Dran's Pov
Dumeretsyo muna ko sa secret garden ng school dahil meron pang 20 minutes bago mag klase uli.
"Meow! Meow!" Ungol ng pusa.
"Yeontan?" Tawag ko. "Sabi na nga ba at ikaw yan eh." Sabi ko saka umupo sa puno at kinuha si yeontan.
"Meowwww" ani yeontan habang kinikiskis ang ulo niya sa kamay ko.
"Yeontan musta na? Namiss kita ah." Sabi ko saka pinadilaan pisnge ko.
Si yeontan ay ang pusa na binigay sakin ni Cany noon para daw di nako malungkot at isipin na siya si yeontan kapag miss kona siya. At kaya nahiligan ko ang doraemon dahil pusa din.
"Yeontan miss mo nadin ba mommy mo? Kasi ako sobra. Alam mo ba kanina magkausap kami kaya lang may biglang asungot dun kaya yun umalis nalang ako kesa magpanggap na masaya sa harap nila kahit masakit na magmumukha lang akong tanga." Kausap ko kay yeontan.
"I really miss the old cany. Yung mommy mo yeont---"
"Payatotoy" putol sakin ng isang pamilyar na boses.
Dali dali akong tumayo at hinarap ang nagsalita.
"C-cany?" Utwl king sabi
"Ikaw si Payatotoy?" Taka niyang tanong.
"H-huh? A-anong pinagsasabi mo haha" pagtanggi ko
"I heard it. Ako ang nagbigay ng pusa na yan diba? Nung aalis ako at pupunta sa america. Tell me ikaw si John diba? DIBA?" Pagalit na niyang tanong.
"Oo. Oo cany ako yung John na bestfriend mo nung bata, oo cany ako yung lagi mong pinagtatanggol dahil mahina at payatot ako. Oo cany ako yung umamin na may gusto sayo at Oo cany ako yung taong patuloy ka paring minamahal. Cany ako si john" mahaba kong sabi.
"JOHNN~~" umiiyak niyang sabi at NIYAKAP AKO. "Bakit di ka agad nagpakilala? Alam ko bang miss na miss na kita? Sabi ko hintayin moko pero sabi nung manong guard sa park na tambayan natin na umalis kana ng bansa. John I miss you" - cany
"I MISS YOU TOO" sabi ko at niyakap siya pabalik.
'Dyos ko sana panghabang buhay natong pagyayakapan namin sana cany di ka bumitaw'
"Pero teka" sabi niya nang makakalas sa pagkayakap sakin "G-Gusto moko?" Taka niyang tanong
"Di mo ba narinig nung nasa airport tayo? Sumigw pako ng 'Cany mahal kita'"
"Mahal din pala ako ng Long Long long time crush ko?" Aniya
"A-anong ibig mong sabihin?" - ako
"Wala hahahaha tara na malelate na tayo" sabi niya at hinila ako paalis.
"Cany teka" sabi ko at hinigit ang kamay ko sabay yakap sa kanya. "Sobrang miss na kita kaya pagbigyan mona ko kahit ten minutes lang" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap.
Napangiti ako ng maramdaman ko din ang kamay niya sa likod ko senyales na pinapayagan niya ko. Nag-stay kami sa ganung sitwasyon ng sampung minuto bago bumalik sa klasrum.
"Mr. Dran at Ms. Canaery san kayo galing?" Ma'am Rebo.
"Sa tiyan ng nanay namin" pambabara ko dahilan para tumawa mga kaklase ko.
"Cool" bulong aakin ni cany. "
"Malamang! Alangan naman sa tatay mo? And the both of you are 15 minutes late"galit na niyang sabi.
"We know that maam at mauubos ang oras natin kung magpipilosopohan lang tayo dito diba?" Sarkastikong sabi ni cany
'HAHAHAHAHA that's my girl'