Kung hindi dahil sa payong na yan, hindi ko siya makikilala.
Hindi sana magiging ganito kasaya ang mundo ko kung wala ka.
Hindi sana ako ngingiti araw araw ng ganito kung hindi dahil sayo.
Hindi sana ako tatawa ng para ng wala ng bukas kundi dahil sayo.
Hindi sana ako magbabago ng ganito kalaki kundi dahil sayo.
Ikaw lang naman ang dahilan ng lahat ng ito e.
Ikaw ang nang landi at ako ang nagpalandi. Likha na sayo yan noh? Nature mo na yan e.
Yung simpleng landian lang pala, mauuwi sa ganitong sitwasyon.
Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo.
Leche, bat sa lahat ng lalaki? Sayo pa?
But suddenly, there is a truth untold in every chapter of our story.