Chapter: 4

11 2 0
                                    

Canaery POV

"Ti---"

*Ringgg ringg* naputol ang sasabihin niya ng biglang mag ring ang cellphone niya.

"Excuse me." Ani niya na tinanguan ko lang.

'HANDA NABA KONG MALAMAN ANG TOTOO? HANDA NABA KONH HARAPIN SILA? HANDA NA NGA BA KONG KALIMUTAN ANG NAKARAAN? PATAYIN AKO NGAYON NAAAA'

"Bukas start ng klase mo diba?"tanong niya na tango lang uli ang tinugon ko "bukas kana lang din mag start uuwi nako at may emergency samin. Bye" ani niya at lumabas ng mall.

Di nako nagtagal sa mall at dumeretsyo nalang ako sa faborite place ko. Umupo ako sa duyan at pinaandar gamit ang dalawa kong paa.

"I miss you Ate. Sorry! Sorry sa mga nangyare. Siguro kung hindi moko sinundan di mangyayare yun? Bakit ba kasi sumunod ka ha? Nakakainis ka naman eh" humahagulgol kong sabi.

'All this time sarili ko lang sinisisi ko sa nangyare. Nakakainis na wala akong masisi sa pagkamatay mo kundi ako. Ate I love you. Salamat sa lahat ah? Sorry kung hindi na kita nadadalaw sa puntod mo. Ayokong makita nila ako, ayokong kamuhian nila ako, ayokong isipin na ayaw nila sakin dahil sa pagkawala mo, ayokong sila mismo ang magtataboy sakin. Gustong-gusto konang sumunod sayo jan, kaya lang ayokong bawiin yung promise ko sayo na ako ang maghihiganti sa pagkawala mo, na bago ako mawala napaghiganti na kita. Ayokong mamatay ng walang kwenta, ayokong mamatay ng walang nagawa para ipaghiganti ka. Sila ang dahilan kung bakit nasira tayo kaya di ko siya mapapatawa---' naputol ang pagiisip ko ng may panyo akong nakita sa harap ko. Inangat ko ang ulo ko sa panyo at nakita ko ang pamilyar na mukha.

'Siya yun eh! Di ako pwedeng magkamali, kahit puno ng luha ang mata ko alam kong siya yun.'

"N-naze?" Tanong ko ng hindi inaabot ang panyo.

Tumango siya dahilan para yakapin ko siya. 'I miss this guy.'

"Sabi na nga ba at nandito ka na naman eh" sabi niya ng bumawi din ang yakap.

"I miss you babe, I really miss y--"

Di na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may humigit sakin.

"Umalis lang ako saglit mah kayakap kana agad ng iba?" Ani ni DRANN

'KAHIT KELAN PANIRA MOMENT TO BADTRIP'.

"Kala ko ba bukas na uli ang trabaho ko?" Inis kong sabi.

"Nagbago na isip ko. Pagpapatuloy mo ang trabaho mo ngayon sakin. Tara" sabi niya at hinigit ako.

"Teka" ani ni Naze na humawak sa isang kamay ko. "Pwede pahinga muna tong babe ko? Kasi pagod siya kakaiyak oh"

"Babe? Magsyota kayo?" Ani ni Dran.

"Bakit? Pag sinabi ko bang OO aagawin mo siya?" Nang-aasar na sabi ni Naze.

"Nagtaka lang ako na may boyfriend pala tong babaeng panget na bungangerang to"

"Mahal ko naman to" ani ni Naze na hinigit ako dahilan para mapayakap ako sa kanya. "Pwede day off muna siya? Kasi paliligayahin ko patong babe ko. Umiyak kasi eh" sabi ni Naze na inayos ang buhok kong nakakalat sa mukha ko at pinunasan ang luha ko habang nakatingin sa mata ko.

"(Bleeekkhhh) nasusuka ako ah"-Dran.

"Psh. Sige na babe hintayin mo nalang ako sa bahay mamaya uuwi din ako. Bye I love you. Miss you" sabi ko at hinila sa Dran para umalis.

"Sino yun?" Tanong niya pagkasakay namin sa kotae niya.

"None of your business" pagtataray ko

"Boyfriend mo?"

"Pakeelam mo ba ha?" Inis kong tanong

"Wala" maikli niyang sagot saka pinaharurot ang kotse.

"D-dran p-pwede b-bagalan mo p-please?" Takot kong sabi pero di ako pinansin sa halip lalong pinaharurot ang kotse.

'Nauulit ba ang nangyare? Bakit ganun ang pakiramdam ko? Ano bang nangyayare ha? Nahihirapan nakong huminga'

Nagulat ako ng biglang may humarang saming kotse dahilan para lalo akong mahirapang huminga. Mabilis namang napapreno si Dran upang di mabangga ang kotse sa harap.

'Eto na ba uli yun? Mauulit naba? Please ate wag mong hayaan. Di ko na alam kung kaya kopa. Ayokong sumabog ako sa galit'

Nakaramdam naman ako ng kamay na sumakop sa buong katawan ko.

"Are you okay?" Alalang tanong niya.

Umiiyak na pala ako. Bat di ko namalayan? Ganon naba ang takot kong maulit yon para di mapansing nagdudugo na ang labi ni Dran dahil sa suntok ni Naze?

"Ano bang problema mo ha?" Galit na tanong ni Dran.

"Gago! Ikaw? Anong problema mo? Kala ko ba P.A moto? Kukuha ka ng P.A ng walang alam sa kanya?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni dran ng mahimasmasan

"Takot siyang sumakay sa kotse na mabilis magpatakbo. May trauma na siya dahil sa nangyare sa kanya."

"Canaery totoo bayun?" Tanong niya at tango nalang naisagot ko.
"Bakit di mo sinabi sakin ha? Pano kung may nangyaring masama sayo? Ako pa sisisihin ng barumbado mong boyfriend. Puro kasi landi iniisip mo kaya di mo nasasabi na may trauma ka pa--"

Di niya na natapos ang sasabihin ng bigla ko siyang sinampal.

"Wala kang alam dran kaya maiging manahimik ka nalang. Di mo alam pinagdadaanan ko." Umiiyak ko parin sabi.

"At wala akong pakeelam don" sigaw niya dahilan para masuntok uli siya ni Naze.

"Naze tama na." Hawak ko sa braso ni Naze. Napatingin naman ako sa mukha ni Dran at doon nakita ang tumutulong dugo mula sa labi niya.

'No! Wag please. Wag kang uulit' sabi ko sa isip ko bago mawalan ng malay

Many ChancesWhere stories live. Discover now