Marahang sinusuklay ng isang babae ang mahaba at alon alon nitong buhok na lagpas bewang gamit ang mahaba at mapuputi nitong mga daliri habang nakatunghay mula sa itaas na bahagi ng kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang puro lalaking mamamayan na may kanya kanyang ginagawa. Hindi niya mapigilang mapangiti.
Pagkatapos ay sumenyas siya sa isang alipin na lumapit sa kanya.
Agad naman itong lumapit at yumukod.
Humarap ang babae dito ng may matipid na ngiti sa labi.
Agaw pansin ang ganda nito. Maputi na pawang nyebe ang balat nito, matangos ang ilong na may magandang hugis, mapupulang labi na medyo pouty at may mapungay na mga mata, mga pilikmatang malalantik at hugis pusong mukha na kahit sinong makakakita sa kanya ay paniguradong mahuhumaling talaga.
Ngumiti siya ng mahinhin.
Hinawakan niya ang alipin at mapang-akit na hinaplos ang mukha nito.
May ibinulong siya rito.
Tumango naman ang tagasunod.
Mababanaag sa mukha ni Aphrodite ang kasiyahan.
"Masusunod mahal na Aphrodite." saad ng lalaki sabay yuko.
Malamlam ang mga mata nito na parang walang kaluluwa.Bumaba ang kamay ni Aphrodite sa punong baba ng lalaki at bahagyang iniangat at mabilis na hinalikan ang pisngi nito.
"Salamat mahal ko." bulong niya sa tenga ng alipin..
Ngumiti naman ang lalaki ng hindi aabot sa mata wala ring mababakas na emosyon ang makikita rito. Marahang napatalikod at bahagyang yumukod ang alipin upang magbigay galang bago tuluyang umalis.
Napatawa naman ng parang bruha ang tinawag ng alipin na si Aphrodite.
Napapahumm ito habang marahang lumalapit sa salamin at tinitigan ang sariling repleksyon. Sinipat sipat ang sariling mukha maging ang katawan na marahan pang inilislis ang suot na night gown sa bandang hita at tumingin ng nakakaakit sa harap ng salamin.
Her intoxicating appeal surely enticing.
"Hmm... napakaganda mo talaga Aphrodite wala nang hihigit pa sa'yo. You're the greatest! You have that hypnotizing sex appeal that no one ever can resist.." papuri nito sa sarili. Kinagat nito ang sariling labi.
Habang mariing iniikot ikot ang ilang hibla ng buhok sa hintuturong daliri nito.
"Bwahahahahahaha..." halakhak pa nito na pumaibabaw sa buong lugar.
Samantala...
"A-Ano iyon?" bulalas na tanong ni Avi.
Nasa may gubat sila naglalakad.
Natutop niya ang bibig nang mapagtanto kung ano iyon.
Witch?
Napakunot noo naman si Gin.
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya kay Avi.
Nagtatakang napatingin si Avi sa kanya at biglang nahintakutan.
"H-hindi mo narinig?"
Napakibit balikat naman si Gin saka pinunasan ang lens ng kanyang suot na sunglasses dahil namamawis na rin siya.
"Guni guni ko lang siguro.." bulong ni Avi sa sarili.
AWOOOOO AWOOOOO
Napatalon sa gulat si Avi at
namumutlang napakapit sa braso ni Gin.May takot kasi si Avi sa mga aso basta kahit anong lahi ng aso.
Siguro'y isa yung wolf na umalulong.
BINABASA MO ANG
THE SORCERER'S (PLEASE DON'T READ_UNDEREDITING)
AdventureSorcerers sila yung mga taong may natatanging kapangyarihan. Mga kakayahang iba-iba ang antas at pinagmulan pero iisa ang hangarin. Ang mas lumakas. Sa paghahanap ni Avi ng apartment ay may makikilala siya. Para sa kanya ay nakakainis ang lalaki (G...