Huling Kabanata

5.4K 127 8
                                    


Marinel

NANG magising ako ay nasa kuwarto na ako, naming dalawa ni Caldwill. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at kirot sa aking kaliwang braso. Nang iginalaw ko ang aking kanang kamay ay saka ko lang napuna na nakahiga pala sa gilid ko ang anak kong si Clayd.

"Mama?"

"Uhm," tanging ungol ko dahil sa panunuyot ng aking lalamunan.

"Here," si Caldwill na may hawak na isang basong tubig. Inalalayan niya akong makaupo at maisandal sa headboard ng aming kama. Inalalayan niya rin akong makainom ng tubig. Bahagyang guminhawa ang aking pakiramdam.

"Mama are you okay?" Tipid akong ngumiti sa anak ko at hinaplos ang pisngi nito. Pumaling ako kay Caldwill.

"Si Moana?" He sighed.

"She's dead and Ivan is not going to be in jail. Because that was a self defense." Mariin akong napapikit at nasuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

"Wala na tayong magagawa pa Marinel.

Nangyari na ang lahat at 'di na natin iyon maibabalik. Ang importante ay ligtas ka. I can't afford to lose you again Marinel." Masuyo naman nitong hinaplos ang aking pisngi.

"Alam ko Caldwill," sagot ko.

"Ang tiyahin ko? Kumusta sila?" nag-aalalang tanong ko. Puwede nila akong sisihin sa nangyari kay Moana.

"Actually they knew that Moana plans to kill you. They tried to stop her but Moana is too insane to be handled. And they're not blaming you Marinel." Agad na nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko sa mata. Mabilis naman akong niyakap ng anak ko.

"I love you, Mama." Hinalikan ko siya sa kanyang noo.

"Mahal din kita," anas ko. Niyakap din naman ako ng asawa ko at kinantilan ng halik ang aking labi.

"I love you Marinel, you and Clayd. Because my love and destiny are always to be with you, forever." Tumugon ako sa halik niya.

"Always," tugon ko.


~ Wakas ~

Thank You!

BUT ONLY LOVE AND DESTINY CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon