Special Chapter 3

2.6K 59 0
                                    

Special Chapter 3

NASAPO ko ang aking noo. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago ako tuluyang napamulat. Agad akong natigilan dahil sa nakabenda ang kanan kong kamay. May benda din ako sa ulo at ang kaliwang braso ko naman ay naka-short arm cast. Napalunok ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.

"Caldwill!" sambit ko nang maalala ko lahat ang nangyari. Agad kong tinanggal ang mga nakakabit sa akin at puwersahang napabangon.

"Ah!" daing ko at mariing napapikit. Ngayon lang nag-sink in sa akin lahat ang nangyari. Naaksidente kami at narito ako sa ospital. Kung ganoon ay nasaan ang mag-ama ko. Diyos ko! Agad kong natutop ang aking bibig at tuluyang napahagulhol. Bigla namang bumukas ang pinto.

"Marinel! What are you doing!?" Andy said.

"Nasaan ang mag-ama ko?" He froze.

"Sumagot ka Andy! N-nasaan ang mag-ama ko!" Malalim naman siyang napabuntong-hininga.

"I'll take you to them," aniya. Inalalayan niya akong makababa sa hospital bed at lumakad palabas ng kuwarto. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko. Takot na takot ako. Nang mag-angat ako ng aking ulo ay ang ICU hallway agad ang bumungad sa akin. Napatigil ako. Parang hindi ako makahinga.

"Maling hallway ang dadaanan natin Andy," utas ko. Hindi ako kinibo ni Andy. Mas lalong lumawak ang kaba at takot ko.

Humakbang pa kami ng tatlong dipa at agad kong nakita ang mag-ama ko.

"Hindi!" pagwawala ko.

"Nel, I'm so sorry," umiiyak na wika ni Andy sa akin.

"Hindi 'to totoo Andy! Hindi!" Halos ingudngod ko na ang aking mukha sa transparent wall. Nakaratay ang mag-ama ko sa kama at maraming apparatus ang nakakabit sa kanilang dalawa.

"Nagkaroon si Caldwill ng internal bleeding sa ulo at agad siyang inoperahan. May ilang buto rin ang nabali sa kanya. Caldwill is now in the state of coma. While Clayd have so many bruises. Nagkaroon din siya ng konting bone fracture sa braso at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Under observation pa rin silang dalawa Nel. Tinitingnan pa ng mga doktor kung ano pa ang maaring natamo ni Clayd." Halos manginig ang buong kalamnan ko.

"Bakit!?" hagulhol ko. Nakuyom ko ang aking mga kamao at tinungo ang chapel.

"Nel!" habol pa sa akin ni Andy.

Nang marating ko ang chapel ay agad akong tumayo sa harap ng altar.

"Bakit mo ako ginaganito!? Ano bang kasalanan ko sa 'yo!? Lahat naman ginagawa ko para maging mabuti akong tao! Bakit palagi niyo akong pinapahirapan!? Bakit!? Bakit lahat ng minamahal ko ay kinukuha mo sa akin!? Wala ba akong karapatang maging masaya!? Kinuha mo sa akin ang pamilya ko! Hinayaan mo akong lumaki sa bahay ampunan! Pero nanalig ako! Umasa ako! Dahil naniwala akong may rason kayo! Pero kinuha niyo sa akin si Calvin! Ngayon naman kukunin niyo sa akin ang mag-ama ko! Bakit!? Anong ginawa kong mali!"

Tuluyan na akong napaluhod.

"Bakit!?" Bigla namang may yumakap sa akin.

"Please Nel, don't blame him. Walang kasalanan ang Diyos," utas ni Andy. Nagtagis ang mga bagang ko.

"S-sino ba dapat Andy?" namamaos kong tanong.

"It could be someone else out there Nel." Mariin akong napapikit at muling napahagulhol.

"Bakit niya hinayaang maging ganito ako Andy!? Bakit!?" Napatungo ako. Nahihirapan akong huminga. Naninikip ang dibdib ko.

"Nel! Si Clayd!" biglang bungad sa amin ni Nica. Agad akong napatayo at nagkukumahog na napatakbo sa ICU. Nang umabot ako'y kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagkukumahog ng mga doktor.

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon