BOLADCT-3

4.7K 135 0
                                    


BOLADCT-3

Habang abala ako sa pagkain ay bigla namang may umupo sa harapan ko. Natigilan ako at natulala saglit.

"Andy," utas ko.

"I knew it's you!" masayang wika niya pa at dinukwang ako upang yakapin. Kumalas din naman ito at napangiti sa akin na abot hanggang tainga.

"It's so nice to see you here Nel! God! Muntik na kitang hindi makilala. My Ms. Universe before and today are so much opposite! Wow!" nagagalak pa nitong sambit. Mariin kong nakagat ang aking labi at napayuko.

"Patawarin mo ako Andy," mapait kong wika. Wala akong ibang masabi kundi ang humingi ng tawad sa kanya. Three years ko rin siyang kinalimutan. Dahil sa sobrang pursigido kong maayos ang buhay ko ay sinadya kong kalimutan din si Andy kahit na ang totoo'y wala naman siyang kinalaman sa problema namin ni Caldwill. Kinalimutan ko ang pagkakaibigan naming dalawa at alam 'yon ng Diyos kung gaano ito kasakit para sa akin. Lumipat naman ito nang upo sa tabi ko at niyakap ako.

"I miss you Nel, so much! That time, I felt like I lost my little sister when you decided to forget me too." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak at yumakap sa kanya pabalik.

"I missed you Marinel," Andy said.

"Na-miss din kita Andy," garalgal na boses kong sagot. Kumalas ito sa akin at biglang ginulo ang aking buhok.

"Gumanda ka lalo, kumusta ka na? Mukhang umasenso ka sa loob ng tatlong taon," aniya. Pinahiran ko ang mga luha ko at masiglang napangiti sa kanya.

"Heto, may sarili na akong klinika, diyan lang sa tapat. May kaliitan pero ayos naman ang takbo ng klinika. Ikaw?" Napalumbaba naman ito.

"Still a happy go lucky man and still searching for his true love." Napatawa ako sa sagot niya.

"Ikaw na ang mayaman," kumento ko.

"Nagpapatakbo rin naman ako ng negosyo ng pamilya namin Nel. In fact? I owned this building and this store. At ngayon lang ako nakadalaw dito. Hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari ng Kiddy Clinic na 'yan," aniya. Napatango-tango ako.

"Kasosyo ko si Veronica riyan. Hindi ko kakayanin kapag ako lang ang mag-isang magpatakbo ng klinika." He smiled at me.

"You've grown up so well Marinel. Buti at hindi sumabog ang ulo mo sa kare-review para lang maipasa ang board exam sa kursong 'yan." Napanguso ako.

"Konti lang pero naka-one take exam lang ako ha," pagmamayabang ko. At may sakit pa ang anak ko nang mga oras na iyon.

"It seems like you are in a better path Nel and I am so proud of you," he seriously said.

"Salamat Andy," wika ko at niyakap siya.

"Please don't leave again without any notice," he said.

"Opo, last na iyon," sagot ko bago kumalas sa kanya.

"Nakaka-miss ka talaga!" Sinuntok ko siya sa balikat ng marahan.

"Mama!" Pareho kaming napatingin ni Andy sa aming harapan. Mariin kong nakagat ang

aking labi nang mapabaling sa akin si Andy. Gulat na gulat ang mukha niya at halatang 'di makapaniwala. Pinakalma ko ang sarili ko.

"Who is he?" Clayd asked.

"He's–"

"Is he my Papa?" singit agad ng anak ko.

"No baby. He is my close friend, Tito Andy but you can call him Papa Andy sweety," sagot ko agad. Napangiti naman ang anak ko nang bumaling ito kay Andy.

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon