WRITER'S NOTE HSHSHS..
Plagiarism is a crime, you may expect an appropriate punishment but it's not a crime if.. you follow the rules, that's basic right. Proper counseling yourself as you should.
Don't copy, it doesn't worth it.
This story is strongly based only as a fanfiction, fantasy, imagination and purely inspired by Fairy tail but as a Filipino version. All paranormal cases are not my idea, but, urban legends does. Eventually I did add some of my original side stories.
The Sorcerer's
Sa mundong ito may mga masasamang elemento. Mga nilalang na kasama ng tao na handang makapanakit. Iba ibang idolohiya. Normal na mayroong kasamaan sa mundo, halimbawa nalang sa mga fallen angels. Ansabi dati silang mga anghel na pinarusahan ng langit dahil nagkasala at nagrebelde. Mga dating mabubuti na naging masama. Para silang mga kulto na naghihintay na makabiktima at manghimok sa mga mahihinang nilalang. Pero may mga bantay na sugo ng langit na handang harangin at protektahan ang sangkatauhan. Hindi lahat ay biniyayaan ng kakayahan na maging sorserero't sorsera. Ngunit pambihira naman kapag napabilang ka sa lahi at samahan nila.
Ano pang hinihintay mo? Tayo na't sugpuin ang mga nagtatago sa dilim. Tulungan mo kaming subaybayan ang kwentong The Sorcerer's
Madilim ang paligid. Maririnig lamang ang alulong ng mga aso na bumubulabog sa katahimikan ng gabi. Palundag lundag ang isang anino sa ibabaw ng mga kabahayan. Mabalahibo. Amoy anghit at mapanghi. Mahaba ang dila na tila sinturon sa lapad, nakalawit. Aninag ang tumutulo na malapot at makintab na laway sa dilaw na buwan. Naninilaw ang mga matang nagpapaikot ikot sa mga nadadaanang bintana. Naghahanap ng mabibiktima. Kalmado namang nagpapalipat lipat ang isa pang anino na sumasaliw sa iindap indap na ilaw ng kalye. Sumusunod sa nilalang na mabantot ang awra. Napalingon ang mabahong nilalang sa gawi niya. Kaswal siyang napangisi nang mapansing naulinigan siya ng halimaw. Napapaangil ito nang makitang sinusundan ng isang pigura. Ikinampay nito ang tila isang malaking payong na pakpak.
"Kwak! Kwak!!" Malakas at pagalit nitong huni.
Mabilis itong humalo sa anino ng gabi.
Lihim na napangisi ang lalaking humahabol dito.
"Akala siguro ng hayop ay matataguan niya ako?" nakakakilabot na ngisi ang gumuhit sa labi ng misteryosong lalaki. Isinasayaw ng hangin ang buhok nito na may kakaibang kulay.
Sa di kalayuan ay may nakita siyang anino na tumatakbo palabas ng baryo.
Mabilis siyang tumakbo pasunod sa aninong kanyang nakita. Pumasok ito sa kakahuyan.
Nadatnan niya itong maingat na lumundag sa lupa, palinga-linga. May apat pa na kabahayan doon at alam niyang magkakamag anak ang nakatira doon.
Umakyat siya sa isang malaking puno at doon na muna nagtago para magmatyag.
Maya maya lang ay ibinuka nito ang pakpak at lumipad patungo sa bubungan. Kasunod nun ay nakarinig s'ya ng mahinang huni nito na parang ibinubulong nalang sa hangin.
Sa tingin niya ay may nanganganak sa loob ng bahay na iyon. Naamoy siguro ng wakwak kaya nagmadaling pumarito.
Sa loob naman ng bahay kung saan may nag-li-labor na isang babae.
BINABASA MO ANG
THE SORCERER'S (PLEASE DON'T READ_UNDEREDITING)
AventureSorcerers sila yung mga taong may natatanging kapangyarihan. Mga kakayahang iba-iba ang antas at pinagmulan pero iisa ang hangarin. Ang mas lumakas. Sa paghahanap ni Avi ng apartment ay may makikilala siya. Para sa kanya ay nakakainis ang lalaki (G...