Sa isang malayong lugar. Nakadungaw sa bangin ang isang babaeng may katabaan ang pangangatawan. Maigsi ang malaalambreng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Hindi pantay ang mga mata, medyo maliit ang isa at ang kabila ay namumukol naman ang talukap sa sobrang laki. Sungki sungki at naninilaw na mga ngiping nagtatagis. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa galit at mahigpit na pagpupuyos. Tila napatid ang isang hibla ng koneksyon sa kanyang puso. Hindi niya matukoy kung paano pero ang masisiguro niya'y humugot siya ng malalim na hininga...
"Pagbabayaran ng kung sinuman ang may sala. Isinusumpa ko, hinding hindi ko kayo titigilan!" Umalingawngaw ang malakas pero garalgal niyang boses sa buong tanglaw ng kabundukan.
Maingay na naglipana ang mga uwak sa paligid. Nagkulay abo ang mga damo sa kanyang kinatatayuan.
*****
Napalingon si Mars sa tumawag sa kanyang God's name.
Nagulat siya nang makita ang babaeng minsan nang nagpatibok sa kanyang puso. Pangungulila ang makikita sa mga mata ng dyosa ng kagandahan.
"A-Aphrodite..." napalunok si Mars at dahan dahang lumapit sa babae at niyakap ito ng mahigpit sa kanyang mga braso.
Napanganga si Avi maging si Gin ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari.
Nakangiti ang dalawa habang nagkakamustahan.
"T-Teka anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tumingin si Avi sa dalawa.
Naunang lumingon sa gawi niya si Mars.
Kita ni Mars ang pagtatanong sa mga mata ng kanyang summoner.
Ngumiti siya ng matipid.
"Siya ang planetary ruler, si Venus, alam kong may ideya na kayo kung ano siya. Pero hindi siya kasing sama ng iniisip niyo." Sinulyapan ni Mars si Aphrodite.
"Naging... espesyal siya sa aking puso. Hindi siya isang kalaban."
Napakurap si Avi. Hindi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan itong si Aphrodite pero kung totoo nga ang sinabi ni Mars, siguro naman ay pwede. Nakatingin lang sa gilid si Gin.
Dinala sila ni Aphrodite sa loob ng mansyon nito. Magara ang buong loob ng bahay. Mistulang nasa kaharian sila ng royal family.
Mas ikinagulat pa nila Gin nang makita nilang masayang kumakain sa hapag ang tatlo. Sina Saddam, Satur at Maryo.
Nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kanila.
"Nice to see you again, Abdol and Gin.. kamusta?"
Gulat ang rumehistro sa mukha ni Avi. Hindi siya nakadisguise bilang isang lalaki.
"Alam namin na ikaw si Abdol, amoy mo palang babaeng babae na." Matamis na ngiti ang iginawad ni Saddam sa kanya.
Napanganga siya.
Napag alaman nilang isang creation lang pala ni Aphrodite ang tatlo maging ang mga mamamayan. Ibig sabihin ginawa lang sila ni Aphrodite mula sa mahika nito para pasayahin ang sarili.
"Ibig sabihin alam niyo na? Kung ano anong pagdududa ang naisip namin, kaya pala ay dahil may koneksyon kayo sa babaeng 'yan." wika ni Gin, masamang tingin ang ipinukol ni Aphrodite kay Gin pero hindi iyon pinansin ng huli. "Oo nga. Akala namin nasa ilalim kayo ng mahika at ginawang alipin." segunda ni Avi. "Yun pala ay sa mismong mahika kayo ginawa."
Guilty na tumingin sa kanila ang tatlo.
"It's a PRANK." Sabay sabay na ani ng tatlo.
Pero maituturing na din sila bilang isang tao. Depende sa kung gaano kapolido ang pagkakagawa ni Aphrodite sa mga ito. May mula sa purong mahika, yung mga taong parang walang pakiramdam. May gawa sa abo ng hayop, yung mga pedeng i-train. May hinulma sa abo ng tao, sina Saddam, Maryo at Satur, kaya may mga pakiramdam sila ng gaya ng mga mortal.
BINABASA MO ANG
THE SORCERER'S (PLEASE DON'T READ_UNDEREDITING)
PertualanganSorcerers sila yung mga taong may natatanging kapangyarihan. Mga kakayahang iba-iba ang antas at pinagmulan pero iisa ang hangarin. Ang mas lumakas. Sa paghahanap ni Avi ng apartment ay may makikilala siya. Para sa kanya ay nakakainis ang lalaki (G...