Chapter 27"M-martha... Anong ginagawa mo rito?"
Hindi makapaniwalang tanong ko. She smiled at me, tumabi siya kung saan ako nakaupo. Niyakap niya ako ng mahigpit. Teka, naguguluhan padin ako. Kung bakit niya nagawa ang lahat ng iyon?
"Make it fast and sweet," singit ni Jessica at tiningnan ako ng masama. "I still don't like you, so don't stare at me like that."
"The feeling is mutual, dear," sagot ko. "Why is she here too? Naguguluhan ako, Martha. Enlighten me."
Huminga ng malalim si Martha at hinawakan ang dalawang kamay ko ng mahigpit. "Nangako ako sa'yo na gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Kasama ang pagpatay sa lahat ng kaaway mo."
"I-ikaw ang lalaking naka-mask?" gulat na gulat na tanong ko.
"I am, bago kapa bumalik pinaplano ko na ang lahat ng pwedeng mangyari. Binayaran ko si Gracia para pumasok kay Rake at pagkatiwalaan ka para kahit papaano alam ko kung ano ang nangyayari sakanya."
"How the fuck she made it alive? She was poisoned that day, I saw it."
"She's an actress, Merlat. Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito kung bakit ako naging ganito, hindi ba? Ito lang ang natatanging panahon na patunayan sa'yo na may natutunan ako."
"And her," turo ko kay Jessica sa likod. "Kasama rin ba ang makipaglandian kay Rake ang kasunduan niyo?"
Tumawa ng mapakla si Jessica. "Bitch, hindi naging kami kung nagseselos ka. The man is so loyal to you. Hindi ko nga mahanap kung anong mayroon ka na wala ako." She then crossed her arms.
"Natural big breast, Jessica. 'Yan ang wala ka," mataray na sagot ko at nilingon muli si Martha. "This is too dangerous, you know that? Kapag nalaman ni Greg na ikaw ang dahilan ng lahat ng pagpatay, hindi siya magdadalawang isip na isunod ka."
"It's okay, Merlat. Atleast, I did my part. Ang dami mong itinulong saakin. Sabihin na natin na ito na ang oras na binabalik ko sa'yo ang lahat ng nagawa mo kahit may pagka-bitchesa ka."
True this. Kahit hindi ako swerte sa buhay. May ilan-ilan tao sa buhay ko na gagawin ang lahat para sa kailangan ko. I was lucky enough to find her. Hindi ako madalas magtiwala sa mga tao pero kapag nagtiwala ako, alam kong hindi ako ta-traydurin ng pinagkakatiwalaan ko.
"I killed them all for you..." she murmured. "Whatever it takes, I'm willing to take the consequences, Merlat."
"Martha..." Hinawakan ko siya sa pisngi. I was somehow scared for her life. Hindi ko dapat siya dinadamay sa laban na ako mismo ang nag-umpisa. "You don't have to do this anymore... Malaya kana ngayon. Magtago ka at gawin mo ang gusto mong gawin. Wala kanang utang na loob na dapat bayaran saakin. All of these are enough."
Naluluha siyang tinitigan ako. "Matagal-tagal na paghahanda ito, Merlat... I did it for you. When we talked before you leave that day. Ang sabi mo saakin ako na ang bahala sa mga susunod na mangyayari kapag bumalik ka. Ang sabi mo, ayaw mong ipaalam ko sa'yo ang gagawin ko sa pagbabalik mo dahil hindi mo rin pinagkakatiwalaan ang sarili mo. So I did. I hope it'll be all successful. You deserve happiness, Merlat. Remember that."
Niyakap niya ako muli ng mahigpit at pareho na kaming tumayo. This was the end for me and her. Ito na ang huling araw na may gagawin siya para saakin. Hindi ko alam kung anong napag-usapan nila ng dati kong ako pero alam ko lang, sa mas ikabubuti niya na huwag ko na lamang tanungin.
"Kailangan mo nang umalis, Martha. Bago kapa nila makita dito."
"Merlat..." naiiyak na sambit nito. "Is this goodbye for us?"
Ngumiti ako ng bahagya. "I guess so... Thank you for everything, Martha."
Bang!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang humalundusay ang katawan ni Martha sa harap ko. Nasalo ko agad siya bago pa siya tuluyan bumagsak sa sahig.
"Martha! Fuck no!" nanginginig na iyak ko. "No, no, no! Don't die here! Don't!" sigaw ko nang paulit-ulit. I looked around and I saw Jessica running to the door behind. Nasa likuran ko na ang mga tauhan ni Greg.
Hindi na ako tumakbo pa. I wanted to save Martha ngunit huli na ang lahat, hindi na siya humihinga. I screamed really loud. Ang sakit maramdaman mawalan ng isang kaibigan na tinuring mo na parang kapatid.
How this life was so unfair! Paulit-ulit binabawi saakin ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. Kaya ayoko na ma-attach sa mga tao. It fucking hurt so much when they leave.
"Martha... I'm sorry..." iyak na bulong ko sakanya. Ibinaba ko na siya at nilagay ang ulo sa hita ko. "I'm sorry if I couldn't do something about it this time... I'm really sorry..."
Ilan beses ko hinaplos ang buhok niya. Halos namamanhid na ang buong katawan ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I loss a friend today. A fucking real friend. Unti-unti nanaman namumuo ang galit sa kalooban ko.
Greg needed to die now. He deserved to die now!
"Ang sabi ko naman sa'yo, mahahanap at mahahanap kita kahit saan ka man pumunta," rinig kong sabi ni Greg mula sa likod ko. "Sumama kana ngayon na hindi ginagamitan ng dahas. Alam mo rin naman ang kahahantungan nito, Ericka."
"Happy now?" Marahan kong ibinaba ang patay na katawan ni Martha at tumayo upang harapin si Greg. "You killed her. Hope you're fucking happy now."
Nakipagtitigan ako sakanya. He did that same. Kung may baril lang ako na hawak ngayon, I would shot him over and over again hangga't hindi siya makilala ng mga makakakita sakanya.
"You're coming with us, let's go, Ericka," sabi nito na parang walang nangyari. "Let's call it quits. She killed two of my friends..."
"I don't give a fuck regarding your friends. Hindi mo ako mapapasama---"
"Hawak ko si Lorde at Rake."
Naglabas ito ng cellphone then he showed me a video, nakatali ang kamay ni Rake at naka-blindfold. May baril na nakatutuok dito mula sa likuran ng ulo. On the other hand, si Lorde naman na naglalaro sa isang kwarto na hindi ko alam kung saan. May kasama itong lalaki na may nakatagong baril mula sa gilid.
It gave me horror seeing both the love of my life in danger. Napalunok ako at kinalimutan ang galit ko. I needed to control myself. Kailangan kong maisahan si Greg sa mga gagawin niya na sunod na hakbang dahil kung hindi, alam kong may nakahanda siya na susunod na plano.
Gaya ng sinabi niya, nanahimik ako at sumunod kung saan niya ako balak dalhin. I was still heartbroken by Martha's death at ngayon naman, kinakabahan ako sa kapakanan ng mag-ama ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanilang dalawa.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa sinasabi ni Greg. I knew where it was. It was the club I was working few years ago. It was still the same, dark and dirty. Dito pumupunta ang mga lalaking halang ang kaluluwa. This was the club where money matters and you could sell your soul as long as the price was right.
Dumiretso kami sa kwarto kung saan nila pinarurusahan ang mga taong may kasalanan sakanila. Ito rin ang kwarto kung saan ako muntikan mamatay noong galit na galit saakin si Rake.
The difference now, may malaking screen sa harap at sa gilid. Showing where Rake and Lorde's at. Mas lalo akong hindi mapakali. I was thinking the next move I should do to save them both. Alam ko kung paano maglaro si Greg, hindi niya dapat ako maisahan.
They stopped walking to the table. Todo bantay ang alagad ni Greg sa amin dalawa. May kinuha itong papel at inilipat ang page sa pinakadulo sabay abot saakin.
"Hindi mo na kailangan basahin kung ano ang nakasulat. That's our deal, just sign it and we're done. I don't need to kill them," seryosong saad niya saakin.
"Sino bang maloloko mo na wala kang gagawin masama---"
Itinaas nito ang kamay sa lalaking nasa gilid. The guy whispered on his earphone at nagulat ako nang lumipat ang lalaking nagbabantay kay Rake sa harapan. He forcefully opened Rake's mouth at pinasok doon ang baril.