Chapter 2: Bati na?

39 5 0
                                    


Napapangiwi nalang si Avi habang matamang nakatingin sa lalaking kaharap na sobrang kalat kumain walang iba kundi si Gin.

"Maghinay hinay ka nga hindi ka naman mauubusan. Nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Simpleng sita niya dito.

Sumimsim siya sa tasa na may lamang kape.

"Awam mwo hindi ko mapwigyishan eh? Mwawang ethekit ethekit sha tsaong guthom!" Walang pakialam na sambit ni Gin.

(Alam mo hindi ko mapigilan eh? Walang etiquette etiquette sa taong gutom!)

Napailing nalang siya sa sinabi nito.

Halata ngang gutom na gutom ito.

"Hindi mo ba muna tatanggalin 'yan?" tukoy ni Avi sa shades at balabal ni Gin. Pangit kasing tignan.

Umiling lang ito. Wala na siyang nagawa.

"Hindyi kwa ba ksakyain?"

(Hindi ka ba kakain?)

"Busog ako, sige lang."

Hindi na siya nito kinulit at nagpatuloy nalang ito sa pagkain.

"Hayy salamat sa libre nabusog ako." Sapo ni Gin ang tiyan at pagkatapos dumighay siya ng malakas.

Hindi nalang umimik si Avi at dali dali na niyang hinatak paalis si Gin. Wala kasi siyang pambayad kaya tatakasan nalang nila ito. Mabilis silang nakalusot dahil abala ang may ari sa pakikipag usap sa ibang costumer.

Kunot noong tiningnan siya ni Gin. "Ayos. May pakonsensya konsensya ka pang sinasabi kanina huh.."

Napapahiya siyang tumingin pabalik kay Gin.

"Babayaran ko nalang pag nakahanap na tayo ng pera sa ngayon kasi tuyot na tuyot ako."

"You're a bad influence." Iiling iling nitong sambit.

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi nito. Lakas kasing makaguilty.

****

"Kreeek!" tunog ng pagbukas ng pinto.

~COUGH-COUGH!!~

(SORRY DI KASI AKO MASYADONG MARUNONG SA MGA SOUND EFFECT.)

Napaubo si Avi ng mahina dala ng alikabok na pumasok sa kanyang ilong. Bumungad sa kanila ang napaka-kalat na bahay. Mula sala hanggang kusina. Pano niya nalaman? Diretso kasi ang style ng bahay ni Gin, kumbaga kita lahat pero parang may kulang...

Wala iyong kwarto at... banyo

"Dito ako tumutuloy pansamantagal, pasok." yaya nito.

"ikaw lang ang nakatira dito?!" Tanong ni Avi.

"Hmm." sagot nito habang tuma-tango.

"Anong hmm?! " naguguluhang tanong ni Avi.

"OO"

Napatango-tango siya kaya pala napangiwi nalang siya.

"Hindi ka manlang naglilinis?" kastigo niya.

Tamad lang itong tumingin sa kanya saka napatawa ng alanganin.

"ako lang naman nakatira dito." Napansin niyang medyo lumamlam ang mga mata nito. "Wala namang mag- e-evaluate ng bahay ko." nakasimangot nitong pakli.

"Kahit na, no." bulong niya.

Napakibit-balikat lang ito.

"Grabe, ang mga lalaki nga naman talaga!" Ang napapasukong sambit niya nalang. "Halatang ikaw lang mag-isa uh,"

THE SORCERER'S (PLEASE DON'T READ_UNDEREDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon