"You'll always be on my mind."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Hindi ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa.
ANAK NG TIPAKLONG! ANSAKIT BHEEEE!!!! Napahimas ako sa noo ko. Pota kuya ah! Pinintik pa naman ng pagkalakas-lakas yung noo ko. Binitawan na niya ako at tiningnan ng masama.
"'Pag nakita pa kita ulit-"
"Ano?? Papatapon mo ako sa Mars ganon? O sa Jupiter? Oh? Saan na ang spaceship mo para sumakay na ako at para hindi na makita ang napakapangit mong mukha!!"
And with that, iniwan ko yung pesteng yun. Nakakagigil. Sayang ang oras ko sa kanya, mahal pa naman ang oras ko, bente kada isang minuto.
Naglakad na ako papunta sa school. After ilang minutong paglalakad, naabot ko narin. Malaki siya kompara sa previous school ko, mas maganda rin at malawak. Sky blue yung walls niya na may kaunting white. May nakalagay na 'Infinite Academy' sa taas ng gate tapos yung gate niya mala-castle yung style, pfft, ano pa nga ba, pangmayaman eh, dapat may class .Well, for me, kailangan kong dumaan sa gate na maglalakad ka lang, wala akong kotse eh.
Papasok na sana ako ng harangin ng isang guard.
"Hep hep hep. Bawal munang pumasok hanggang 'di pa nakakapasok ang Infinity." sabi ni mamang guard.
Infinity? Walang hanggan? Pa-special yan sila ah. Hindi makakapasok hanggang hindi sila nakakapasok? Grabe bes grabe.
"Eh, mamang guard, sino po ba 'yan sila??" inosente kong tanong kay guard. Tumingin naman siya sa akin.
"Bago ka ba dito iha?" tanong din niya sa akin. Tumango naman ako.
"Ang Infinity ay isang grupo ng gangsters na may limang membro. Si Jake Montenegro, Yves Dizon, Leonard Callo, Gael Ventura at ang anak ng may-ari ng eskwelahan na si Henry Cortez. Sila ang pinakakinatatakutan ng buong eskwelahan, kahit mga guro at pati narin kami. Eh pano ba? Isang pagkakamali lang namin, tanggal na kami. Makapangyarihan kasi sila at ang pinakamayaman dito." pagso-story ni mamang guard.
Luh? Pati ba naman dito, may mga ganun??? Pero sa pagsabi nun ni guard, I admit, natakot ako. Baka anong magawa nila sa akin, bago pa naman ako.
"Kung anong gusto nila, makukuha nila. Kung may gusto silang makuha, gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha 'yon nila."
Luh??? Ganon sila kadesperado? Asuuus, pero nakakatakot talaga ih. Hay, sana 'di ko yan sila makita, baka matripan ako eh, patay na talaga ako. Wag naman sana, bubuo pa ako ng pamilya huhuhuh.
Ilang minuto pa, may bumusina sa tapat ng gate. Isang malaking black van na may pintang infinite sign sa may pintuan.
Sila na siguro yung tinatawag ni kuya na Infinity.
Agad bumukas ang gate at pinapasok ang van. Tumingin ako kay mamang guard.
"Sila po ba yung sinasabi niyong Infinity?" tanong ko sa kanya.
"Oo iha. Ngayong nakapasok na sila, pwede ka na ring pumasok." nakangiting sagot niya.
Pumasok na ako, ano pa nga bang hinihintay ko?? Si Mr. Right? Pfft, walang poreber! Pagpasok ko sa school, ang ganda-ganda ng nakita ko. Napaka-magara ng eskwelahang 'to. 'Di ako nabi-belong dito, for rich only eh. Tiningnan ko ang likod ng I.D. ko, nandun na lahat ng kailangan kong malaman.
Naks, first section pala ako at iyon ay nasa taas ng east building. Oh? Wag na kayong magtaka, apat na building ang nandito, east, west, south tsaka north, lahat may kumpletong kagamitan sa pagtuturo. At kada building eh 6-storeys high, mabuti nalang may elevator dito kung wala hindi na talaga ako makaka-abot sa tuktok ng hindi bumibigay ang paa ko.
Sumakay na ako sa elevator at pinili ang 6th floor. Nag-antay ako dun hanggang sa maka-abot ito sa 6th floor. Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na ako. Hinanap ko ang class 4-A. Ang lawak din pala ng isang floor no? Mawawala talaga ako dito, tsk tsk tsk.
After kong magpaikot-ikot sa 6th floor, nakita ko na rin ang classroom ko. Pagpasok ko palang, sinalubong ako ng malamig na hangin na sinlamig pa ng ice. Aircon lang pala, puta. Ang yaman talaga, akalain mo? Limang aircon sa isang classroom??! Anakng?!
Binalewala ko nalang 'yun at pumunta sa desk na walang naka-upo. Bago ko pa man mahila ang upuan ko, may humarang sa 'kin. Tiningnan ko siya. Makinis, maputi siya pero ba't gano'n? Dejk. Yep, makinis siya, maputi, maganda pero halata na inis na inis yung mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Um, ikaw ba nakaupo diyan??" tanong ko sa kanya habang itinuturo ang upuan.
"Are you sure dito ka talaga pumapasok?? Mayayaman lang ang welcome dito, and that excludes you. Get your butt out of here." galit niyang sabi sa akin. Wooooow. Grabeeeeee grabeeeeee grabeeeeeeeee. First day na first day, ganito aabutin ko?
"Uhhh......scholar po ako." simpleng sabi ko. Ngumisi siya ng nakakaloko.
"Scholar? Another one eh?" sabi niya at linapit yung mukha niya sa akin. "You better not make the same mistake as the previous one. If you do, you're dead."
Then she stormed off the classroom. Hanuh daw?? Well, lalabas nalang din ako. Linagay ko muna ang bag ko sa upuan ko bago lumabas. Wala din naman akong magagawa dito eh, besides, pwede ko rin 'tong gawing opportunity para mamaster ko ang mga daanan dito.
Pabalik na sana ako nang may nakabunggo na naman sa akin. Nakayuko ako, hindi ako nakatingin sa kanya pero sa I.D. niya.
H-henry C-cortez??
Sh*t. Tell me I'm dreaming. F*ck. Ba't siya pa? Lord, maawa ka sa akin. Inaantay pa ako ni Mr. Right ko, 'wag mo muna akong kunin, please. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Wait. Nakita ko na siya ah. Siya yung.....siya yung.......oh shet. Putchiiiii!!!! Ba't ko ginawa yun?? Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ako.
"IKAW?!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~[A/N: Halllllloooooo!!!!!!! Paktay ka talaga Andrea!!!! Yan kasi napapala sa mga taong maldita. Nakuuuu talagang bata ka. Anyways, hope you liked this chapter(^_^) and if you did, a vote will be really appreciated and don't forget to write down your thoughts. Love you bongbongs, annyeong~~~~~!!!]
BINABASA MO ANG
The Gangster's Inlove
Teen FictionWhat if, isang araw, may makilalang malungkot na gangster ang isang babaeng may masakit na nakaraan? What if, nalaman nilang may nagawa pala silang mali sa isa't-isa? What if, may kinalaman ang gangster kung ba't nagkaroong ng masakit na nakaraan a...