Chapter 12

18.7K 589 38
                                    



CHAPTER 12


I was waiting and waiting and waiting for a hero to come. Pero mukhang hindi ako sisiputin ni Ivan Fraizer ngayon gabi. Fuck this. I had to do this plan all alone.

Itinungga ko ang alak sa baso. I was in the VIP area of this club, no one even bother to sit beside me. Malamang, takot lang ng mga tao na baka bigla ko silang sipain palabas.

Pagkalapag ko ng baso sa mesa biglang may umupo sa gilid ko. I didn't have to look who was it, dahil amoy na amoy ko ang pabango niya na familiar na sa'kin nitong nakaraan na araw.

I watched him poured the drink and drunk it too. Pinapanood niya lang ako habang ginagawa 'yon.

There was a dark aura on his face, hindi ko maintindihan kung ano. Pero alam ko, nag bago ang ihip ng hangin sa amin dalawa.

"You know, it is rude to stare to a sexy undeniably beautiful woman like that. Did I bore you? O nahirapan ka ba sa paghahanap sa'kin?"

Isinampa ni Rake ang kamay sa upuan at binigyan ako ng makabuluhan tingin. "I don't know what's really with you, Ericka. Bigla-bigla nagbabago ang ugali mo. Minsan, hindi ko na alam kung ano ang dapat paniwalaan sa kung ano ang nakikita ko."

"Oh darling," I move to pulled myself closer to him. "You just have to believe what you want to believe. It means, less conflict, less chaos and less bullshit."

Gumapang ang kamay ni Ekar mula sa likod ko. Hindi ako gumalaw nang maramdaman ko ang paghigpit n'on sa bewang ko.

"You almost killed Dr. Sanchez, Ericka. You kicked my fucking balls and then you runaway, just what you usually do. Takbuhan ang lahat ng problema mo. Ganyan ba ang ginagawa mo ngayon?" tanong nito. "Running away and have that selective amnesia? I don't know if it is real or not. Pero ang alam ko lang, pinaglalaruan mo nanaman ako sa mga kamay mo."

I raised my brow to him. "What if I'm not? And what if, this is who I really am? Would you still chase after me?"

Idinantay niya ang isang kamay sa mukha ko. Napatingin ako sa mga niya. It was hypnotizing and familiar at the same time. I saw it somewhere else before, hindi ko lang matandaan kung saan.

"I will do anything to have you again and again. But you have to quit playing mind games," he said, frustratingly. "I thought we're done about this before."

"I really don't know what you are saying. Pero sa pag-o-obserba ko, mukhang hindi madali ang pinagdaanan mo sa'kin."

"It was, but it was worth all the pain. But you left me in the end."

"Because I don't know how to love," I told him then stood up infront of him. Pinapanood niya ang bawat galaw ko. "I destroy everyone around me. I fuck who I wanted to fuck. I use who is useful to my needs, I guess, that's how love works for me." hinawakan ko ang leeg niya at inilapit ang mukha ko para bigyan siya ng maliliit na halik.

Hindi siya umatras at hindi niya rin ako itinulak. Mas lalo ko naman hinila ang mukha niya papalapit sa'kin. Napahawak siya sa bewang ko inilalapit sa katawan niya.

Lumapat ang labi niya sa'kin at kinagat ko naman 'yon ng mariin. Sobrang diin na halos masugatan ko na ito. Itinulak ako ni Ekar at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.

I laughed sardonically.

"That's it," tumayo siya sa harap ko. Nawala naman ang mga ngiti sa labi ko. "You can hurt me all you want but I won't let you runaway again."

Nanlaki ang mata ko nang yumuko siya para buhating ako. Isinampa ni Rake ang katawan ko sa balikat niya. Nagpupumiglas ako na ibaba niya ako. Sinuntok ko ang likod niya ngunit parang wala lang iyon sakanya.

"Fuck! Ibaba mo ako, Ekar! I don't know you! This is kidnapping!" sigaw ko. Napatingin naman ang ibang taong nagsasayawan sa direksyon namin.

Mas lalo kong nilakasan ang boses ko. "Help me, people! He's forcing me to come with him! This is against the law!"

Narinig ko ang pagtawa ni Rake ng malakas at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa katawan ko na parang sako ng bigas sakanya.

"Plot twist, Ericka Quinn, I owned this place. No one would ever bother to help you. Not even the bouncers."

"Fuck! Fuck!" naiinis na sigaw ko dahil wala akong magawa. Karga-karga niya ang katawan ko at hindi ako makababa! "Hindi ko alam kung anong meron tayo dati pero sigurado ako na hindi kita minahal!"

Palabas na kami ng bar at mukhang walang epekto sakanya ang sinabi ko.

"Hindi man sa ngayon pero bukas kailangan mo na. You don't have any choice but to marry me, Ericka Quinn."

Nang nasa entrance na kami saka niya ako ibinaba. Tatakbo sana ako pero nahawakan niya ako sa kamay. Binuksan ng security ang kotse ni Rake at saka naman niya ako itinulak papasok sa loob.

"Bitiwan mo ako! Hinding-hindi mo ako makukuha! I'm telling you this! Papahirapan ko ang buhay mo!"

Nagmamaktol ako na umupo sa back seat ng sasakyan. Tumabi naman siya sa'kin, napairap ako sa sobrang inis ko sa ginagawa niya.

"Papasayahin ko naman ang buhay mo, Ericka. But you have to help yourself first before you gain that happiness. Learn to let go."

Sasampalin ko sana siya pero nahawakan niya agad ang kamay ko. "Fuck you. Who are you to control me like this? The last time I checked, I am my own manipulator of my own life, not you, not them and not even the one I'm scared the most."

Binitawan niya ang kamay ko. Pakiramdam ko, sobrang pula na ng mukha ko sa galit. Nagngingitngit ang sarili ko sa pagkainis sakanya!

Pinanood ko lang siya na kunin ang panyo mula sa gilid ng sasakyan. I just crossed mt arms to him, giving the attitude he deserved.

"I will never, like ever love you---"

Nagulat ako nang ilagay niya ang panyo sa ilong ko. Sa una, hindi ako makahinga kaya pinilit kong lumaban pero maya-maya hinihila na ako ng antok at dahan-dahan nadin bumabagal ang pagsuntok ko sa katawan niya.

I'm being powerless again and as usual, I couldn't do something about it. Pumikit na ako at hinayaan ang tadhana kung ano ang mangyayari sa'kin.

"Sleep now and confront me later, My Quinn. You have a big event to attend tomorrow." I heard him say before I totally passed out.

My Favorite DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon