Chapter 6: Habol

16 4 0
                                    


Makailang ulit niya pa itong iwinagayway sa ere ngunit wala talagang nangyayari. Napabuga nalang siya at isiniksik ito sa kanyang bulsa. Hindi ito gumana sa kanya. Marami sana siyang ipagagawa kay Mars.

~*~

Nagising si Avi sa ibabaw ng malambot na kama. Napapikit pa siya at iniharang ang braso upang takpan ang kanyang nasisilaw na paningin. Unti unti niyang iniadjust ang mga mata mula sa sinag ng araw na tumatagos sa isang bukas na bintana.

Napatanga siya nang mabungaran ang isang magandang silid na napapalibutan ng maraming salamin. Lahat ng klase ng salamin ay nandodoon na yata. May life size mirror, vanity mirror, may kasya lang sa mukha, mga parisukat, parihaba at kung ano ano pang sukat ng salamin ay meron.

Higit sa lahat ay ang umagaw sa kanyang atensyon ang isang malaking rebulto ng babae na walang saplot na kahit ano. Alam niyang hindi niya dapat iyon bigyan ng malisya pero hindi niya mapigilang mamula. Naghuhumindig kasi ang suso ng babae at ang ibabang parte nito ay detalyadong detalyado. Iniiwas nalang niya ang paningin at marahang naglakad sa may bintana. Sumilip siya sa siwang nito.

Nagulat siya nang nasa itaas siyang bahagi na tila isang tore dahil mga puno at malawak na lupain lamang ang kanyang nakikita. Sinipat niya ang buong lugar nagbabakasakaling may hagdan ito pababa o di kaya ay secret door para labasan ngunit nagkamali siya.

Napaisip siya.
Maliban sa biglang sulpot ni Aphrodite sa kanyang likuran ay wala na siyang ibang matandaan. Papaanong napunta siya rito? Napahawak siya sa kanyang ulo.

Kinapa niya ang bulsa at hinugot doon ang kanyang susi. Wala doon ang susi ni Mars. Hinalungkat niya pa ang sisidlan ngunit ang planetary keys lang ng Moon ang nandun... Baka nahulog niya ito sa kung saan. Hindi iyon pwedeng mawala.

Wala siyang mapagpipilian kundi ang magkawang gawa at makaisip ng gagawin upang makatakas sa kinalalagyan niya. Nagpalinga linga siya sa paligid.

Kinabahan siya at mahinang napausal na lamang sa pangalan ni Gin.

Kinuha niya ang susi ng plantery ruler na si Moon. Inilabas niya sa bulsa ang phone at tiningnan ang info.. about dito.

The Moon and the lunar cycle are associated with the emotions, madness (lunacy), subconscious and dreams, fertility (especially female one), blood, illusions, transformation, intuition and repeating cycles. In short the power of Moon is to manipulate.

Napatitig siya sa hawak. Hindi niya pa ito nasusubukan gamitin. Pero base na rin sa mga nakalap niya tungkol dito, ay sa humanoid lang ito gumagana. Napailing siya at ibinalik iyon sa pouch. Ibinulsa ang phone. Wala siyang aasahan ngayon kundi ang tumalon sa tore na ito nang hindi siya nahahati sa dalawa. Dahil maraming vines na matutulis sa ibaba siguradong shredded pieces ang abot niya pag namali siya ng desisyon.

Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Napangiti siya nang may makita siyang mahahabang kurtina. Nilapitan niya ito at hinablot. Napatingin siya sa bedsheet maging ang comforter basta lahat ng pwedeng magamit kinuha na niya. Pinagdugtong dugtong niya ang mga ito upang gawing tali. Naalala niya kasi ang ginawa ni Rapunzel sa Tangled para makababa sa tore na pinagkulungan sa kanya ng madrasta. Yun lang ay buhok nito ang ginamit.

Tinantya ni Avi kung gaano kahaba ang kakailanganin para sumakto sa lupa.

Napangiti siya nang sa wakas ay natapos siya sa ginagawa.

This is her only chance.

Hinila niya iyon.

Dumungaw siya sa bintana nang masigurong okay ay kinuha niya ang pinagbuhol buhol na tela at iniladlad iyon pababa sa labas ng bintana. Itinali niya ang dulo nito sa kongkretong poste. Siniguro niya iyong mahigpit at matibay na kakayanin ang bigat niya. Tiningnan niya muna kung may tao sa baba nang masigurong wala ay sumampa siya sa pasimano ng bintana. Panandalian pa ngang nanginig ang kanyang mga tuhod sapagkat nalulula siya. Pikit matang hinawakan niya ng mahigpit ang tela. Dahan dahan niyang inihakbang ang mga paa. Kada hakbang at pagdausdos ay ipinupulupot niya ng maayos sa kanyang paa ang tela upang hindi siya magtuloy tuloy pababa.

THE SORCERER'S (PLEASE DON'T READ_UNDEREDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon