hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang dalawang linggong nagdaan, pero bakit sa isang iglap, naging ganito si aly. bakit sinasabi nyang wala na siyang nararamdaman para sakin, bakit hindi na nya ko mahal?
myco: believe me or not, wala akong alam sa nangyayari. tinawagan nya ko kanina na magkita daw kami dito. ng magtext ako kanina na andito na ako, sinabi niya na dun ako umupo sa tabi mo dahil may mahalaga daw tayong pag-uusapan.
.
napatingin ako kay myco na ngayon ay nakaluhod sa harap ko at inaalalayan akong tumayo. sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala siya dito.
den: bakit nya sinasabing hindi na nya ko mahal?
myco: den, hindi ko rin alam. wala akong naramdaman sa boses nya nung kausap nya ako kanina na ganito ang gagawin nya.
den: mahal nya ko, nararamdaman ko yun, pero bakit biglang nakipaghiwalay siya sakin?
myco: siya lang ang makakasagot nyan. for now, ihahatid na muna kita sa inyo.
.
inalalayan ako ni myco na makasakay ng kotse. habang nasa daan ay hindi ko maiwasang hindi umagos ang aking luha sa sobrang sakit na nararamdaman ko. hindi ko alam kung ano ang nangyayari, bakit ganito? bakit hindi na ako mahal ng asawa ko.
myco: ayusin mo ang sarili mo, wag mong ipakita sa mga anak niyo na ganyan ka.
den: wala sa bahay ang mga bata. na kina mama sila, kasama ang mga yaya nila. si manang naman ay umuwi ng probinsya dahil may sakit daw ang tyahin.
myco: ah ganun ba? buti na rin yon. at para naman hindi ka nila makitang ganyan.
.
hindi ko nalang pinansin ang huling sinabi ni myco at itinuon ko ang tingin ko sa kalsada.
.
ng tumigil ang sasakyan ay pinagbuksan ako ng pinto ni myco. pagbaba ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.
.
bitbit ni jovee ang isang bag na hula ko ay mga damit ni aly ang laman samantalang nakakapit ang isa nyang kamay sa bewang ni aly. agad akong sumugod sa dalawa, at bago pa nakahuma ay binigyan ko na agad ng isang napakalakas na sampal si jovee. habang hawak ni jovee ang pisngi niyang namumula sa sampal ko ay binalingan ko si aly.
den: kaya naman pala biglang-bigla mo naisipang makipaghiwalay sakin! dahil sa lalaking ito!
.
den: walang hiya ka!
.
at binigyan ko ng mag-asawang sampal si aly.
den: tinanong kita, tinanong kita kung may iba ka na pero sabi mo wala tapos ito ang makikita ko? ayos ka din eh no? at si jovee pa ang napili mo?
.
hinawakan ni myco ang dalawa kong kamay at pinipigilan pang makalapit kay aly.
myco: tama na den.
den: anong tama na? itong sira-ulong to, dapat dito pinapatay! dapat dito hindi tinitigilan.
.
susugod na sana akong muli kay aly ng harangin ako ni jovee.
jovee: tang-ina mo naman denden, tumigil ka na!
den: ikaw ang tumigil! kayong dalawa ang tumigil! tang-ina niyong dalawa!
.
at muli na naman akong umiyak habang basag ang boses ko sa pagsasalita.
den: ikaw aly, minahal kita. minahal kita. tapos ito igaganti mo?
BINABASA MO ANG
SHATTERED DREAMS - Caught in the Middle Book 4 (Alyden ft. Myco Antonio)
Fanfictionpakibasa ang Caught in the Middle Books 1, 2 and 3 before reading this.. thank you..