Habang nasa byahe kami di maalis sa isip ko yung nasa kamay ng babae kaninang nakabunggo ko. At di din maalis ang takot ko sa tatlong lalaki. Nakaramdam ako ang kamay na pumunas sa pisngi ko. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Pinagbuksan ako ni Dran ng pinto at pagkababa ko ay niyakap ko siya.
"Salamat Dran" umiiyak na namang sabi ko "salamat at dumating ka kanina. Salamat kahit papano naibsan yung takot ko. Salamat ah? Salamat" sabi ko
"Ssshhh! Tahan na sige ka pag nabasa ng luha mo yung suot ko madadagdagan utang mo" birong sabi niya.
"Tsk. Haha sige na umuwi kana baka nagaalburoto na yung Samantha na yun" ani ko.
"Pumasok ka muna bago ako aalis" aniya.
Pumasok ako sa gate at sumenyas na umuwi na siya. Matapos niyang umalis ay pumasok nako sa loob at doon bumulaga ang tatlo.
"Ayyyyiiiieeeeee May payakap effect si ate mo oh" -Kishna
"Anong nangyare sayo" walang emosyong tanong ni Naze.
"Mahabang kwento babe."
"Edi isa-isahin mo, makikinig ako" , alamig niyang ani.
Kinuwento ko ng buo ang nangyari at doon mababasa ang pag-aalala. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Diba sabi ko naman sayo na tawagam moko kung may mapansin kang kakaiba? Wag ka ng aalis ng hindi ako kasama maliwanag? Sasama ako sa trabaho mo, kahit di ka pumayag sasama ako" mahaba niyang sabi sakin.
"Opo babe pr---"
"HUHUHUHUHUHU" naputol ang sasabihin ko ng biglang umatungal ng iyak yung dalawa.
"Hoy ano ba? Magtigil na nga kayo naririndi ako" ani ko at kumalas sa yakap ni Naze.
Tatayo na sana ako ng sabay ako yakapin ng dalawa.
"CANY, AYOS KALANG BA HA? WALA BANG MASAKIG SAYO? HINDI BA NAKUHA YUNG KIDNEY MO? WALA BANG NAPUTOL NA UGAT SAYO? HINDI BA---"- Kishna
Naputol ang sasabihin niya ng batukan ko siya.
"OA BIH OA." Kumalas nako sa kanila at umakyat sa kwarto. "Matutulog nako labyuall" paalam ko bago tuluyang umakyat.
Dran's POV.
"TANGINA KA!! ALAM MO BA KUNG ANONG NANGYARI KANINA HA? MUNTIK NG MARAPE YUNG PRINSESA KO. KUNG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA. SINASABI KO SAYO. MAPAPATAY KITANG HAYOP KA"
Nandito kami ngayon nina Samantha, Savannah, Roselyn, Kaizer, at ni alled. Kababata ko sina Kai at Alled at magkakaibigan naman yung tatlo na siyang naging dahilan kung bakit nagkaganun yung mahal ko.
"Hindi ko naman alam na mangyayari to ah? At saka isa pa tatanga-tanga kasi yang Prinsesa mo ang cheap naman" Samantha
"Ako kanina pako nagtitimpi sayo ah. Kanina mopa pinahiya yung prinsesa ko at pasalamat ka pinipigilan ako netong dalawang to" turo ko kala Kai.
Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa kanya. At buti nalang pinasundan nina Kai sakin si prinaesa kunh hindi naku.
*FLASHBACK*
"Bro sundan mona baka anong mangyari gabi na oh" ani ni Alled.
"Pag may nangyarinh masama sa prinsesa ko? Mapapatay talaga kita" galit kong sabi kay Samantha.
Lumabas ako ng mansyon at lumabas sa kotse. Paglabas sa village ay nagdahan-dahan ako ng pagpapatakbo dahil baka malampasan ko siya. Nakita kong ang isang pamilyar na babae na hinihila ng tatlong lalaki. Naginit agad ang katawan ko at pinarada ang kotse sa gilid. Nakita kong hinahalikan ng dalawang lalaki ang leeg niya at yung isa ay hinahawakan na siya. Sa sobrang galit ko ay namalayan ko nalang na tumba na ang tatlo at niyakap kona si prinsesa.
*end*
Oo, matagal kona siyang gusto Elementary palang kami Crush kona siya at kaya ako nagsusungit sa kanya dahil ayokonh lalong mahulog sa kanya nhpg hindi kopa siya nakukuha. Siya ang laging nagtatanggol sakin nung bata. Kaya gumawa ako ng paraan para maging kaklase ko lagi siya. Hindi ako nagpapakilala sa kanya dahil ayokong mahalata niya yung nararamdaman ko at layuan niya ko. Siya din ang dahilan kung bakit ako nag-aral ng iba't-ibang marsial arts at nagpamacho. Nag-aral ako ng dalawang taon sa America at bumalik dito dahil sa kanya.
Planado din yung sa Coffee Shop. Sinadya ko yun para mapalapit siya sakin.
*FLASHBACK*
Tumawag sakin si Kaizer at sinabing may importante siyanh sasabihin. Pinauna ko na si Cany (A/N: Keni ang pronounciation)
"Oh?" Sagot ko sa tawag.
"Tara, gimik" sabi niya.
"Tsk. Kasama ko prinsesa ko pwede mamaya kana tumawag badtrip ka kala ko naman kung anong importante yan sige na babalikan ko dun yung prinsesa ko." Ani ko
Bumalik ako sa Mall pero di kona siya nakita. Hinanap ko siya at napadpad ako sa Park. Nagtiim ang bagang kong makitang may kayakap siya. Lumapit ako at kung ano-ano ang nasabi ko.
*End*
Lalo pakong nainis ng tawagan nila ay babe tapos may trauma pala siya sa sasakyan. At kaninang umaga badtrip ako kasi kulang tulog ko kakaisip kung kaano-ano niya yung mokong na yun. Salamat din sa mga lalaking yun dahil kung di ko siya niligtas ay baka di kona siya makausap at di ko kaya yun. Kaya mangiyak-ngiyak ako ng naging cold siya sakin.
Pinauwi kona sila dahil baka kung anong magawa ko sa babaeng yun. Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Doon ay tiningnan ko ang mga stolen shots ni Cany.
Yung una ay nung nasa labas kami ng Shop siya at nahingi ng order. Yun yung araw na nabangga niya ko.
Yung pangalawa ay nung nakanguso siyang nagpapaliwanag sa manager niya at palihim siyang pinicturan nila Kai.
Yung pangatlo ay nung nasa Mall kami at tinatanong niya kung anong surname ko ang cute ng reaction niya. At iba pa niyang stolen. Nasarado ko agad ang laptop ng may kumatok sa pinto.
"Pasok" ani ko
"KUYYYYAAAA" ani ng kapatid ko.
"Oh baby girl? Why are you still awake?"
"Kuya dito ako matulog pwede?" Tanong niya.
"Hmm. Sure baby. Btw here. Gift sayo ni kuya. Happy 10 birthday baby." Abot ko sa kanya ng regalo ko.
"Thanks kuya. I love you." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Sige matulog kana. Sleep well baby ko" sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Kuya kwentuhan moko please"
"Sure. Anong gusto mo?" Tanong ko.
"Yung laging kinukwento ni mommy" aniya at kinuwentuhan ko siya. Nung makatulog na siya ay binuksak ko uli ang Laptop ko at doon hinalikan ang picture ng prinsesa ko.
"Goodnight my princess" kausap ko sa Laptop at natulog na.