BOLADCT-7

4.8K 131 3
                                    

BOLADCT-7

Marinel

HABANG nasa biyahe kami ay wala akong imik, kahit na si Caldwill ay wala ring kibo. Napatanaw ako sa labas ng bintana. Isinandal ko ang siko ko rito at tensyunadong napakagat sa aking hintuturo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak. Naiiyak ako sa sobrang pagkamuhi ko kay Moana. Sinira niya ang buhay ko. Kung hindi nangyari 'yon,

marahil ay masaya sana ang anak ko ngayon. Masaya sana kami ngayon. Pinahiran ko ang pisngi ko. Caldwill is with her! And that thing makes me angry much more! Oo! Wala siyang alam pero base sa galit ni Moana sa akin ay mukhang matagal niya ring nakasama si Caldwill.

"Nel," anito.

"Manahimik ka!" mariing singhal ko.

"Look Marinel, wala akong alam." Inihinto naman niya ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Sa bahay kung saan punong-puno ako ng alaala na kasama siya.

"Marinel," utas niya at napahawak sa aking kamay. Binawi ko ito at bumaba ng kanyang kotse.

"Good evening ma'am Marinel," salubong sa akin ni Ivan. Hindi ako kumibo at diretso akong pumasok sa loob.

"Marinel, talk to me!"

Hinarap ko siya at isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"What was that for?" gulat niyang tanong.

"Para 'yan sa pakikipaglandian mo kay Moana! Letse ka!" Tinalikuran ko siya at padabog na umakyat ng hagdan.

"Marinel I have my reason why I did that," paliwanag niya.

"For how long?" Nagsalubong naman ang dalawang kilay nito. God! Clayd are also doing that habit.

"We're seeing each other for almost two years?" alanganin niya pang sagot. Sa galit ko'y hinubad ko ang mga sapatos ko at ibinato sa kanya.

"Aw! Marinel! Are you crazy!" Tumama 'yong isang sapatos ko sa binti niya.

"Crazy mo mukha mo!" Iniangat ko ang gown ko para 'di ko ito maapakan. Muli akong humakbang paakyat ng hagdan. Sumunod naman si Caldwill sa akin.

"Marinel, please! May rason ako kung bakit ko kailangang gawin iyon."

"Manahimik ka! Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam kung ano ang ginawa niya sa kapatid mo!" singhal ko.

"Alam ko," aniya. Mas lalong uminit ang ulo.

"Puwes maghiwalay na tayo!" Hindi ako seryoso sa sinabi kong iyon.

"What!? No way! Come on Marinel! I have my own reason why I did that. Please hear me out first."

"Ewan ko sa iyo! I better marry Clayd!" Doon niya na ako hinila sa aking baywang at pinaharap sa kanya.

"Fuck that guy of yours! I will never let him take you away from me!" Tinaasan ko lamang siya ng kilay at sa totoo lang ay gusto ko na ang matawa.

"Bitiwan mo ako!" Itinulak ko siya at tinungo ang dati kong kuwarto.

Nang buksan ko ito at makita kung ano ang itsura ng aking silid ay parang tinutusok ako ng aking kunsensiya. It was a nursery room. It's a unisex nursery room dahil sa puro kulay puti na bagay ang nakikita ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging emosyonal.

"Kuwarto sana ito ng magiging anak natin," wika ni Caldwill sa aking likuran.

"Sorry if I removed your stuffs in here. Inilipat ko lang sa kuwarto ko." Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang teady bear na nakalapag sa crib. Clayd would love this. Pinunasan ko ang mga luha ko pero ayaw talaga tumigil ng aking mga mata. Napaiyak ako lalo at niyakap ang hawak ko.

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon