which is right? which is wrong?

4.7K 122 56
                                    

halos ilang buwan na rin na ganon ang nangyayari..laging pinagbibigyan ni aly ang mga bata kapag hinahanap nila si myco. gusto kong mainis pero wala akong magawa dahil alam ko kung gaano kamahal ni aly ang mga bata. minsan uuwi siya ng nakainom, minsan naman madadatnan ko siya sa kwarto  na tulog na. 

.

nasa kwarto lang ako ngayon. nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay si aly. dati-rati, hindi ugali ni aly ang abutin ng alas nuwebe o alas diyes sa coffee shop, pero pag nalaman nyang kasama ng mga bata si myco, lagi na lang gabi na siya nauwi, tulad ngayon. kanina, after ng klase ng mga bata ay inaya ni myco na mag jollibee sina zegen, pumayag naman ang mga bata.

.

maya-maya ay narinig ko na ang ugong ng kotse ni aly, kaya bumaba na ako para salubungin siya. paglabas ko ng main door ay nakita ko siyang nagpaparada ng kotse sa garahe. agad akong lumapit sa kanya. bumaba siya ng kotse, kinuha ko ang bag nya, si aly naman ay agad akong hinalikan sa labi, saka ako inakbayan habang naglalakad kami papasok sa loob samantalang ako ay nakahawak sa bewang nya.

aly: ang mga bata mhie?

den: tulog na. ginabi ka na naman.

aly: daming trabaho eh.

den: dami daw?

aly: bakit? namimiss na ko ng asawa ko?

.

tumango na lang ako bilang sagot. tiningnan ako ni aly sa aking mga mata, namiss ko ang mga titig nya. tumutunaw sa puso ko. kinuha nya ang bag nya hawak ko at ibinaba iyon sa sofa na nasa sala. hinawakan nya ang dalawa kong kamay at saka hinagkan ang likod ng aking mga palad. tiningnan ako ni aly at naramdaman ko ang lungkot sa kanyang mga titig. niyakap ko siya, hindi naman ako nabigo dahil naramdaman ko rin ang pagganti nya ng yakap sakin.

aly: i love you mhie.

den: i love you so much mommy.

.

nanatili lang kami sa ganung posisyong ng may katagalan. para bang napakatagal na naming hindi nayakap ang isa't-isa. sabik na pinakikinggan ang pintig ng puso ng bawat isa.

.

.

.

kinabukasan ay nagising ako na wala si aly sa tabi ko. kinapa ko ang tabi ko pero wala talaga siya. kaya naman iminulat ko ang mga mata ko. napakunot ang noo ko ng makita ko siyang nakaupo sa may tapat ko at nakatitig lang sa akin. nakangiti siya, na para bang ipinapakita ang mapuputi nyang ngipin at ang maliit na biloy sa pisngi.

aly: good morning beautiful.

.

agad na yumuko si aly para gawaran ako ng mabilis na halik sa labi. pagkatapos ay umupo na sa tabi ko samantalang ako ay yumakap sa bewang nya.

den: good morning. aga mo nagising.

aly: alis tayo.

den: ha? 

aly: ibinilin ko na kay ella ang coffee shop. sabi ko daanan na lang nya. bakasyon tayo kina mama.

den: seryoso?

aly: oo, tutal sabado ngayon, bukas ng hapon tayo uuwi.

den: naisipan mo?

aly: namimiss ko na makabonding ang pamilya ko eh.

.

napangiti ako sa sinabi ni aly. hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nya pero masaya ako na naisipan nyang magbonding kaming pamilya. namimiss ko na rin yung magkasama kami.

SHATTERED DREAMS - Caught in the Middle Book 4 (Alyden ft. Myco Antonio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon