“You're the reason behind my smiles.”
~~~~~~~~~~~~~~~~Andrea's POV
Ngumiti ako sa kanila.
“Ako si Andrea Leonore Park.”
Bigla nalang nagring ang bell. Labasan na nila Aria. Ang mga estudyante ay nagtakbuhan mula sa kanilang mga silid. Agad silang naglaro sa playground sa gitna ng paaralan. Nagulat ako nang may maramdaman akong yumakap sa aking likuran. Tumingin ako sa likod.
“Hi Cupcake! Okay lang ba ang first day mo?” bati ko kay Aria at ginulo ang buhok niya. Ngumiti naman siya nang malapad. Tumango-tango siya sa'kin. Napatingin siya sa likod ko.
May sinulat siya sa sketchbook niya.
"Sino po sila?"
Ngumiti ako bago sumagot.
“Mga kaibigan ko sila.”
Lumingon ako sa kanila at pinapunta sa harap ang kapatid ko na tumatago sa likod ko.
“Kapatid ko pala, si Aria.”
Nagwave si Aria bago tumago na naman sa likod ko. Umiling lang ako at tumawa.
“Uhm....'di siya nakakapagsalita?” biglang tanong ni Yves.
Umiling ako. Kumunot ang noo niya.
“Bakit naman?”
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Aria bago sumagot.
“Nabangga siya ilang taon na ang nakakalipas. Sabi nang doktor na, natrauma daw siya sa pangyayari at ilang taon pa daw bago siya makapagsalita ulit.”
Natahimik naman sila. Nagkatinginan sila at sinusulyapan si Henry. Muntik na akong maiyak habang iyon ay aking sinasabi, mabuti nalang 'di tumulo ang mga luha ko. Tiningnan ko ulit si Aria.
“Tara na, uwi na tayo,” ibinalik ko ang tingin ko sa kanila, “Mauna na kami.”
Bago pa man sila makasagot, umalis na kami ni Aria. Ilang bahay nalang mula sa bahay namin ang lalakarin nang mapansin kong may nakaparada na kotse sa harap ng bahay. Itim ito at napakamagara.
Lamborghini.
Pero bakit may kotse? Wait, baka nag-aasume lang ako. Baka sa ibang bahay 'yan. Umiling-iling lang ako sa mga naiisip ko at nagpatuloy nang maglakad.
Agad kaming kumatok sa pintuan para lang magulat sa nagbukas. Lalake.
Teka, ANO??!
Isang lalaking singkit na nasa 40s ang edad ang nagbukas sa pinto ng bahay. Gwapo ito at napakamagarang tingnan. Sa suot palang niyang suit eh malalaman mo nang mayaman siya.
“Andrea? Ikaw bayan anak?” nagulat ako sa malalim niyang boses.
A-anak?
“P-po??”
Bigla siyang tumingin kay Aria. Ngumiti siya kay Aria at nagbend down para magkapantay silang dalawa.
“At ikaw naman si Aria.”
Tumango lang si Aria. Teka, si papa ba 'to? Hindi, hindi maari. Tahimik lang kami nang marinig kong papalapit si mama sa pinto.
“Honey, sino— A-Andrea??”
Napahinto si mama nang makita niya ako. Honey? So that means—
“Si p-papa b-ba 'to?” tanong ko ng walang boses sabay turo kay papa gamit ang nanginginig kong kamay at tumingin kay mama. Hindi siya nakasagot at napatingin na lamang sa kanyang paa.
Dali-dali kong ipinasok si Aria sa kwarto niya.
“Cupcake, dito ka muna ha? Ang mga assignments mo gawin mo na, kung meron.”
Tumango naman si Aria habang ako, tumakbo palabas. Nakita ko nalang na nakaupo si mama kasama si 'papa' sa sala at nag-uusap. Nang mapansin nila ako, tumigil sila sa pag-uusap.
Tumayo si mama sa pagkakaupo niya sa upuan. Tiningnan ni mama si 'papa' at para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Tumango naman si mama at ngumiti ng maliit bago tumingin sa akin.
“Nak, siya ang papa Richard mo.”
Nagpigil ako ng mga luha nang sabihin niya iyon.
“Ma, diba ang sabi mo po ay sa susunod pa na buwan uuwi si papa?” habang sinabi ko iyon, humakbang ako papalapit sa kanila.
Tumayo si papa. “Hindi ka ba masaya na ako'y naka-uwi na?” biglaang tanong niya. Napahinto ako, hindi sigurado sa isasagot ko.
“Oo at hindi...” tumingin ako sa paa ko bago tumingin kay papa. “Oo, masaya ako dahil nandito ka na,” inilipat ko ang tingin ko kay mama na nakatingin din sa kanyang paa. “Hindi, dahil umuwi ka rito na parang wala kang ginawang masama.”
Kumunot ang noo nito. “Ano naman ang ginawa kong masama?”
Huminga ako nang malalim bago sumagot sa kanyang tanong, “Umalis ka para magtrabaho at iniwan mo si mama na nagdadalantao sa akin. At sa mga panahong nagtratrabaho ka, hindi ka manlang nagpadala ng pera para kay mama at siya pa talaga ang nagtrabaho para magkaroon ng pera. Sasaya ba ako do'n?”
Naghari ang katahimikan sa aming tatlo. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita si papa,
“Hindi ako nakapagpadala, oo tama iyon, dahil 'yon sa paghihirap ko upang masalba ko ang kompanya ko, natin. Kaya eto ako ngayon, umuwi na para makabawi.”
Kompanya?
Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kaliwa ko. May galit parin ako sa kanya.
“Nga pala, ililipat ko na kayo sa mansyon ko, in three months. Doon na kayo titira ng nanay mo.”
Napatingin ako sa kanya habang nanlaki ang mga mata ko, “T-teka po papa ha, para naman pong ang bilis?”
“No it's not, young lady. Pwede ngang ngayon ko na kayo ilipat eh. Para mas malapit sa paaralan mo.” anito, habang tinitingnan ang kanyang gintong orasan. “Napag-usapan na din namin ito ng nanay mo kaya wala ka nang magagawa, anak.”
Bumuntong-hininga ako bago pumunta sa aking silid.
•°•°•°•°•°•°•
Habang ako'y nakahiga sa aking kama, bigla nalamang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong binuksan.
1 New Message from: 09XXXXXXXXX
Sino naman kaya ito?
Binuksan ko ang mensahe at nagulat sa aking nabasa.
«Tingnan lang natin kung makakalabas ka pa ng buhay bukas......o baka nga hindi ka na makakapasok ng walang bugbog o
sipa >:-) »
BINABASA MO ANG
The Gangster's Inlove
Teen FictionWhat if, isang araw, may makilalang malungkot na gangster ang isang babaeng may masakit na nakaraan? What if, nalaman nilang may nagawa pala silang mali sa isa't-isa? What if, may kinalaman ang gangster kung ba't nagkaroong ng masakit na nakaraan a...