CHAPTER 6

24 2 2
                                    

“I never thought that I would love someone
again.”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Filler chapter lang po 'to. At maikli lamang. I hope you enjoy!

°•°•°•°•°•°•°•°

Sa huling pagkakataon ay aking hinampas ang orasan ko upang ito'y tumigil sa paggawa ng ingay. Minulat ko ang aking mga mata at tumayo na upang makapaghanda papuntang paaralan. Naligo na ako't nag-ayos pagkatapos ay pumunta sa silid ng aking kapatid upang ito'y gisingin. Sa 'di ko inaakala, wala na ang aking kapatid sa kanyang kama. Pumunta ako sa baba at nakita si mama na naghuhugas ng pinggan.

“Magandang umaga ma,” bati ko sabay halik sa kanyang pisngi. “Nasaan po si Aria? Bakit wala na siya sa kanyang silid?”

“Hinatid siya ng papa niya sa paaralan.” sagot niya.

Nag-abot ang dalawa kong kilay, “Po? 'Di ba't parang ang aga naman po yata?”

Pinunasan niya ang kamay niya ng tuyo na tela bago sumagot, “Aba'y ewan ko sa dalawang 'yon.”

Napangiti na lang ako. Masaya akong nagiging malapit na ang dalawa sa napakaikling oras.

“Oh? Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?”

Tumawa ako nang mapansin niya, “Nako, wala po.”

“Kumain ka na, baka malate ka pa eh.”

Tumungo na ako sa mesa at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos narin akong kumain.

“Ma, mauna na po ako.” paalam ko at hinalikan ang magkabilang pisngi niya.

“Teka,” may binunlot siya mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin, “Bigay 'yan ng papa mo, allowance mo daw.”

Sa laking gulat ko, isang libo ang nakalagay sa kamay ko. Tiningnan ko si mama, “M-ma, 'di k-ko tatanggapin 't-to.” sambit ko sabay balik sa kanya sa isang libo.

“M-ma,—”

“Anak, sige na,”

Tiningnan ko ang mga mata niya pagkatapos ay bumuntong-hininga, “Okay.”

Ngumiti siya at yinakap ako bago ito tumawa,Oh siya, tigilan na natin itong kalokohan natin, mahuhuli ka pa sa klase eh.”

Natawa rin ako at tumango, “Opo,” hinalikan ko ang magkabilang pisngi niya.

Paglabas ko ng bahay, kakaiba ang aking naramdaman. Para bang may nakatitig at sumusunod sa akin. Nagpasulyap-sulyap ako sa likod ko pero wala akong makitang nakasunod o nakatingin sa akin.

Paranoid ka lang, Andrea.

Sa pagdating ko sa harapan ng paaralan ko, nakatanggap ng mensahe ang cellphone ko. Isang unknown number na naman.

«Look behind you.»

Tumingin ako sa likod ko.

“OMG!”

•°•°•°•°•°•°•°•

[A/N: Yow! Short chapterㅇㅅㅇ. Bye XD]

The Gangster's InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon