"Being with you makes me forget my painful past."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~"IKAW?!" sigaw sa'kin ni Mister Namintik ng noo ko kanina.
Waw ha, makabingi-tenga teh!
"Oo, ako nga, ano naman??" sagot ko, pa-angas angas lang 'to pero nanginginig na ako sa takot 'pre!
"Aba, ang lakas mong sumagot ah!"
"Tinatanong mo kung ako 'to eh, oh edi sumagot ako!"
"Hoy! Lakas mo talagang sumagot bata ka! Akala mo sino! Palibhasa kasi baguhan dito kaya hindi mo ako kilala!"
Napalunok ako. Naalala ko na anak pala siya nang may-ari ng paaralang 'to. Well, duh? Who cares? Eh nagkamali siya, bawal 'yun konsentehin. Magpakatatag ka Andrea, kaya mo 'to. 'Wag kang matakot sa mga lokong katulad nito. Dapat mong gawin ang tama.
"Oo tama, hindi kita kilala! Dahil transferee ako! Transferee!!!"
Napatigil siya ng masabi ko ang salitang 'transferee'. Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya. Problema nito?
"I'll let you pass this time pero sa susunod na may gagawin kang 'di ko ikatutuwa, patay ka sa'kin." sabi niya tsaka nagwalk-out.
Pinanood ko siyang maglakad palayo habang dinudumog siya ng mga babae na panay ang tili. I rolled my eyes. Babalik nalang ako sa klase, nawalan ako ng gana na mag-ikot-ikot dito dahil sa mokong na 'yon. Tiningnan ko kung anong oras na, 6:15. Tamang-tama, pagbalik ko sa classroom, magsa-start na ang klase.
Pabalik na ako nang may mapansin akong kumpulan ng tao sa unahan. 'Di ko napigilan ang curiosity ko kaya naman pinilit kong makalusot sa dami ng tao para makita ang ganap dun. Nang makita ko 'yun, nagulat ako. Si Henry may kabugbugan na isang lalaki. Ang mga babae naman, tili ng tili, para ngang mabibingi na ako eh.
"Tang*na mo! Bakit bumalik ka pang gag*ng ka?! Bakit???!! Para mang-agaw ulit? Ha? Ano!?" nanggigigil na sigaw ni Henry sa lalaking hawak-hawak niya ang kwelyo ng kanyang uniporme.
Nang matingnan ko nang maayos ang lalaki, nanlaki ang mata ko. T-teka ba't hawak niya si Timothy???
"TAMA NA!!!" sigaw ko at inawat silang dalawa. Biglang binitawan ni Henry si Timothy. Natumba naman si Timothy na agad kong tinakbuhan.
"Shocks, anong ginagawa niya?"
"Baguhan kaya nagkakaganyan."
"Hindi niya alam pinapasok niya gurl!"
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. I put Timothy in my arms. Madami siyang pasa sa mga suntok ni Henry at dumudugo din ang kanyang labi.
"A-Andrea??"
"Shhhh, dadalhin muna kita sa clinic." tinulungan ko siyang tumayo at maglakad papalayo sa kumpulan ng tao.
Bago pa man kami makalayo, may humawak sa kamay ko. Unti-unti kong tiningnan kong sino 'yon. Ang mokong lang pala.
"Ay shet, hinawakan ang kamay bhe!"
"Puta! Lagot 'yan sa'kin."
"Sino ba 'yan siya?"
Nagsimula na naman ang bulungan pero di ko pinansin. Tiningnan ko si Henry ng masama. Tumingin ako sa mga mata niya. 'Di ko mabasa ang sinasabi ng mata niya, halo-halo ang kanyang emosyon, ewan kung bakit. Tiningnan din siya ng masama ni Timothy.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Inlove
Teen FictionWhat if, isang araw, may makilalang malungkot na gangster ang isang babaeng may masakit na nakaraan? What if, nalaman nilang may nagawa pala silang mali sa isa't-isa? What if, may kinalaman ang gangster kung ba't nagkaroong ng masakit na nakaraan a...