Risk #6

35 6 0
                                    

***Risk Jay Reyes***

"Talaga pare?! " Tanong sa akin ni Tyler ng may gulat ang mukha at excitement.

"Eh,  kelan daw kayo magkikita? " Tanong rin sa akin ni Kyle then pinatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang nakatalikod na upuan.  Na-imagine nyo?

"Bukas nga! " Sagot ko sa tanong ni Kyle.

Nandito nga pala ang kambal sa condo ko.  Wala ang tatlo,  sinama kasi sila ng mga parents nila sa Manila para sa isang business meeting.

Nandito nga pala kami ngayon sa dining area,  umiinom ng alak.  Hindi kasi talaga mawawala sa kambal ang pag-inom ng alak eh.

"So ano pare,  anong gagawin mo?  'Diba ang sabi mo,  kasama nya rin ang Fhord na 'yun? " Shit!  'Yun talaga ang problema ko eh!  Hindi ako problemado dahil sa makikita ko na si Jennica.  Problemado ako dahil makikita ko rin bukas ang taong gusto ni Jennica.

Tumayo si Tyler mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin then inakbayan ako.

"Alam mo pare,  ganito lang 'yan.  Kapag nakita mo ang Fhord na 'yun bukas,  sapakin mo!  Para hindi nya na lapitan si Jennica mo hahaha. " Gago rin 'tong si Tyler eh. Kung sasapakin ko ang tanginang Fhord na 'yun,  ako ang lalayuan ni Jennica   Sira-ulo talaga itong si Tyler.

"Oo nga!  Itapon mo rin sa gitna ng karagatan para hindi nya na talaga malapitan si Jennica. " Isa pa 'tong si Kyle!  Mga bobo ba 'to?  Sahalip na tulungan ako, mga kalokohan ang sinasabi sa akin.

Tumayo ako at sinapak pareho ang kambal. Mga gago eh. Gusto yata nilang hindi ako pansinin ni Jennica.

"Tangina nyo. Lumayas nalang nga kayo dito sa condo ko!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at ininom ang alak ko.

"Basta pre, sapakin mo nalang ang Fhord na 'yun," Sabi ni Kyle sa akin habang tumatayo mula sa pagkakaupo.

"Oo nga!" Pagsa-sang-ayon din sa kanya ng kanyang kambal.

"Mga gago! Lumayas nalang nga kayo dito!" Sigaw ko sa kanila pareho. Imbes na matakot sila pareho sa akin, tinawanan lang nila ako. Mga gago talaga!

Pumunta muna ako sa kwarto ko para mag-review sana dahil may exam kami next week pero kahit na anong reveiw ko,  wala paring pumapasok sa utak ko dahil lumilipad ang isip ko kay Jennica.

Jennica,  ano ba talaga ang ginawa mo sa akin?!  Kahit alam ko nang may gusto ka nang iba,  hindi ko paring maiwasang mahalin ka.

I don't know!  It's just that,  parang may kaonteng pag-asa pa kasi akong nararamdaman eh.  Not now,  not tomorrow,  but maybe,  if I wait,  mangyayare ang pag-asa na 'yun someday.

Habang iniisip si Jennica,  biglang may nag-doorbell.  Tangina!  Ang kambal siguro 'yun. Pinaalis ko na nga sila tapos babalik ulit sila? 

Pumunta nalang ako sa sala para pag-buksan ng pintuan ang kambal.

"Hindi ba't sinabi kong-" Natahimik ako nung makita ko si Shane sa pintuan,  na umiiyak.

"R-risk! " Pagkasabi nun ni Shane ay niyakap nya ako at humagulgol.  "Alam na ni Daddy ang nangyare sa akin sa Tagaytay!" Putangina!

LAFT 1: Love At First Text [Book 1]Where stories live. Discover now