BOLADCT-6

4.7K 127 1
                                    


BOLADCT-6

Marinel

"UGH!" ungol ko matapos kong magsuka. Grabe! Hindi yata kinaya ng sikmura ko 'yong alak na nainom ko kanina. Buti na lang at nawala na ang pagkahilo ko. Nang mapaharap ako ay natulala ako. Si Caldwill, nakatayo sa harapan ko. Magulo ang buhok at basa ang magkabilang pisngi dahil sa pag-iyak. Maluwang din ang necktie na suot niya at nakabukas ang tatlong butones nito. Agad ko ring napuna ang bote ng alak na hawak niya at ang dugong umaagos sa katawan ng bote mula sa kanyang kamay na sugatang nakarolyo pa sa benda. Kaya pala hindi ko siya makita kanina. At ganito ba siya ka miserable dahil lang sa akin? Masiyado man akong assuming pero 'yon ang nararamdaman ko. Mataman niya lang akong tinitigan at tinalikuran na ako. Nang sumilip ako'y humakbang ito palapit sa sofa at umupo. Muli niyang tinungga ang laman ng bote at napayuko. Napatuwid ako sa pagkakatayo ko at nasapo ang aking dibdib. Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya. Bakit parang pakiramdam ko ay tama si Andy. Yes, he was a bastard but he have his owned deep reason why he became like this and it's all because of me. Agad na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko pero agad ko rin naman itong pinahiran. Kumuha ako ng medicine kit sa kabinet ng banyo at lakas loob na lumapit sa kanya. Hinila ko ang center table at doon umupo para tumapat sa kanya. Pinailaw ko rin ang lampshade sa tabi niya para naman kahit paano ay may liwanag kahit konti. Nanlalamig man ang mga kamay ko pero hindi pa rin ako nag-atubiling kunin ang kanang kamay niya.

"What are you doing?" mahinang tanong niya habang nakatingala sa kisame.

"Ginagamot ka," sagot ko habang inaalis ang bendang nakarolyo sa kanyang palad.

"Yeah? Isn't it confusing? Kung sino pa ang nanakit sa iyo ay siya pa rin pala ang gamot sa sugat na kanyang ginawa. How ironic is that."

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon pero nanatili akong walang kibo. Binuhusan ko ng alcohol ang sugat niya sa palad at wala man lang akong narinig na ungol mula sa kanya.

"Are you surprised? Kahit gaano pa man ka dami ang sugat sa katawan ko, mas matindi pa rin ang sugat na iniwan mo sa akin. Why is that? When people gets hurt, they became numb." Naluha ako sa sinabi niyang iyon pero hindi pa rin ako kumibo. It's been years have passed pero heto siya, nasasaktan pa rin dahil lamang sa akin. Mariin akong napapikit at muling napadilat. Nilapatan ko ng bulak ang sugat niya pagkatapos ay nirolyohan ko ng benda ang kamay niya.

"Masisisi mo ba ako kung bakit pinalayas kita noon? Dapat ba akong makunsensiya? That time was so very difficult to decide! Masisisi mo ba ako kung pinagduduhan ko ang pagmamahal mo para sa akin? I am hurt Marinel. I am hurt when you love Calvin more than me. Bakit nga ba!? Kasi nakalimutan mo ako, kasi hindi mo ako maalala? Masisisi mo ba ako kung 'di ako naniwala sa iyo? What did I do to you to hurt me so bad like this! Tell me!"

Tinitigan niya ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tanging pag-iyak lang din ang nagawa ko. Napatayo ako at hinayaan siyang yumakap sa aking baywang.

"Why are you hurting me like this Marinel? Why!" Napatingala ako at pinipigilan ko ang aking sarili na mapahikbi.

"Am I a bad person!?" Kinalas ko ang mga braso niya sa aking baywang at lumuhod sa kanyang harapan.

"Caldwill hindi, huwag kang mag-isip ng ganyan, pakiusap!" Kinulong ko ang kanyang mukha sa aking dalawang kamay at masuyong pinahiran ang kanyang basang pisngi.

"I wish I could replace Calvin's place in heaven," he said. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi. Napailing ako ng matindi.

"Huwag kang magsalita ng ganyang Caldwill," pagsusumamo ko.

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon