BOLADCT-1.2

5.1K 137 4
                                    


BOLADCT-1.2

AS THE EVENT is adjourned ay diretso kami agad sa kabilang reception hall.

"Where's Bill and Clayd?" bulong ko kay Anne. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at ganadong-ganado ito sa pagkain.

"They're fine Marinel," she said.

"I texted Bill not to bring Clayd in here. Huwag kang mag-alala, kami mag-uuwi sa kanya." Nakahinga ako ng maluwag. Alam niya talaga ang dapat gawin. Masuwerte ako at may dalawa akong mabuting kaibigan.

"Doc. Sison," tawag ni...

Napatayo naman si Anne at maging ako rin.

"Hi! It's nice to see you here Doc. Ynes," Anne said. Doc. Ynes?

"Well, kailangan pumunta." Bumaling naman ito sa akin.

"Oh god! Mrs. Villaraza! How are you?" Niyakap pa nito ako. Alanganin din naman akong tumugon.

"Kumusta po Doc.," bati ko.

"Good! Wow! Akala ko nursing lang ang kinuha mo. Pediatrician ka na pala ngayon." Napangiti ako.

"Opo," simpleng sagot ko. Hindi na ako nabigla nang malaman nitong Pediatrician na ako. I wore my I.D anyway.

"Teka, nasaan ba 'yong asawa mo? Oh there he is." Dali-dali pa itong lumapit kay Caldwill.

"God Anne! Ninja moves!" Napatawa naman ito at sumenyas ng 'Go'. Tatalikod na sana ako pero...

"Marinel," Doc. Ynes called me. Mariin akong napapikit. Doc. Ynes doesn't know na matagal na kaming hiwalay and that was three years ago.

"Next time Caldwill unahin mo ang asawa mo," ani Doc. Ynes. Diretso akong napaharap sa kanila at plastik na napangiti. Ang totoo, nanlalamig na ang mga kamay ko at parang gusto ko na ang maiyak. He was shocked to see me. At nakikita ko na naman ang mga mata niyang puno ng galit sa akin. Awkward!

"Oh my! Please call Bill, best! Please!" drama pa ni Anne. Awtomatiko akong kumilos.

"Excuse me," paumanhin ko at diretsong umalis sa harapan nila.

Pagkatalikod ko ay awtomatikong tumulo na naman ang mga luha ko. Hanggang kailan ko ba pagdudusahan ang isang bagay na wala akong alam.

Nang tumapat ako sa elevator ay agad kong pinindot 'yong down button.

"Where are you going?" Naistatwa ako sa narinig ko pero agad akong nakabawi at pinahiran ang mga luha ko. Hindi ako kumibo.

"Tsk!"

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hilain. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. For three years passed, ngayon ko lang ulit nahawakan ang kamay niya.

Dinala niya ako sa isa sa mga kuwarto at ipinasok sa loob. Base sa nakikita kong maleta, ito ang hotel room niya.

"Kailangan ko nang umalis," matapang kong wika.

Diretso ako agad sa pinto para abutin iyong doorknob pero maagap nitong nayapos ang baywang ko.

"You can't go!"

"How dare you! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ako pero masiyado siyang malakas para pigilan ako.

"Isa ka na rin pa lang doktor. May nabingwit ka sigurong matandang mayaman kaya ka nakatapos." Isang malutong na sampal agad ang ibinigay ko sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo!" singhal ko at itinulak siya. Patakbo ko nang tinungo ang pinto ngunit maagap niya akong nakulong sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako hanggang sa tuluyan na lamang akong nawalan pa ng lakas. Napaluhod ako at maging siya. Yakap niya pa rin ako mula sa aking likuran. Iyak lang ako nang iyak. Naghahalo ang emotion ko. Hindi ko matantsa kung galit ba ako, nami-miss ko ba siya o kung ano. Hindi ko maipaliwanag. Tatlong taon din akong nangulila sa mga yakap niya sa akin. Ni hindi ko na nga alam kung ano ba ang pakiramdam nang mayakap ng isang lalaki.

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon