"The moment I looked into your eyes, I already knew that my cold heart started beating again."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Isang nakaka-inis na tunog ang narinig ko sa kwarto ko. Takteng alarm clock. Sa pagdilat ko sa mga mata ko, dun ko lang narealize na first day pala ng klase. Haaay. First day na ng last year ko sa highschool at ang nakaka-inis pa ay ngayon pa talaga ako nagtransfer ng school kung kailan last year ko na sa highschool. Bagong pag-aadjust na naman. Eh masisisi mo bang matalino ako?
Natransfer ako sa isang private school kasi ang talino ko daw, asus. Sa ayaw o sa gusto ko, kailangan kong magtransfer para kay mama. May scholarship kasi ako dun so that means wala na siyang babayaran kasi libre na lahat at tsaka private eh, sino bang magulang ang ayaw mapunta ang anak niya sa isang tanyag na private school.
Bumangon na ako at naligo kahit na ang aga aga pa. Eh 5:30 kailangan ko nang bumangon kasi 6:30 yung klase!!! Nakaka-inis no? Pvta. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng uniform ko tsaka I.D. ko. Sinuklayan ko ang buhok ko at bumaba na.
Nadatnan ko si mama na nagluluto ng pagkain at naglalagay ng kanin sa mesa. Ngumiti ako at nagpasyang tulungan siya.
“Good morning ma.” bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. “Ako na po ang tatapos diyan.”
“Nako eh 'wag na, madumihan ka pa. Mabuti pa eh umupo kana dun habang tinatapos ko 'to.” pag-ayaw niya sa offer ko sa kanya habang binabaliktad niya ang scrambled egg na nakakagutom ang amoy. “Tawagin mo nalang ang kapatid mo baka hindi pa 'yon gising.”
Wala na akong magawa kundi ang sundin ang utos niya. Gusto ko lang naman ang tumulong sa kanya kahit na maldita ako. Yep, maldita ako pero hindi 'yon hadlang para tulungan ko si mama. Kami na lang kasi tatlo ang nagsi-stay strong dito sa bahay kasi wala si papa. Ewan ko nasan siya, di ko pa siya nakita eh.
Pumunta na ako sa kwarto ng kapatid kong babae. Binuksan ko ang pinto at nadatnan siyang mahimbing na natutulog. Umupo ako sa kanyang higaan at pinagmasdan siyang matulog. Kitang-kita ang malaking sugat sa kanyang mukha na nakuha niya ilang taon narin ang nakalipas. Hanggang ngayon, hindi parin nahuhuli ang nakabangga sa kanya, ang rason kung bakit 'di na siya nakapagsasalita. Natrauma kasi siya sa nangyaring aksidente. Sa pagtitig ko sa kanya at pag-alala sa nakaraan, hindi ko namalayang tumulo na ang aking mga luha.
Naramdaman ko nalang na may humihila sa aking blusa at nang aking tignan eh ang akin palang kapatid. Agad kong pinunasan ang aking luha upang hindi niya makita. Ayaw niya kasi akong nakikitang malungkot. Pinakita niya sa akin ang kanyang sketchbook na ginagamit niya para makapag-usap sa amin.
'Umiiyak ka ba ate?' - ang nakasulat don. Tumingin ako sa kanya sabay ngiti.
“Hindi ako umiiyak, Aria,” sambit ko habang hinaplos ang kanyang pinsgi. “Pinuntahan lang kita dito para gisingin ka kasi first day na sa klase.”
Pagkasabi ko nun, nanlaki yun mga mata niya. Dali-daling may sinulat siya doon.
'Sige ate, maliligo na ako.'
Pagkatapos eh tumakbo na siya sa C.R. para maligo. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya sabay sabing,
“Bilisan mo diyan, baka iwan kita ngayon, sige ka.”
BINABASA MO ANG
The Gangster's Inlove
Teen FictionWhat if, isang araw, may makilalang malungkot na gangster ang isang babaeng may masakit na nakaraan? What if, nalaman nilang may nagawa pala silang mali sa isa't-isa? What if, may kinalaman ang gangster kung ba't nagkaroong ng masakit na nakaraan a...