya-maya lang ay biglang nagsalita si Shane.

"Hindi naman talaga kita gusto Risk eh... " Huh?  H-hindi nya ako gusto?  Eh paano ang panghahabol nya sa akin?

"What do you mean na hindi mo ako gusto? "

"It's just that..."

******

Oopps! Pabitin muna tayo guys! Haha! Sorry nga pala sa late update! Kaka-exam lang Kasi namin eh! Pasensya na! Hope you like this chapter! Thank you!

Mhuah! 💋😘



LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now