Naze's POV.
"Naze? Di naman siguro mauulit yung dati diba?" Tanong ni Kishna sakin.
"Alam mo teh? Kanina kapa. Wala naba talagang laman yang utak mo para magpaulit-ulit ka ng tanong ha?" Inis na singhal sa kanya ni Sasha.
"Don't worry Kishna. Di na mauulit yun. Promise".
Nandito kami ngayon sa Hospital matapos mahimatay ni Cany kanina dahil sa dugo. Masyadong maraming trauma ang nakuha niya sa nangyari kasama na don ang sa dugo at sa pagpapatakbo ng mabilis na kotse. Kala ko pa naman magiging maayos na lagay ko dahil sa kanya.
*FLASHBACK*
Nandito kami ngayon sa dining area at naghahapunan ng biglang magsalita si mommy.
"Bukas nga pala ay uuwi tayo sa pilipinas para bisitahin ang ibang mall don" ani ni mommy
'Makikita kona si BABEEEEE.'
"Talaga mommy? Edi dun ako mag-aaral?" Excited kong tanong. Tumango si mommy sakin at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Salamat mommy. I love you. The best ka talaga" masayang sabi ko at tinapos nalang ang pagkain.
K I N A B U K A S A N♥♥
'This is it. Wait for me my princess' sabi ko sa isip ko.
Pagkarating namin sa pilipinas ay agad akonh dumeretsyo sa bahay nila Cany para isurprise siya.
*knock knock*
"Sino yan?" Tanong ng pamilyar na boses. "NAZZZZZEEEEEEEEEEE" sigaw ni Kishna matapos buksan ang pinto at yakapin ako. "I MISS YOU KUYAA".
"Haha I miss you too. BTW asan si Cany?"
"Ewan ko dun. Hayst pasok ka muna kuya nag bake kami ni Sasha ng favorite nating cookies" masayang sabi niya.
Pumasok kami sa salas nila at agad akong nahiga sa sofa. 'AHHHHH KAPAGOD SA BYAHE'
"SASHHHHAAAAA"sigaw muli ni Kishna.
"ANO BA KISH? DEDEDE KABA? INGAY INGAY MO" balik na sigaw ni Sasha. Hahaha di padin nagbabago.
"Ako dedede sayo? Bakit meron kaba nun?" Pang-aasad ni Kish.
"Woiiii babaitang mukhang sunog. Meron ako nun no. Di lang halata. Sino ba yung kumatok kanina ha?"
"WAAAAAAHHHHHH OO NGA PALA WAHAHAHAHA MATUTUWA KA PAG NAKITA MO DALI HALIKA" sabi niya habang hinihila si Sasha palabas ng kusina.
"K-KUYA NAZE??" Di makapaniwLNg tanong niya.
"MY TWO BABY GIRLS" ani ko sabay nag group hug kami. "Teka asan naba yung babe ko ha?"
"Di nga namin alam Kuya" sabi ni Kishna habang nabalik sa kusina para tingnan ang binebake.
'Di kaya??'
"Wait lang mga baby girls ha? Babalik agad ako jan may titingnan lang ako" paalam ko. di nako nag antay ng sagot at sumakay nalang sa kotse ko at pinunta sa Park.
P A R K
'Sabi ko na nga ba nandito na naman siya eh' sabi ko sa isip ko.
Lumapit ako sa kanya at mukhang di niya yun naramdaman. Nakita ko ang mga luhang pumapatak sa mata niya dahilan para ilabas ko ang panyo ko at ilahad sa harap niya at doon nakuha ko ang atention niya.
*END OF FLASHBACK*
"Bakit ba nagtatrabaho siya sa lalaki na yun?" Inis kong tanong.
'Gago ka wag kang magpapakita sakin dahil babasagin ko talaga yang mukha mo. Nanggigigil ako pag naaalala ko ang mukha mong hayop ka' inis kong sabi sa isip ko.
"Kasi natapunan niya yung 35k na damit nung Amazona na yun kaya nagtatrabaho siya para mabayaran yun at isa pa. May sweldo kasi siya."paliwanag ni Kish.
"Babayaran ko nalang ang lalaking y--"
"WAG" putol sakin ni Cany "Ako ang nakapinsala kaya ako ang magbabayad".
"CANYYYYYYY" sabay-sabay naming sigaw na tatlo at yumakap sa kanya.
"May concert? May concert? Kailangan duet kayong tatlo?" Tanong niya dahilan para matawa kami.
"Mga abnormal parin kayo. Ano babe ayos kana ba?" Alalang tanong ko.
"Opo babe"
"Teka nga teka nga"singit ni Kishna "Bakit ba BABE KAYO NG BABE? KAYO BA HA? KAYO?"
"Ahhh hindi ah. Ganto kasi yun."
*FLASHBACK* (A/N: Daming baon na flashback ah?? Bigtime wahahahaha)
"Mommy im hungry na po" sabi ni Kristine
Nasa kubo kami ngayon sa taas ng puno at naglalaro ng bahay-bahayan.
"Kay daddy mo ayun oh may food" Cany habang nakaturo sakin.
"Comehere baby."pagpapalapit ko kay Kristine "here eat this" bigay ko ng crunch.
"Thank you dwaddy. Sya nga pala ano pong tawagan niyo ni mommy?" Tanong niya.
"Babe" mabilis kong sagot "babe ang tawagan namin diba babe?" Baling ko kay Cany na ngayon at malaki na ang mata at bibig.
"Ahh yes baby. Haha babe tawagan namin"
"Mommy!! Daddy promise me na BABE na tawagan niyo forevef ah? Promise me"
"Yes baby. Promise" sabay naming sabi ni Cany.
*END*
"Pero ngayon nasa ibang bansa na si Kristine eh" malungkot na sabi ko.
"I miss her. I miss my baby" ani Cany na umiyak kunyari.
"AWWWW.!! Siguro ang cute nung batang yun"- Kish
"Nakuuu teh. SUPER DUPER DUPER DUPER CUTE" mayabang na sabi ni Cany
"Kanino nga palang anak yung bata?" - Sasha dahilan para mapatahimik kaming dalawa ni cany.
"Oo nga!! Oh gosh. Don't tell me kinidnap niyo yung bata? GOSSSHHH Cany bat di mo sinabi? Cany sumuko kana baka lalong lumala ang kaso m--"
Naputol ang sinasabi niya ng batukan siya ni Cany.
"Psh. Kahit kelan NAAAAPAAAKAAA advance niyang pag-iisip mo no? Syempre hindi. Si Kristine isa siya sa bahay-ampunan ni mama. NaCute-an ako sa kanya kaya kinuha ko siya at ako ang umampon." Pilit ngiting sabi ni Cany.
'You don't need to act like it's okay Cany. I know your not. Please be your self. Wag kang selfish. Alam ko ang kwento mo. Kilala ko buo mong pagkatao kaha please don't act like that di ko kaya Cany ako ang mas nasasaktan' sabi ko sa isip mo.
Matapos kumain ni Cany ay inuwi na namin siya sa bahay nila at doon pinagpahinga.
"Sana di siya masyadong natakot kanina noh" inosenteng sabi ni Sasha.
"Bakla ka teh. Ikaw ba namang ilagay ko sa lugar kung san ka may trauma sa tingin mo matutuwa ka? Malamang na natakot yun."
"Bakla ka ng taon no? Kaya nga may salitang MASYADO kasi alam kong natakot yun. Ang akin lang sana HINDI MASYADO. Di ko sinabing HINDI NATAKOT. BOPOLS"
Nagtuloy-tuloy lang sa bangayan ang dalawa at ako ay humiga nalang sa Sofa at doon natulog.
